Chapter 28

176 2 0
                                    

Zuesma POV

"Bye, see you tomorrow" sabay kaway nila zylie. Alas otso na din kaya kailangan na naming umuwi.

"Gusto mo bang bumisita muna sa bahay?" Tanong ni rox, umiling ako.

"Walang kasama si ria sa apartment. Naka-uwi na ba si ama at ang reyna?"

"Oo, kaka-uwi lang kahapon. Kailangan daw nilang ayusin ang gulo sa lalong madaling panahon" napatango naman ako.

"Darling, let's go" tawag sa akin ni drick ng maitapat niya sa amin ang sasakyan niya.

"Your boyfriend?" Takang tanong ni marx.

"Soon, bro" sabay ngisi ni drick, napailing na lang ako.

"Akala ko ba si sabrina ang gusto mo?" Tanong ni rox, ngumiwi naman agad si drick.

"Si esma ang nililigawan ko diba? Edi, ibig sabihin si esma ang gusto ko"

"Tsk, lalaki ka na ngayon ah" umirap na lang si drick.

"We gotta go"

"Take care of our sister" napakunot si drick dahil hindi niya naunawaan ang narinig.

"Your sister? Is she your sister?"

"Yes, why?"

"I thought----"

"It's a long story, drick" sumakay ako sa kotse niya. "Tara na" tumango na lang ako kila rox kaya tumango din sila sa akin. Bumusina na muna si drick bago pinaandar ang sasakyan.

"How's that happen?" Gulat na tanong ni drick habang nagmamaneho.

"Half brother ko sila sa ama"

"Ang gulo" hindi ko na lang inimik si drick dahil magulo nga. Sinabi naman na sa akin ni zylie ang lahat ngunit hindi ko pa din maintindihan ang lahat.

Kinuha ko ang cellphone ko ng bigla itong nag-ring, sinagot ko ang tawag ng makita kong si danzwell ang tumatawag.

"Princess..." Nanginginig ang boses nito dahilan upang kabahan ako. "Wala na si reyna anna. She already past away" napatigil ako sa narinig at wala akong ibang maisip dahil sa sinabi niya. No!

"Hindi! Hindi pwede, danzwell! Kailangan ko siya. Kailangan namin siya. Hindi, *hik*" tuloy-tuloy ng tumulo ang luha ko dahilan upang ihinto ni drick ang sasakyan at binalingan ako ng may pagtataka sa mukha.

"What happen?" Umiling-iling ako ng yakapin ako ni drick.

"Hindi siya pwedeng mawala. Marami pa kaming plano sa buhay. Hindi! Napaka-buti niyang tao para ganoon na lamang ang mangyari sa kaniya" iyak lang ako ng iyak dahil pumapasok lahat sa isip ko lahat ng kabutihan na ginawa niya sa akin. Para ko na din siyang pangatlong nanay dahil kahit kailan hindi niya ako sinukuan.

Flashback

---Italian Translated to Tagalog---

"Hindi ba't masyadong maaga ang pagpunta ni zuesma sa pilipinas?" Napatigil ako sa pinto ng marinig ko ang boses ni reyna anna. "Delikado doon lalo na at inaabangan siya ng mga kalaban, paano kung mapahamak siya? At isa pa, wala namang kasalanan si zuesma kung naging kaibigan niya ang anak ni cha farrah, tulad ko ay napahanga din ako ni ina. Tulad ng sabi ni zuesma ay mabait na tao si ina dahil nakilala ko din ito" pinunasan ko ang luha ko at muling bumaling sa kanila.

"Kahit anong ipaliwag mo, tingin nila sa akin ay isa na din ako sa kanila. Akala nila ay nakuha na din ni ina ang loob ko"

I Love To See Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon