Chapter 17

164 1 0
                                    

Zuesma POV

Nagpapahangin ako ngayon dito sa labas, masyadong maingay kasi doon sa loob ng gym at nakakahilo ang iba't-ibang kulay ng ilaw. Napabuga ako ng mabigat na hininga ng maalala ko ang nangyari kanina.

Masaya niyang nilagyan ng carbonara ang plato ni sabrina, hindi dapat ako makaramdam ng selos dahil alam ko namang may gusto si drick kay sabrina.

Habang kumukuha ako ng litrato kanina, napansin ko na naman silang masayang nag-uusap. Gustong-gusto nga talaga ni drick si sabrina, bakit hindi pa niya ligawan ito? Mukha namang gusto din siya ni sabrina.

At isa pa, nakaramdam ako ng inggit kay sabrina ng makita kong inakbayan siya ni drick habang nagkukulitan sila. Hindi ko dapat ito maramdaman dahil bawal, iiwan ko din lang si drick pagdating ng oras kaya dapat itigil ko na ito habang maaga pa, pero paano ko ito matitigil kung araw-araw mas lumalalim ang nararamdaman ko sa kaniya? Paano kapag nahulog na talaga ako ng tuluyan sa kaniya tapos biglang dumating ang oras na kinakailangan ko ng bumalik sa italy?

"I knew it, you're here!" Halos bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang boses na yun, napatingin ako sa harap ko at nakita ko siyang papalapit na sakin.

Habang papalapit siya ng papalapit sakin mas dumo-double ang bilis ng tibok ng puso ko. Napatigil ako ng biglang mag-slow motion ang lahat, nakangiti siyang dahan-dahang papalapit sakin, bawat pag-pikit ng mata niya at pag-mulat ay tila napaka-bagal atsaka wala akong ibang nakikita kundi siya lang at wala akong ibang naririnig kundi ang pag-tibok ng puso ko lang. Anong nangyayari? Wala akong ibang gustong titigan kundi ang asul niyang mata lang, kung saan ako laging nabibighani.

"Esma, are you okay?" Napabalik ako sa sarili ng hawakan niya ang balikat ko, tumango ako sa kaniya.

"Ahm, anong ginagawa mo dito? Baka hanapin ka na nila---d-drick?" Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

"I'm sorry, zuesma. Please forgive"

"Ano bang pinag-sasabi mo?" Hinarap ko siya sakin at nakita ko ang mata niyang malapit ng lumuha. "Ayos ka lang ba? Bakit ka naiiyak?"

"Esma, patawarin mo ako. I'm sorry for being a childish. Kung gusto mo akong sigawan o kung gusto mong magalit sakin, okay lang tatanggapin ko para lang mapatawad mo ako"

"Hindi ako galit sayo at hindi rin ako nagtatampo"

"Talaga? Then, bakit mo ako nilalayuan at bakit hindi mo ako pinapansin?" Napayuko ako.

"May gumugulo lang sa isip ko. Sorry kung hindi kita pinapansin, masyado lang talaga akong nalilito sa ngayon kaya kung maaari umiiwas ako para makapag-isip-isip ako ng mabuti"

"Tell me kung anong gumugulo sayo. Pwede mo naman sigurong sabihin sakin?" Tumingin ako sa mata niya, natatakot akong sabihin na lumayo na muna siya dahil alam kong mahihirapan ako sa pag-alis ko.

Flashback

---Italian translated to Filipino---

"Ezekiel, masama bang umibig?" Tanong ko dito, naka-dapa kami dito sa garden at nagbabasa ng libro.

"Hindi. Ang pag-ibig kasi ay hindi naman kapag sinabi mong mahalin mo siya, mamahalin mo na siya. Ang pag-ibig kusang dumadating, hindi mo kailangan ipilit na mahalin mo siya dahil kusa mo siyang mamahalin. Masama man siya o hindi basta kung mahal mo talaga ang isang tao, mahal mo. Hindi mo pwedeng iwasan na lang basta kung sino ang nagpapa-tibok sa puso mo, hindi naman kasi niya alam na mahuhulog ka sa kaniya at wala siyang kaalam-alam kung iiwan mo siya. Bakit mo iiwasan ang taong nagpapa-tibok sa puso mo na siya ding nagbibigay saya sayo? Matanong nga kita, umiibig ka na ba?"

I Love To See Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon