Zuesma POV
Nagulat ako ng bilhan niya ako ng damit at kwentas. Wala namang special day ngayon bukod sa date namin. Nagtataka pa din ako sa kilos niya pero hinayaan ko na lang.
"Nandito na sila" bulong ko, nakita ko ang mga tauhan nila oliver. Anong ginagawa nila dito? Alam na ba nilang andito ako? Hindi pwede, wala pa akong lakas upang lumaban.
"Who's here?" Bigla akong nagulat ng biglang sabihin iyon ni drick, narinig niya ko.
"Wala. Akala ko nandidito din Sila halley" patay malisya ko at kumain na ulit at tinanong siya sa ibang bagay upang mawala sa isip niya ang sinabi ko. Alam ko namang hindi agad siya naniniwala sa sinasabi ko.
Pagkatapos naming mag-date, hinatid na niya ako sa apartment namin. Nakangiti akong pumasok sa loob habang hawak ang kwentas sa leeg ko. Napawi lang iyon ng makita ko si ria, naka-upo siya sa sofa at namimilipit sa sakit.
"Ria" lumapit ako sa kaniya kaya tumingin siya sakin. "Anong nangyari sayo?"
"Ang sakit ng tiyan ko"
"Teka, kukuha ako ng tubig" kumuha ako ng tubig sa kusina at agad iyon binigay sa kaniya. "Masakit pa ba?" Tumango siya. "Hintayin mo ako dito, bibili lang ako ng gamot" kinalkal ko ang bag ko at binigay sa kaniya ang bio flu. "Iisa na lang yan, inumin mo muna yan para humupa ang sakit. Bibili lang ako ng extrang gamot" inalalayan ko siyang uminom ng gamot at hinayaan ko siyang humiga pagkatapos.
"Matutulog muna ako baka sakaling mawala ang sakit" tumango naman ako at lumabas na.
Hindi naman ako marunong mag-motor kaya naglakad na lang ako papuntang pharmacy. Medyo malayo yun kaya natagalan akong makapunta. Buti na lang may extra ako, malayo pa naman ang pharmacy dito. Kailangan nag-sstock kami ng gamot.
"Ate, isang box ng bio flu, paracetamol at amoxicillin" sabi ko sa cashier, tumango naman siya at umalis para kumuha ng sinabi ko.
"470 lahat" binigay ko sa kaniya ang 500 kaya sinuklian niya ako at binigay niya na ang binili ko.
Aalis na sana ako sa pharmacy ng masabat ko siya. Dere-deretso lang siya sa paglalakad at tila hangin ako sa paningin niya. Para nadurog ang puso ko sa ginawa niya, hindi niya ba ako nakikilala? Sabagay, hindi niya ako binibisita noon kaya hindi niya alam ang itsura ko. Aalis na sana ako ng magsalita siya.
"Excuse me, miss" hindi ako naka-galaw dahil sa itinawag niya sakin. Miss? Wow, really? Parang kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. "Miss?"
"Do you have a daughter?" Nagulat siya sa sinabi ko at natawa.
"Of course, I have a two daughters and one son. Why did you ask, hija? You know my children?"
"You're our guest in the ball night, I guess?"
"Ow, sorry. I didn't pick you, huh? Maybe, hindi lang kita napansin. I'm zamora reyes, by the way" sabay lahad niya ng kamay, ngumisi ako at tinignan lang iyon.
"I'm sorry, Mrs. Zamora. But I don't do shake hands"
"Oh! Sorry. You are?"
"Esma"
"Esma?" Napatango siya. "Unique name, who gave you that name?"
"My bullshit mother" natigilan siya at ngumiti sakin.
"Your mad at your mother, huh!"
"No. She's mad at me"
"Maybe, because of your attitude. Don't get me wrong, hija. Kung magiging anak kita baka itatakwil din kita, kasi hindi ako nagpapalaki ng ganiyang anak. Bad attitude it's not my typical daughter"
BINABASA MO ANG
I Love To See Your Eyes
Teen FictionWhat if, zuesma came back from the Philippines? She will like it here? Or, she will go back to the italy? What if, she will meet her dream guy here? Can she stay here with drick? And can zuesma and drick cross there path again? Can drick know what t...