Chapter 10

213 1 0
                                    

Zuesma POV

"Huy, babae. Kanina ka pa good mood, ah!" Sambit ni ria, napakunot noo ako.

"Ayaw mo ba akong nakikitang good mood? Okay, kung ayaw mo--"

"Hindi naman sa ayaw, nagtataka lang ako. Ano ba kasing nangyari kagabi? Pagka-uwi mo kasi kagabi ang saya-saya mo"

"Yun ba? Masaya lang ako dahil bati na kami ni drick"

"Ayun naman pala ang dahilan. Ikaw ah! Iba na yan"

"Ria, kaibigan ko lang siya. Walang malisya doon"

"Eh, paano sa kaniya? Kaibigan ba turing niya sayo?" Actually wala namang binanggit si drick na magkaibigan na kami.

"Importante pa ba yun? At least, we're good in terms"

"Hays, ewan ko sayo. Baka iba na ito, ah"

"Kung ano-ano iniisip mo, may iba siyang gusto. Si sabrina"

"Hindi naman yun ang---"

"Huwag mo nga akong lokohin, ria" napangisi na lamang sakin si ria, napabuga naman ako ng hangin. Kailangan ba lahat may meaning?

"Hi girls" napatingin kami sa bagong pasok, yung tatlo. Ngumiti ako at himala hindi nila kasama si drick.

"Hi friend" bati din ni clyde, natawa ako at tumango.

"Hello din sa inyo"

"Ahem, bakit ako hindi mo binati?" Napatingin kami sa pinto at nakita namin si drick, kakadating niya lang. Ngumiti ako.

"Ang sabi ko 'hello sa INYO'. Means sa inyong lahat"

"Psh, ang dami pang palusot"

"Okay. Hi drick. Good morning" nang dahil sa sinabi ko namula yung tenga niya, ang cute niya talaga.

"Ay, ay, ay, iba na yan ah!" Singit ni kevin, natawa naman sila dase habang sumama naman ang mukha ni drick.

"Hanap ka kasi ng ka-love team mo, tol" sabi naman ni dase kay kevin, napailing na lamang ako.

"Magsi-upo na kayo, andyan na si sir"

"Himala at ang aga niya" nagsi-tawanan kami dahil sa sinabi ni drick.

Habang nakikinig ako bigla akong kinudit ni drick, napatingin ako sa kaniya at nakita ko siyang nakangiti sakin kaya ngumiti din naman ako.

"Bakit?" Tanong ko dito, umiling naman siya at ngumisi. May kalokohan na naman siguro itong naisip.

"Nakalimutan mo na bang itre-treat mo ako ngayon?"

"Of course not. Bakit ko naman makakalimutan? Eh, lagi kang andyan kaya lagi kong maalala, haha" sinamaan niya naman ako ng tingin. "Oo na, sorry. Babawi ako sayo kaya dapat hindi ko makalimutan yun"

"Babawi? Really?" Ngumiti ako at tumango.

Nakinig na ulit kami kay sir, baka mamaya palabasin niya kami. Napangiti ako ng may maalala ako.

Flashback

---Italian translated to Filipino---

"Princess zuesma and prince ezekiel, patawad ngunit kailangan niyong lumabas dahil hindi kayo nakikinig sa aking klase" napatigil kami ni ezekiel ng marinig namin yun, anong problema ng matandang toh?

I Love To See Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon