Chapter 9

174 2 0
                                    

Zuesma POV

Nag-unat ako ng matapos ako, sa wakas natapos din. Tumingin ako sa relo ko, 10:30PM na pala. Kinuha ko na ang USB sa computer at niligpit ko na ang mga gamit ko.

Pagka-labas ko sa library, mga ilaw sa poste na lang ang nagsisilbing liwanag sa daan. Habang naglalakad ako sa hallway may biglang humawak sa braso ko, handa ko na sana siyang sipain ng bigla siyang magsalita. Akala ko kasi magnanakaw o ano.

"Esma, it's me clyde" sambit niya, binawi ko ang braso ko at humarap sa kaniya.

"Sa susunod huwag mo akong hihilain dahil basta-basta na lamang akong nananakit lalo na kapag hindi agad nagsalita ang taong humahawak sakin"

"I'm sorry" tumango ako.

"Anong kailangan mo?" At bakit nandidito pa ito sa campus?

"I want to apologize" hindi ako nagsalita. "Esma, I'm sorry. I'm really really sorry. Nagkamali ako sa pagkakakilanlan sayo, I thought kaya mo lang kinakaibigan si drick dahil gusto mo ding maging sikat. Karamihan kasi ganun ang ginagawa sa kaniya kaya sorry kung nahusgahan agad kita ng walang sapat na ebidensya. Kung gusto mong magalit sakin, okay lang tatanggapin ko. Kasalanan ko naman, eh"

"Ayos lang. Lahat naman ng tao nagkakamali. Wala kang kasalanan, alam mo dahil sa ginawa mo. Napa-hanga mo ako dahil mahal na mahal mo ang mga kaibigan mo at ayaw mo silang maloko. Clyde, prino-protektahan mo lang sila kaya mo nagawa sakin yun. Napaka-swete nila dahil may kaibigan silang katulad mo"

"H-Hindi ka galit sakin?"

"Hindi. Natuwa pa nga ako dahil may maganda kang dahilan kung bakit mo nagawa yun----" nagulat ako ng bigla niya akong niyakap.

"Thank you, thank you so much, esma" hinarap niya ako. "Promise, babawi ako sayo"

"Huwag ka ng bumawi"

"What?"

"Mas papayag pa ako kung aayain mo akong maging kaibigan mo" natawa naman siya.

"Ikaw talaga. Oo naman! From now on, ikaw at ako ay magkaibigan na" ngumiti ako. "Pero, babawi pa din ako sa kaibigan ko"

"Ikaw bahala"

"Ahm, gusto mo bang makita si drick?" Napangiwi ako. "Nasa social hall siya"

"Ano? Anong ginagawa niya doon, gabing-gabi na, ah"

"I don't know. Go, he needs you"

"Pero, sinabi niya kan---"

"No, don't believe on him" tumingin siya sa relo niya. "I think, papa-uwi na siya ngayon. Kaya kung gusto mo siyang makita, habulin mo siya. Siguro malapit na siya sa parking lot kaya go" napakunot noo ako, paano niya nalaman ang mga ito? "Ano pang tinutunganga mo diyan? Pumunta ka na, dalian mo para maihatid ka pa niya. Delikado pa naman sa kalye kung maglalakad ka pauwi. Always protect your self, esma" tumango ako at ngumiti.

"Okay, see you tomorrow"

"See you, friend"

Tumalikod na ako sa kaniya at halos takbuhin ko ang parking lot, bakit ba nagmamadali ako? Dahil wala na bang maghahatid sakin, psh! Kaya ko namang maglakad, kalma ka lang self!

Nang makarating ako sa parking lot, wala pa si drick pero naka-park pa din dito ang kotse niya. Sumandal ako sa kotse niya at napabuntong hininga, nagtataka ako kung bakit nandidito pa si clyde at drick. Hindi naman masamang nandidito sila ngunit wala naman siguro silang gagawin dito? Kung ako sa kanila, uuwi na lang ako para makapag-pahinga pa at makapag-review.

Sa tuwing iisipin ko ang nagawa ko kay drick kahapon at kanina, nako-konsensya ako. Bakit ba kasi ako nagpapa-apekto sa sinasabi ng iba? Gusto kong murahin ang sarili ko, naging mahina ako ng dumating ako dito. Naramdaman ko yun sa sarili ko, nasaan na ang dating ako? Ang dating walang paki-alam sa sinasabi ng iba.

I Love To See Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon