Ilang oras na kami dito sa waiting's room ngunit hindi pa din lumalabas ang doctor. Ano na kayang nangyayari sa loob? Habang patagal ng patagal mas lalo akong kinakabahan.
Kanina pa din umiiyak ang mama ni drick at si lilly, napapikit ako dahil dapat celebration ang ginagawa namin ngayon hindi ganitong nandidito kami sa hospital. Napamulat ako ng lumabas na yung doctor, napakunot noo ako habang tinitignan ang ekpresyon nito. Kahit hindi siya magsalita, parang alam ko na ang sasabihin niya.
"I'm sorry, Mrs. Falcon Ford. But your son has a critical condition, right now.." may iba pang sinabi ang doctor ngunit hindi ko na magawang makinig pa, critical condition? The heck! Ilang araw na ba niyang tinitiis ang sakit na iyon?
"Doc, kailan magigising ang anak ko?"
"For now, we still monitoring on him. Hindi pa namin alam kung kelan siya magigising" tumango si Mr. Falcon Ford. "Please, excuse me" umalis na ang doctor kaya agad akong pumunta sa kwarto ni drick.
Napaluha ako ng makita ko ang kalagayan niya, may nakatusok na tubo sa bibig niya. Kinakailangan operahan yung kidney niya sa lalong madaling panahon. Hinawakan ko yung glass wall at napayuko.
"Esma, I know it's hard. Pero, kailangan mong magpakatatag" sambit ni halley kaya agad ko siyang niyakap at doon napa-iyak sa balikat niya. "Shh, everything's gonna be alright" tumango-tango ako dahil wala naman akong magagawa kundi tanggapin.
"Esma" humarap ako kay louie at pinunasan ko ang luha ko. "Alam ko na kung sino ang babaeng nakita natin noong gabi sa I.U."
"Sino?"
"Tauhan siya ni Zinno Rowez" ang ama ni ina?
"Saan matatagpuan ang opisina niya?"
"Sa Rowez Luna Company" tumango ako at tumingin kay drick.
"Babalik ako, mahal ko"
Umalis agad ako sa hospital dahil kinakailangan kong maka-usap si zinno rowez. Sumakay ako sa taxi at sinabi sa kaniya ang address.
Nang makadating kami, nagbayad at bumaba na ako sa taxi. Tumingin ako sa napaka-laking building at hindi ko inaasahan na may ganito kalaking kompanya ang lolo ko.
"Saan po ang appointment niyo?" Tanong ng guard kaya agad kong pinakita ang I.D.
"Apo ako ni zinno rowez"
"Ay, sorry po ma'am"
"Nandiya-diyan ba siya?"
"Nasa meeting po siya pero patapos na din po iyon" nagpasalamat ako sa guard at pumasok na ako sa loob.
Pinagtitinginan ako ng ibang employee kaya hindi ko na lang sila pinansin. Lumapit ako sa front desk at tinanong kung saan ang opisina ni Mr. Rowez.
"Sino ho sila?" Mataray pa nitong tanong.
"Pwede bang sabihin mo na lang?"
"Hindi pwede, may meeting siya ngayon. Kaya bawal siyang istorbohin" sa inis ko sa babae agad ko na siyang iniwan doon. Hays, bwiset!
Pumunta ako sa elevator at malapit ng magsara iyon kaya agad akong pumasok. Maraming nagsibabaan sa third floor at fifth floor, hindi manlang sila umabot ng sampung palapag. Mag-isa na lang ako dito sa elevator kaya pinindot ko ang 24th floor.
Nang bumukas ang elevator, lumabas na ako at hinanap ang opisina ni Mr. Rowez. Pero habang hinahanap ko ito may nakita akong madaming guard sa labas ng isang opisina kaya agad ko itong nilapitan.
"Sino ka? Bawal ka dito!" Agad na sabi ng guard, tinaas ko ang kilay ko at nilapitan siya.
"Papasukin niyo ako" nagsitawa ang mga guard kaya agad akong napangisi.
BINABASA MO ANG
I Love To See Your Eyes
Teen FictionWhat if, zuesma came back from the Philippines? She will like it here? Or, she will go back to the italy? What if, she will meet her dream guy here? Can she stay here with drick? And can zuesma and drick cross there path again? Can drick know what t...