Ilang hugot hininga ang ginawa niya bago pumasok sa kusina ng makitang nagtaas kamay si Jerome.
"hi... Dito tayo kath." ngiting yaya nito.
Kita niya kung paano gumihit ang pagtataka ng mukha ni kelly na kasama nitong kumain kaya napangiti na din siya.
Agad siyang tumungo sa counter para kumuha ng pagkain ng may umagaw sa kanyang hawak na plato.
"ako na ang hahawak." ngiting sabi nito.
Napangiti nalang din siya saka nagkagat labi.
"gumawa na ako ng eksena kahapun sa harap ni kelly kaya wag kang magtaka kung iba ang timpla niya ngayon." ngising bulong nito
"ano ang ginawa mo?"tanong niya habang namimili ng putahe
"sinabi kong maganda ka at inamin kong may crush ako sayo noong una palang. "
Hindi niya mapigilang mapatawa ng bahagya at binatukan si jerome ng ng mahagip sa kanyang mata ang matalim na tingin ni jhon michael. Napalunok siya at kunwaring hindi napapansin ang binata.
Agad siyang ginaya ni jerome sa mesa pagkatapos.
" hi kelly... Good morning!! Himala ata at ang sweet ng kaibigan mo sa akin." ngiti niyang sabi sa kaibigan.
Kita niya kung paano ngumiti si kelly pero hindi abot sa mata.
She's hurt! Nakikita at naramdaman niya yun!
"iwan ko niyan naka-drugs ata!" inis na sabi nito.
Napatingin siya ni jerome pero ngingitian lang siya nito.
"huy... Grabe ka sa akin!! Maniwala itong si Kathleen wala na akong pag-asa." kunwaring inis na asik ni jerome sa dalaga at ngumiti sa kanya.
"kain na kath tiyak namiss mo ang ganitong klaseng ulam dito."dagdag nitong sabi.
" huh?? Anong pag-asa? "maang maangan din niyang tanong saka nagtaas kilay sa binata.
" wag mo nang pansinin itong si Jerome kath kulang lang ito ng pansin. "sikmat ni kelly saka tiningnan ng masama ang binata.
Gusto na niyang matawa sa dalawa. Bagay na bagay talaga ang dalawa pero yung nga lang hindi umaamin sa isa't isa.
" laah.. Wag mo akong tingnan ng ganyan. "ismid na tugon ng binata saka tiningnan siya at ngingitian.
" sabay din tayong mananghalian mamaya kath may i-kwento ako sayo, tayong dalawa lang."mahinang sambit nito pero alam naman niyang naririnig ito ni kelly.
" mauna na ako. "tayong sambit ni kelly kaya nabahala siya sa kaibigan dahil seryoso ang mukha nito.
"sabay na tayo--
" pabayaan mo na siya!! "kontra ni Jerome kaya mas lalong dumilim ang hitsura ni kelly.
" it's ok kath!! Gusto ka pang makasama ni jerome! "mahina sambit ng dalaga saka umalis na ito.
Napapikit siya ng mata at tumingin sa katabi.
Napangisi lang si jerome saka nagpatuloy sa pagkain.
" stop playing jerome! Umamin ka na lang kay kelly para matapos na."mahina niyang sambit saka inis na tinusok sa tinidor ang ulam.
Nakita niya kung paano lumunok si jerome at umiwas ng tingin.
" I tried but she didn't believe me! She just laughed and walk away. Para akong tanga na iniwanan niya."
Napakamot siya sa batok dahil sa inis na naramdaman.
Naiipit siya sa dalawa. Bumuga siya ng hangin saka akmang duruin sa kanyang darili ang lalaki ng may humawak nito at hinila siya patayo.
BINABASA MO ANG
JJJBS#1: Dealing my Bossy Boss(Jhon michael)
RomanceWarning: 🔞 (This story is not suitable at young readers) [Their's other part contains sexy scene] Story of bossy boss and her clumsy crew! Cover is not mine credit to the rightful owner.
