Chapter 31

197 2 0
                                    

Zuesma POV

Una kong pinuntahan si ria sa apartment kaya agad siyang napaluha ng makita ako, sinabi niya lahat ng nangyari kaya hindi ko maiwasang maguilty. Hindi ko magawang ikwento ang nangyari sa italia dahil hindi ko gustong makita siya ng malungkot.

Pumunta na kami sa I.U dahil malapit ng magsimula ang event. Hindi ko inaasahan na makikita ko agad si lilly sa building kung saan kami naka-assign. Nanlaki ang mata niya at mabilis akong niyakap ng makita ako.

"Esma, where have you been? We miss you so much" kumalas ako sa yakap at ngumiti sa kaniya.

"Umuwi lang ako sa amin"

"Akala namin kung napano ka na! Pinag-alala mo kami"

"I'm sorry"

"Sus, wala iyon! Panigurado matutuwa si kuya kapag nalaman niyang nagbalik ka na" hindi na lang ako umimik dahil wala din naman akong ibang masabi.

"Oh, Ms. De Sanchez your back" sabi ni Mrs. Ramirez kaya tumango ako. "Where have you been for such a long time?"

"Umuwi ho ako sa amin, may nangyari ho kasing hindi maganda"

"I'm sorry for asking"

"It's okay, Mrs. Ramirez"

"So, okay na ba ang lahat? Nandidito na ba ang lahat?" Tanong niya sa iba.

"Yes, Mrs. Ramirez"

"Then, pumunta na kayo kung saan kayo naka-assign"

Hinila na agad ako ni lilly papunta sa social hall, hindi ko tuloy maiwasang kabahan.

"Nasa harap si kuya drick, ayun oh!" Sabay turo niya sa lalaking nakatalikod, mas bumilis ang tibok ng puso ko ng humarap siya dito. Kinawayan niya ang pamilya nila at ngumiti. He's so handsome and he looks like innocent. "Diyan ka kukuha ng litrato, esma. Ako sa taas para makuha ko lahat" tumango na lang ako kay lilly bago siya umalis, inayos ko ang camera ko para handa na ang lahat mamaya.

"Esma" boses niya pa lang kilala ko na, humarap ako kay sabrina at nakita ko siyang nakataas ang kilay. "Bakit ka pa bumalik? After you leave drick, then babalik ka na parang walang nangyari? How dare you hurt drick like that. You don't deserve drick!"

"At sino ang deserve niya? Ikaw? Hindi ba't ikaw ang unang nang-iwan sa kaniya? Magkaka-anak ka na ngunit ang hilig mo pa din makipag-away, baka makunan ka niyan" nagulat siya sa sinabi ko at bigla siyang napahawak sa tiyan niya. "Kung naghahanap ka ng away, huwag ako pwede?"

"Ang yabang mo, esma! May araw ka din sa akin--"

"Sa totoo lang hindi ko gusto ang ugali mo nung una pa lang, ngayong napupuno na ako sayo baka mapatulan na kita" iniwan ko na siyang nakanganga doon. Hindi ko dapat sinabi ang mga iyon ngunit naiinis na ako sa kaniya, wala naman akong kasalanan sa kaniya pero pilit niya pa din akong inaaway kahit wala namang saysay ang mga iyon.

Nang umakyat na sa stage sila drick, sinubukan kong baguhin ang mood ko. Humarap sa audience si drick at kita ko ang kaba sa mata niya, kaya niyo yan. May tiwala ako sa inyo lalo na sa iyo.

Nagtama ang mata namin ni drick kaya kumaway at ngumiti ako ngunit hindi niya ako nginitian pabalik, galit ba siya sa akin? Seryoso lang siyang sumasayaw kaya hindi ako makapakali habang kumukuha ng litrato. Ang sakit malaman na may galit siya sa akin, hindi ko naman siya masisisi dahil iniwan ko siya ng walang paalam.

Nang matapos ang sayaw nila umalis na ako doon, hindi ko kayang harapin ang seryoso niyang mukha. Bumalik na ako sa building at hindi ko inaasahan na kasama pala ni lilly sila dase, nagulat sila ng makita ako kaya nag-iwas ako ng tingin.

I Love To See Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon