Chapter 3

288 6 1
                                    

Lezdrick POV

Kung ganito ba naman daw kaganda ang naka-apak sa sapatos ko, walang problema. Nagtataka siya sa kinikilos ko, pati din ako nagtataka pero hindi ko lang pinapa-halata. Sa tuwing titingin kasi ako sa mata niya, gusto kong maging mabait sa kaniya. Hindi ko naman maintindihan kung bakit, basta nararamdaman ko lang.

"And you are?" Tanong ko pa, hutek. Bakit ko ba ito ginagawa? Dahil ba sa mata niya?

"I-I'm Esma De Sanchez"

"Esma, naliligaw ka ba?"

"Ahm, medyo"

"Ow, what you looking for, then?"

"Cr, alam mo ba kung saan yun?" Tumango ako at tinuro ang daan ng cr. "Ah salamat, lezdrick"

"Just call me drick or baby" natawa na lang siya sakin. Aba, anong nakakatawa doon? Umalis na siya kaya napakamot ako, may saltik ba yun? Hayaan na nga.

Pagkadating ko sa classroom, nandodoon na ang tatlo. Nakipag-fist bump ako sa kanila at umupo na, sa harap kami naka-upo para makita ang kagwapuhan namin, pero mas gwapo ako.

"Nakita ko si sabrina kanina" napatingin agad ako kay kevin dahil sa sinabi niya.

"Saan mo banda nakita yung crush ko?"

"Doon sa kalesa set, nag-aaral mag-isa"

"Kawawa naman ang crush ko"

"Pero may lumapit sa kaniyang lalaki kaya hindi na siya mag-isang nag-aaral" sumama ang tingin ko kaya natawa ang tatlo, pinagtri-tripan na naman ako. At sino naman ang hampaslupang lumapit sa crush ko?

Lintek talaga yun sakin, at isa pa nababanas na akong mag-hintay kay sir. Tumingin ako sa likod at nakita ko si ria, tumayo ako at lumapit sa kaniya.

"Tapos mo na ba?" Tumingin siya sakin at umiling. "Then, give it to me. Ako na tatapos para bukas ipapass na lang natin" ngumiti siya sakin at binigay ang USB.

"Sabi mo, eh. Tsaka konti na lang naman ang aayusin" tumango ako at bumalik na sa upuan ko, partner kami ni ria sa research at buti nga konti na lang ang gagawin ko.

Ang tagal talaga ni sir, baka naman na-traffic pa yun? First subject talaga ang kina-iinisan ko, eh. Lagi na lang late ang teacher na yun.

Napatingin ako sa pintuan ng may pumasok at agad akong nagulat ng makita kong si esma yun. Anong ginagawa niya dito? Ibig sabihin, mag-kaklase kami? Napatingin siya sakin at nakita ko kung paano siya nagulat, hindi niya din siguro ini-expect na mag-kaklase kami.

Ngumiti ako kaya ngumiti din siya, naglakad siya papuntang likod at tumabi siya kay ria at kinausap ito. So, magkaibigan sila?

"Bro, nahuhumaling ka ba sa kaniya?" Ngising tanong ni dase.

"Kasi kung oo, aagawin ko na sayo si sab" sinamaan ko ng tingin si kevin, mga sira ulo talaga ang mga ito.

"Of course not"

"Then, bakit mo siya nginitian at isa pa titig na titig ka pa hanggang sa maka-upo siya"

"Tsk, masama na ba yun? We're just know each other, oh come on!"

"Sabi mo, eh" ngisi nila, napa-irap na lamang ako. Kung ano-ano iniisip nila.

Maya-maya dumating na si sir, as usual tinawag niya si esma para magpa-kilala sa harap.

"Good morning, I'm Esma De Sanchez from Academic University" pakilala niya, tumango naman kami.

"Academic University? Taga-Italy ka?" Tanong ng isa naming kaklase, ano namang meron kung doon? Tsk.

I Love To See Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon