Zuesma POV
Nang matanggap ko ang text agad akong pumunta sa sinasabing lugar ni louie, tulog na si ria kaya madali akong naka-labas ng apartment ng hindi niya namamalayan.
Madilim ang lugar kaya kailangan kong talasan ang paningin ko, habang naglalakad ako may nakita akong kotse sa hindi kalayuan. Kotse ni louie yun kaya agad kong nilapitan, kakatok na sana ako sa bintana ng bigla itong bumukas at bumungad sakin ang asul na mata ni drick. Anong ginagawa niya dito?
"Anong ginagawa mo dito?" Wala sa sariling sagot ko.
"Ikaw ang dapat kong tanungin niyan! What are you doing here?! Go home!"
"Kailangan kong tulungan si louie"
"Sa paanong paraan? Babae ka kaya sa tingin ko madali ka lang patumbahin ni choyie"
"Wala ka bang bilib sakin, drick?"
"What? Of course, meron" ngumiti ako at hinawakan ang ilong niya.
"Thanks for believing on me. I appreciated"
"Tsk" tinanggal niya ang kamay ko sa pagkaka-hawak sa ilong niya. "Go home, esma"
"Stay here"
"What?"
"Susundan ko sila"
"Sasama ako"
"Huwag na" bumaba siya sa kotse at humarap sakin. Gusto kong matawa dahil nakapang-tulog na si drick, ternong panda pa talaga ang suot niya. Nang mapansin niya akong nakatingin sa damit niya, namula ang buong mukha niya.
"What? Panda is my favorite"
"Wala naman akong sinasabi, pfft"
"Your laughing"
"No, I'm not"
"Tsk, I see it" natawa na talaga ako kaya ngumuso siya. Mukha talaga siyang baby.
"Okay. Sorry" tinignan ko ang mata niyang kulay asul. "Stay here, drick"
"No. I'm coming with you"
*bang*
Napatingin kami sa abandonadong building ng may marinig kaming putok ng baril. Nagsi-simula na sila.
"Esma, saan ka pupunta? You didn't hear it? It's a gun"
"Dito ka lang, drick"
"Hindi ka pupunta sa loob" tinignan ko lang siya. Hahakbang na sana ulit ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "Then, sasama ako sayo" tumango na lamang ako dahil ang tigas ng ulo niya.
Hawak ko ang kamay ni drick habang papalapit na kami sa abandonadong building. Parang may kuryenteng dumadaloy sa kamay ko sa tuwing hahawakan ko ang kamay ni drick, gusto ko man siyang bitawan pero hindi pwede. Baka kung saan-saan pa siya pumunta.
Agad kaming nag-tago ng may dadaang isang kalaban, binitawan ko si drick at agad kong sinikmura ang lalaking dumaan sa harap namin.
"Close your eyes" seryosong utos ko dito at gulat namang tumango sakin si drick. Ayaw kong makita niya ang gagawin ko. Ayokong makita ng asul niyang mata ang masamang ginagawa ko.
Sinipa ko sa leeg ang kalaban ko at tsaka ko siya sinuntok sa lalamunan, handa pa sana siyang tumayo ng kwenelyuhan ko siya at binalibag. Wala na siyang malay sa sahig kaya hinila ko siya sa gilid at pagkatapos lumapit na ako kay drick. Hinawakan ko ulit ang kamay niyang malamig na, hindi ko tuloy maiwasang matawa. Kinakabahan siguro siya.
"Drick, open your eyes now" dahan-dahan siyang tumingin sakin at napalunok.
"Where's the guy?"
"Somewhere?" Hinila ko na siya papataas, marami ng nagbabarilan kaya kailangan ko talagang ingatan ang lalaking ito, sinabi na kasing maiwan siya, eh.
BINABASA MO ANG
I Love To See Your Eyes
Teen FictionWhat if, zuesma came back from the Philippines? She will like it here? Or, she will go back to the italy? What if, she will meet her dream guy here? Can she stay here with drick? And can zuesma and drick cross there path again? Can drick know what t...