"ano ba bro nahihilo na ako sayo pwedeng umupo ka muna." inis na sabi ni jhon gabriel.
Nagkagat labi siya saka marahang umupo sa sofa.
Nasa opisina siya ni jhon gabriel tumambay dahil na bored siya sa kanyang unit sa kahihintay sa txt ng dalaga.
"anong bang problema mo??" konot noo nitong tanong saka tiningnan siya ng masama
"nag alala lang ako ni Kathleen."
"Puntahan mo!! Wag mo akong perwesiyuhin dito sa opisina. Lumabas ka nga." galit na taboy nito saka tumingin ulit ito sa computer.
Mabilis niyang inabot ang itim na coat sa may stand na bakal at lumabas.
"bakit mo dinala ang jacket ko?" narinig niyang sigaw ng kambal.
Hindi niya ito pinansin. Dali dali siyang pumasok sa kotse at mabilis na pinatakbo ang sasakyan.
Nagtaka siya ng makitang madilim ang buong bahay nito. Saan ba ito nag punta?
Humugot siya ng hininga saka inabot ang cellphone at tinitigan.
Ilang txt na ang ginawa niya pero wala siyang natanggap na reply kahit isa.
Sumandal siya sa kanyang upuan at naghilot ng ulo ng marinig ang pagtunog ng cellphone.
Mabilis niya itong inabot at mabilis na sinagot ng nakita ang pangalan ni Kathleen.
"sana ka ba ngayon?? Nag alala ako sayo??" tanong niya agad sa dalaga pagsagot ng matigilan siya.
Narinig niya ang mahinang iyak nito.
Napalunok siya ay mahigpit na napahawak sa cellphone.
Abot abot ang kaba ng kanyang dibdib.
"Michael..." mahinang sambit nito.
"puntahan mo ako please.." pakiusap nito.
"saan ka ngayon?"saka mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan.
Wala pang dalawang minuto nakarating agad siya sa hospital.
Natanaw agad niya ito sa labas ng hospital pagdating niya.
Mabilis niya itong nilapitan at niyakap ng mahigpit.
It's almost two day's mula noong huli niya itong nayakap at nakita aaminin niyang namiss niya ito ng sobra.
Thanks God your safe!!
Naramdaman niya ang pagyakap nito at ang paghikbi.
"ssshh...taha na." alo niya saka pinahid ang luha nito.
"akala ko kasi mawawala na sa amin si baby brother." hikbi nitong sambit.
Napangiti siya saka niyakap ulit ito.
"ssshh..."alo niya.
Isang tikhim ang nagpahiwalay sa kanila. Para silang magnanakaw na nahuli sa akto.
" Masyadong O. A itong anak ko jhon michael kaya ikaw na ang umintindi. Excited kasing magkaroon ng kapatid. "mahinang bulong nito sa kanya pero rinig na rinig ng dalaga.
" dad,! "saway nito sa ama namumula ang pisngi nito.
" ihatid mo na itong anak ko iho may trabaho pa ito bukas. "suhesiyon pa nito.
Tumango siya saka binaling ang dalaga na nakasimangot.
" takecare of my daughter iho. "sabay tapik ng kanyang balikat at pumasok na sa hospital.
Nagpigil siyang wag matawa. Inis naman nagmarcha ang dalaga patungo sa sasakyan.
" kung pagtawanan mo ako ok lang wag mong pigilan. "iritang sabi nito pagpasok niya.
BINABASA MO ANG
JJJBS#1: Dealing my Bossy Boss(Jhon michael)
RomansaWarning: 🔞 (This story is not suitable at young readers) [Their's other part contains sexy scene] Story of bossy boss and her clumsy crew! Cover is not mine credit to the rightful owner.
