Epilogue

371 12 0
                                    

Habang pinapanood ko silang papalapit sa amin parang gusto ko ng tapusin agad ang laban, alam kong may naghihintay sa akin sa bahay at iyon ay ang aking mahal.

Magkaharap kami ngayon ni charina na sobrang talim ng tingin sa akin.

"Mawawala ka na sa mundo, esma. At sa wakas matatapos na din ang paghihigante ko!" Sigaw nito at tumawa ng malakas.

"Talaga? Bakit hindi na lang ikaw ang unahin ko? Total, gusto mo ng makasama ang iyong ina"

"Hayop ka, esma. Dapat simula pa lang pinatay na kita. Dapat nakinig ako kay ina noon! Hindi ko inaakalang tratraydurin mo ako, sabagay wala kang pinagka-iba sa kanila, kapangyarihan lang din ang mahalaga sayo"

"Tinuring kitang kaibigan ngunit ikaw ang nagtraydor! Sinira mo ang pagkakaibigan natin ng dahil lang sa wala!"

"Hinanap kita, esma! Isinisigaw ko ang pangalan mo at humihingi ako ng tulong sayo ngunit hindi ka dumating! Pinahirapan ako ng mga kawal at binato-bato ako ng kahit na ano, pero nasaan ka ng panahon na iyon? Hindi ka dumating! Umasa ako, esma! Umasa ako sa lahat ng sinabi mo na tutulungan mo ako! Ngunit napunta lahat iyon sa wala! Tapos ngayon inagaw mo sa akin si drick at pinatay mo ang ina ko! Magbabayad ka sa lahat ng ginawa mo! Mas pinili kita noon kesa sa sarili kong ina dahil mas pinaniwalaan ko lahat ng sinabi mo, ngunit hindi ko alam na ikaw pa pala mismo ang tratraydor sa akin!"

"Nagkakamali ka! Pumunta ako noon sa dati nating tagpuan ngunit wala ka na doon, hinanap kita. Pinagtanggol kita sa lahat ng pangungutya nila at pinagtakpan kita dahil kaibigan kita ngunit wala ka na doon, kinalaban ko pati ang mga kaibigan ko ng dahil sayo kaya huwag na huwag mong sasabihin sa akin na isa akong traydor dahil kung tutuusin, ikaw iyon! Sinira mo ang pagkakaibigan natin"

"Ang dami mong satsat, mamatay ka na din naman!" Agad niya akong sinugod kaya wala akong ibang ginawa kundi ang iwasan siya. "Lumaban ka, esma! Labanan mo ako pabalik! Huwag kang duwag!"

"Kapag napabitaw mo sa akin ang espada ko, lalaban na ako pabalik"

"Ahhh!!" Umaatras ako habang patuloy siyang sumusugod sa akin, walang humpay ang galit sa mata niya. Hanggang ngayon nasasaktan at nahihirapan pa din ako ng dahil sa kaniya. She's my best friend but it's turn to be my enemy.

Nag-aaway kami ng dahil sa maling akala, sabi nga nila past is past ngunit hindi mo talaga makakalimutan ang nakaraan kung patuloy ka nitong ginagambala. Sa bawat pagpatak ng luha niya ay mas lalong nagpapahina sa akin. How could I do this to her?

"Lumaban ka, esma! L-Labanan mo ko, huhuhu" napayuko siya at doon siya napa-iyak lalo.

Nilapitan ko siya ngunit agad niya akong sinugatan sa bewang, konting hiwa lamang iyon ngunit bakit hindi ko maramdaman ang sakit? Namanhid na ba ako? O, sadyang pagod na pagod na ako sa lahat ng nangyayari?

Gulat siyang tumingin sa akin at sa sugat na natamo ko ng dahil sa kaniya.

"E-Esma, hindi ko sinasadya, huhu" umiiyak siya pero agad din siyang tumawa. "HAHAHAHA! Bagay sa iyo yan! Kulang pa yan sa lahat ng ginawa mo---huhuhu, anong nangyayari? Bakit ka may sugat?---sorry, hindi ko sinasadya, huhuhu" napaluha ako at sobrang sakit malaman na ganito ang kinahihinatnan naming dalawa, mas lalong hindi ko nakakayanan na lumaban pabalik.

"Ayos lang, ina. Uuwi na tayo, okay? Babalik na tayo sa dati. Wala ng pwedeng manakit sayo" natawa siya at pinunasan ang luha.

"Babalik sa dati? Wala ng mananakit sa akin? Katulad yan sa mga sinabi mo noon na hindi mo naman napanindigan! Hanggang kailan, esma? Hanggang kailan ka mangangako na hindi mo naman tinutupad!"

"Ililigtas kita dito, yun ay isang pangako!"

"Ow, mukhang nagkakabati na ang dalawa!" Sabay tawa ni owell na kakadating lang, agad kong tinutok ang espada ko sa kaniya. "Pero, bago iyon. Papatayin ko muna ang traydor na ito!" Tinapat niya ang baril kay charina kaya agad kumalabog ang puso ko. Natatakot na baka makalabit niya ang batilyo ng baril. "Say goodbye to your best friend, princess zuesma!" Kinalabit niya ang baril kaya agad kong niyakap si charina dahilan upang mabaril ako sa likod.

I Love To See Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon