"Hindi niyo siya kilala kaya huwag niyo siyang pagsasalitaan ng ganiyan!" Inis kong sigaw.
"Gusto mo bang mag-away-away tayo dahil lang sa babaeng iyon?" Inis na sigaw din ni kinno. Pinagkaka-isahan nila ako.
"Umuwi ka na muna, zuesma. Magpalamig ka na muna ng ulo mo. Mawawala din lang sa isip mo si ina" saad ni anastasia, nanggalaiti ako dahil sa sinabi niya.
Tinalikuran ko sila at patuloy lang ako sa paglalakad. Kinamumuthian ko sila, ang sama-sama ng loob ko sa kanila. Kaibigan ko sila pero bakit ganito ang ginagawa nila sakin?
Makalipas ang limang taon...
"Lolo soru, are you okay?" Tanong ko kay lolo, nandidito kami sa U.S dahil dito ako nag-aaral ng elementary. Nakilala ko din si ria, pero hindi ko siya madalas nakakasama dahil sa mga bodyguard ko. Nakakainis nga, eh.
"Check up ko na pala ngayon, apo. Samahan mo ako sa hospital" ngumiti ako at tumango.
Hinatid kami ng driver sa malapit na hospital. Bumaba kami sa kotse at pumasok sa hospital. Madami ding tao kaya humawak ako kay lolo.
"Hintayin mo ako diyan" sabi niya sakin, tumango ako at umupo sa waiting area.
Pumasok si lolo sa loob ng clinic kaya napanguso ako, gusto ko kasi siyang tignan.
"Doc, how's my son?" Napatingin ako sa babae, umiiyak siya habang kausap ang doctor. Katabi niya ang asawa niya at nasa likod nila ang apat na batang lalaki. Malungkot at tila umiiyak din sila. Ano kayang nangyari?
"He will be fine but we need a operation. The damage was a serious. His kidney is affected to it"
"Please, doc. Do your best to save my son!"
"I will, Mrs. Falcon Ford" umalis na ang doctor kaya napa-upo ang babae sa gilid ko. Iyak lang siya ng iyak kaya pati ako nahahawa sa kaniya. Kawawa naman siya.
Umalis ang matangkad na bata kaya sinundan ko siya, gusto kong malaman kung anong nangyari.
Pumasok siya sa isang kwarto kaya napangiwi ako. Sumilip ako sa glass wall kaya nakita ko ang loob, may batang lalaking nakahiga, wala siyang malay at may tubo sa bunganga niya. Nakaramdam tuloy ako ng awa at napahawak sa salamin. 'Magpagaling ka bata, marami pang naghihintay sa pagbabalik mo. Mabuti ka nga may nanay na naghihintay sa paggising mo'
BINABASA MO ANG
I Love To See Your Eyes
Teen FictionWhat if, zuesma came back from the Philippines? She will like it here? Or, she will go back to the italy? What if, she will meet her dream guy here? Can she stay here with drick? And can zuesma and drick cross there path again? Can drick know what t...