Zuesma POV
Habang naglalakad ako mag-isa dito sa rainwalk, naka-tungo lang ako. Napabuga ako ng hangin at nag-angat ng tingin sa harap. Ang bigat-bigat ng pakiramdam.
"Esma" napalingon ako sa likod at nakita ko sila lilly, ngumiti ako sa kanila.
"Hi"
"Hi, kumain ka na ba?" Tanong ni clarissa, tumango naman ako kahit hindi pa ako kumakain. Wala akong gana, feeling ko busog pa ako.
"Ganun ba? Sayang naman, aayain ka pa lang sana namin"
"It's okay, maybe next time but for now kayo na lang muna" tumango naman sila.
"Hey, sabrina!" Napatingin kami sa likod ko at nakita namin si sabrina na kasama ang apat. Napalunok naman ako at nag-iwas ng tingin kay drick.
"Hi, girls. Hi drake"
"Gosh, buti na lang andito ka na" sabi ni zarie, napangiti naman si sabrina. "By the way, esma. This is Sabrina Trisha Algero. Sabrina, this is esma. The transferee"
"Hi. Ikaw pala ang bagong KAIBIGAN ni drick" sabi ni sabrina sabay hawak sa pisngi ni drick. Bakit kailangan bang diinan ang 'kaibigan'
"Nice to meet you"
"Ow, nice to meet you too. Anyway, say hi to your FRIEND, drick" napabuga na lamang ng hangin si drick.
"Stop sabrina"
"What?" Sabay tawa ni sabrina, napatingin na lamang ako sa malayo. Bakit ba ang init ng ulo nila sakin? Wala naman akong ginagawa.
"Guys, we need to go to the field" biglang sambit ni clarissa habang nakatingin sa cellphone niya.
"What? Why?" Tanong ni dase dito.
"Pinapatawag tayong lahat ni dean. Let's go to the field" tumango naman kami.
Sumabay ako kay lilly sa paglalakad at hindi na ako lumingon pa kila drick dahil baka maka-halata na siyang iniiwasan ko siya. Baka sa mga oras na ito hinihiling na ni clyde at sabrina na umalis ako, hays.
Pagkadating namin sa field, marami ng estudyante. Nagtataka rin siguro ang mga estudyante dito kung bakit may biglaang pagtatawag samin.
"Esma" napatingin ako sa nag-tawag sakin at nakita ko sila ria kaya ngumiti agad ako.
"Hello" bati nila jacob kaya tumango ako.
"Dito na lang siguro tayo" sambit ni lilly kaya huminto kami sa may lilong.
"Nag-lunch ka na ba, esma?" Tanong ni krista, napatingin naman ako kila clarissa at nakatingin lang din sila sakin. Inaabangan ang sasabihin ko at dahil nga nag-sinungaling ako sa kanila, tumango ako kila krista.
"Oo naman"
"Pero, hindi kita nakita sa cafeteria" sambit naman ni ria.
"Of course, sa garden ako kumain kaya hindi niyo ako nakita sa cafeteria"
"Hindi kita nakitang pumasok sa cafeteria" matigas na sambit ni ria, napabuga ako ng hangin.
"What's problem kung hindi niyo siya nakita sa cafeteria? Sinabi na nga niyang kumain na siya sa garden" napatingin kami sa bagong dating, sila louie. "Hi esma. By the way, tol. This is esma. Esma, this is Zuel Austin Rowez Reyes" kapatid niya pala si zarie.
"Hi" banggit ni zuel, tumango ako dahil naiilang ako. Masyadong matataas na tao ang mga nakaka-usap ko.
"So, bakit tayo pinapatawag ni dean. Miss president" ngising sabi ni louie kay clarissa, umirap naman si clarissa.
BINABASA MO ANG
I Love To See Your Eyes
Teen FictionWhat if, zuesma came back from the Philippines? She will like it here? Or, she will go back to the italy? What if, she will meet her dream guy here? Can she stay here with drick? And can zuesma and drick cross there path again? Can drick know what t...