Chapter 29

189 1 0
                                    

Zuesma POV

---Italian Translated to Tagalog---

"Maligayang pagbabalik, prinsesa zuesma" papuri nila sa akin, yumuko ako upang batiin sila pabalik.

Pumunta ako sa harap ng reyna at yumuko para magbigay galang.

"Ginagagalak kong makita muli kayo, mahal na reyna" mas yumuko pa ako bago nag-angat ng tingin sa kaniya.

"Ginagagalak ko ding makita ka muli, zuesma. Kamusta ang iyong pamamalagi sa pilipinas? Hinanap ka namin doon ngunit walang nakakita sa iyo kaya labis kaming nabahala. Mabuti at nakabalik ka na" tumingin ako kay danzwell, dahil hindi niya sinabi sa reyna na nakita niya na ako noon pa. Sabagay, hiniling ko sa kaniyang huwag ipagsabi kung nasaan ako. Tumango ako dito kaya tumango din siya bilang paggalang.

"Nais kong makita si reyna anna kaya nais kong magtungo sa silangan"

"Bukas na ang kaniyang burol kaya ang kaniyang asawa at anak ay halos hindi na makakain sa sobrang daming gawain" sambit ni ama, tumango ako.

"Nais ko ding malaman kung ano ang ikinamatay niya, maaari niyo bang sabihin sa akin?" Tumahimik sila lahat kaya napakuyom ang kamao ko. "O kaya, maaari niyo bang sabihin kung sino ang pumatay sa kaniya?"

"Ang taong ipinagtatanggol mo noon ay siya ding pumatay kay reyna anna" sambit ni Anastasia na mas lalo kong ikinayukom ng kamao.

"Nasaan sila nagtatago"

"Delikado doon, zuesma. Huwag kang paparoon" pigil agad ng reyna, napangisi naman ako.

"Talaga? Mas natutuwa akong malaman kung nasaan sila ngayon"

"Zuesma!" Tumigil ako sa paglalakad at hinarap si ama.

"Marami akong gustong itanong sa inyo mamaya, ama. Masagot niyo sana lahat ng katanungan ko" giniit ko ang ngipin ko bago umalis. "Hihanda ang aking kabayo sa bungad ng palasyo" utos ko sa isang kawal habang naglalakad ako.

Pumasok ako sa kwarto ko at kinuha ang katana ko, kailangan kong tapusin ang buhay niya sa lalo't madaling panahon.

Lumabas ako sa palasyo at nakahanda na ang kabayo kong kulay puti.

"Matagal ding tayong hindi, wendell" sumampa ako sa kaniya at minasahe ang mukha nito. Napatingin ako sa likod ko dahil may limang kawal na nakasunod sa akin. Napabuga muna ako ng hangin bago pinaandar ang kabayo.

Pinatakbo ko pa ng mabilis ang kabayo para makadating kami sa silangang palasyo, lahat ng dumadaan ay agad gumigilid sa tuwing nakikita nila ang kabayo ng centrong palasyo.

Tanghali na kami nakadating sa silangang palasyo kaya bumaba ako sa kabayo para makapasok sa loob ng palasyo. Lahat sila ay nagulat sa pagbabalik ko ngunit isa sa kanila ay hindi ko pinagtuunan ng pansin.

Nang makarating ako sa bulwagan, lahat ng lakas ko ay biglang nawala. Nanghihina ako habang nakatitig sa bangkay ni reyna anna, dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at doon pa lamang nagsituluan ang luha ko habang niyayakap ko siya.

"R-Reyna anna, nandito na ako. Gumising ka na diyan, namimiss ko ng makita ang iyong matatamis na ngiti, huhu. Reyna! Andito na ako, huhu. Patawarin mo kung ako'y nahuli, nakiki-usap ako sayo gumising ka na diyan dahil marami pa ako sayong ikwekwento, huhu" sabay gungun sa kaniya. "Reyna anna, huwag mo kaming iwan, huhu"

"Princesa zuesma, ika'y nagbalik na pala" sambit ng asawa ni reyna anna. "Nakakalungkot isipin na sa ganitong paraan pa kayo muling nagkita" pinunasan ko ang luha ko at tinignan si reyna anna na mahimbing ng natutulog. "Matagal ka din niyang hinintay at hinanap, prinsesa zuesma. Sa tingin ko ay natutuwa na siya ngayon dahil nagbalik ka na, maaliwalas na ang mukha niya ngayon, tignan mo"

I Love To See Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon