Tatlong linggo na ako dito sa palasyo at sobrang miss ko na siya. Malapit na muli tayong magkita, drick. Konting tiis na lang.
Simula ng umamin si ezekiel araw-araw na itong nagpapadala ng bulaklak sa akin at palagi din siyang nakasunod sa akin. Naiinis na nga ako dahil mas lalo akong kinamu-muthian ni kim. Sa tuwing magtatagpo ang landas namin ay iniirapan ako nito.
Patuloy ko lamang pinapatakbo ang kabayo ko dahil ngayon ko na susugudin si cha farrah. Hindi na ako nagsama pa ng iba dahil ayaw kong mapahamak pa sila.
"Yah!" Hinila ko ang tali para patigilin ang kabayo, bumaba ako sa kabayo at hinanda ang katana ko.
Tanging tunog lamang ng ibon ang mariring mo dito dahil sa sobrang tahimik, halos nasa dulo din ito ng gubat kung kaya't natatabunan kami ng matataas na puno.
Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng kubo at hindi ko inaasahan na bigla akong susugudin ni cha farrah. Mabilis akong umiwas sa patalim niyang hawak.
"Anong ginagawa mo dito, mahal na prinsesa? Ganoon mo ba ako ka-gustong makita para puntahan ako dito? Aba, hindi kaya gusto mo ng matapos ang buhay mo ngayon?" Ngumisi ito at agad akong sinugod, panay naman ang ilag ko.
"Sa tingin mo? Bakit ako naririto?" Tumaas ang kilay ko. "Madami ka ng kasalanan sa akin, cha farrah. Ngayon ay hindi ko na dapat pang palampasin ang mga iyon"
"Mayabang ka nga tulad ng nalalaman ko. Simulan mo ng magdasal o kaya sana naman nakapag-paalam ka na muna sa mga taong minamahal mo bago mo ako sugudin----ahh" pinana ko siya sa dibdib na agad niyang ikinagulat, dahan-dahan siyang yumuko para tignan ang dibdib niya.
"Mukhang ikaw unang magpapaalam, cha farrah. Hindi mo ba alam na kaitagal kitang hinanap para patayin?" Tinulak ko siya sa kahoy. "Sobrang dami mong kasalanan na ginawa sa akin. Una, inutusan mo si charina na maging masama, pangalawa, pinatay mo ang kaibigan ko, pangatlo, sumugod kayo sa eskwelahan, pang-apat, pinatay mo ang pinaka-mamahal kong si reyna anna at pang-lima, pinapasok mo dito sa loob ng palasyo ang mga kalaban. Ngayon nais kong humingi ka ng tawad sa akin, baka mapatawad pa kita" ngunit tumawa lang si cha farrah na para bang nahihibang.
"Hinding-hindi ko gagawin iyon sa mga taong pumatay sa mga magulang k-ko-ack. Mas marami pa kayong g-ginawang mali k-kesa sa akin"
"Namatay dahil sa digmaan ang mga magulang mo, ninais nila kaming kalabanin kung kaya't wala kaming nagawa kundi lumaban pabalik dahil kung hindi kami lalaban ay baka kami pa ang mapatay nila" tumulo ang luha nito pero agad ding tumawa ng malakas.
"M-Magbabayad pa din kayo! Ackkk"
"Kailangan mo ng magpahinga, cha farrah. Mapatawad mo sana ako ngunit kailangan kong gawin ito" pinana ko pa siya sa dibdib kaya agad siyang nawalan ng malay. Kung tutuusin, kulang pa ang lahat ng iyan.
Tumalikod na ako at sumakay sa kabayo ko pero bago pa ako maka-alis ay narinig ko pa ang sigaw ni charina.
"Ina!!!!! Huwag mo akong iwan, huhuhu!!! Magbabayad ka, zuesma!!!"
"Yah!" Pinatakbo ko na ang kabayo ko papuntang palasyo.
Napatingin ako sa kamay ko at biglang nanubig ang mata ko. Sobrang, sakit. Hindi ko gustong pumatay ngunit wala akong magawa kundi gawin ito dahil ganoon ako pinalaki ng mga magulang ko.
Bumaba ako sa kabayo at sinalubong agad ako ni ezekiel na may pag-aalala sa mata.
"Saan ka galing? Kanina mo pa kami pinag-aalala. Ayos ka lang ba? Bakit ka umiiyak? May nanakit ba sa iyo" pinaulanan agad ako ng tanong ni ezekiel.
"Ayos lang ako" hindi ako ayos, pakiramdam ko napaka-wala kong kwentang tao. Napaka-makasalanan kong tao, hindi ako nararapat na mabuhay.
"Huwag kang magsinungaling, zuesma"
BINABASA MO ANG
I Love To See Your Eyes
Teen FictionWhat if, zuesma came back from the Philippines? She will like it here? Or, she will go back to the italy? What if, she will meet her dream guy here? Can she stay here with drick? And can zuesma and drick cross there path again? Can drick know what t...