Hindi niya alam kung ilang oras siyang nag iiyak sa sasakyan hanggang sa wala na siyang maiiyak.
Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan pauwi.
Medyo namamaga ang mata niya sa kakaiyak pero bahala na.
Maaga siyang umalis sa bahay kinabukas para hindi makita ang kanyang namamagang mata.
Pinilit niyang inalis sa sistema si james Paul kahit na nahihirap siya.
Binura niya ang number nito at pinagpatuloy ang sariling buhay.
May ilang beses din siyang mapaisip kay james paul pero pinilit niyang winaksi sa isip.
Naalala lang niya ang sakit pagpatuloy niya itong iisipin.
Mas tinuon niya ang sarili sa trabaho niya at nagsisimula na din siyang mag entertain ng manliligaw.
Ang ilan ay mga kaibigan niya dati at ang ilan naman ay ang mga nakilala niya sa paglabas labas sa kuwarto bar.
"may sinagot ka na ba sa mga nanliligaw sayo?" tanong ng ama niya isang araw ng magsama sila sa pag aalmusal.
Napangiti siya saka nagkibit balikat.
"I'm just happy seing them happy too."
"what?? May puso ka pa ba Kathleen??" diin na tanong ng ama niya.
"relax dad!! Mga kaibigan ko lang naman sila." tawa niyang tugon saka sumubo na.
"tama yan baby..." suporta ng mommy niya kaya napangiti siya
"my princess..." kontra naman ng daddy niya.
"ang ingay mo umalis ka nga." taboy pa nito sa asawa kaya napatawa na siya at tinapos ang kinainan saka mabilis na nag excuse.
Alam niya kasing hindi siya titigilan ng ama.
"umupo ka Kathleen..." diin na utos ng ama niya.
Wala siyang choice kundi ang bumalik sa upuan.
"Russell naman parang hindi na matanda yang anak mo." inis na saway ng ina niya sa asawa.
Nagkagat labi siya.
"mukhang na spoiled mo itong anak natin kaya ganito ito." - daddy niya
"what?? Hoy ikaw alam mong--aray..." ngiwi bigla nito at napahawak sa tiyak.
Kapwa sila nataranta ng daddy niya at lumapit nito.
"my princess naman wag mo nga akong takutin!! Sige na sige na hindi ko na pakialaman si Kathleen total matanda na ito." himutok na sambit nito
Napangiti siya at pasikretong umalis na sa hapag.
.
.
.
.
.
.
"so ano na kath?" untag na tanong ni charifil sa kanya.
Nagtaas kilay siya saka sinipsip ang tanduay ice sa baso.
Nasa romance empire sila ngayon.
"ang ano??"
"dah.. Sino sa mga manliligaw mo ang sasagutin mo?" nanlalaking mata nitong tanong
Napatawa siya.
"wala akong sasagutin sa kanila."
"what?? Tapos mo silang paaasahin wala din pala silang napala sayo!"
"sinabi ko na sa kanila na ayaw ko ng manliligaw pero mapilit sila."
"wow.... Ikaw na talaga! Na'sayo na ang korona."
"thank you ." ngiti niyang tugon
"my gosh... Na stress ako sayo. Malapit ng magpasko kath. Wag mong sabihin na malamig pa rin ang pasko mo hanggang ngayon!!"
BINABASA MO ANG
JJJBS#1: Dealing my Bossy Boss(Jhon michael)
RomanceWarning: 🔞 (This story is not suitable at young readers) [Their's other part contains sexy scene] Story of bossy boss and her clumsy crew! Cover is not mine credit to the rightful owner.
