Chapter 24

183 0 0
                                    

Pagkatapos naming kumain, nagpaalam na ako sa mga bata. May usapan kami ni louie at kailangan naming maabutan si choyie.

"Hatid na kita" saad ni louie, hindi na ako umimik dahil alam ko ang ibig niyang sabihin. Tumango na lang ako kaya pumasok kami sa loob ng kotse niya.

"Saan ang kuta nila?"

"Sa likod ng I.U" napatango na lang ako. "Gusto mo bang pumasok tayo sa loob ng I.U?" Tumingin ako sa kaniya. Hindi naman nakakadelikado yun.

"Hindi na kailangan. Alam ko na ang pagkatao ni charina"

"Well, yung mga dati niyang kaibigan? Ayaw mo bang mameet? O, kaya kung saan siya nakatira ngayon?" Napatango ako sa kaniya, kailangan ko pa lang mahanap si cha farrah.

"Sige, pumapayag na ako"

"Okay. Here we go" pinaandar na niya ang sasakyan kaya tumingin na lang ako sa labas. "Bumaba na ba ang lagnat ni drick?"

"Sa tingin ko, pina-inom ko na siya ng gamot, eh"

"Hays, kulit kasi ni drick" napabuga siya ng hangin. "Kung ano-ano ginagawa niya baka maapektuhan na naman yung kidney niya" napatingin ako sa kaniya at napakunot noo.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Inoperahan siya sa kidney noon"

"Huh? Anong nangyari? May sakit ba siya?" Agad akong kinabahan sa pwede niyang sabihin.

"Nabaril siya noon. Noong bata pa kami. It was a accidentally"

"Sinong bumaril sa kaniya?"

"Yung ama ni oliver. Nagkaroon kasi ng laban ang ama ni oliver at ang ama ni tita zamora. Sakto namang pauwi kami galing sa U.S. Sa airport sila mismo naglalaban kaya ayon sa hindi inaasahang mangyayari, nabaril siya. Napabalik tuloy kami sa U.S ng wala sa oras" napalunok na lang ako, hindi ko pa nakikilala ang ama at ina ni ina. "Nag-stop ako ng two years para bantayan siya doon sa U.S"

Katulad niya din sila rox, huminto ng tatlong taon sila rox sa pag-aaral dahil kinakailangan nilang bantayan si ina.

"Nabaril din si zuel noon. Gusto niya kasing pigilan si tita zamora kaya lang nabaril din siya. Tulad ko, nahinto din siya ng dalawang taon" hindi ako umimik at napakuyom ako ng kamao. Magbabayad ka sa ginawa mo.

Siguro kaya hindi siya nagtagumpay sa akin sa airport dahil ako ang tatapos sa buhay niya. Humanda ka sakin. Binigyan mo pa ako ng pagkakataon upang mabuhay, madami ka pala talagang kasalanan sa akin.

"Here" inabutan niya ako ng silent gun kaya kinuha ko iyon. "Extra bala" sabay bigay niya pa ng poket. Tonight, I will kill again. "I guess, you can kill?"

"Oo naman lalo na kapag mababangis na hayop" napangiti ako ng mapait ng maalala ko iyon. Such a cruel life.

Bumaba kami sa kotse at bumungad samin ang madilim na kalye, patay sindi pa yung ilaw sa poste.

Senenyasan niya akong pumasok sa gate kaya mabilis ko iyon ginawa, nasa kabilang gate kami ng I.U kaya madilim at mapuno dito. Dahan-dahan akong pumasok sa bakal dahil kundi baka masugat ako. Sumunod sakin si louie kaya halos mapaatras ako sa kaniya ng makita ko ang loob ng I.U. Nakakatakot pumasok, hindi ko alam na may ganitong likod ang I.U.

"Fuck!" Bulong ni louie ng mabangga ko siya, agad naman akong gumilid at tinignan siya. "Ah! Bakit mo ako inapakan?"

"Bakit kasi andyan ka--" halos mapamura ako ng biglang mag-ring ang cellphone ko. Agad ko itong sinagot dahil baka may makarinig. "Hello?" Halos bulong kong sabi.

"Tsk, diba sabi ko tatawag ako!" Sigaw ni drick, pinahinaan ko naman ang volume.

"Tumatawag ka na. Bakit hindi ka pa natutulog?"

I Love To See Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon