Chapter 7

192 4 0
                                    

Zuesma POV

Habang kinukuhanan ko sila ng litrato, vinevideo naman sila ni lilly. Napangisi ako ng makita kong nadi-distract samin si drick, sinadya ko talagang lagyan ng flash para madistract siya. Ewan ko ba at gusto ko siyang asarin ngayon, ang ganda kasi niyang pikunin, eh.

Mabilis kong nilipat sa video ang camera ko ng gumiling si drick, natawa pa ako ng lumingon siya samin. Nagpatay malisya naman akong kumukuha ng litrato sa mga ka-member niya, pigil-pigil ko na ang tawa ko dahil sa pinag-gagawa niya.

Nang mag-iwas siya ng tingin, mabilis akong tumalikod at tumawa. Napalingon sakin si lilly na nagtataka, napailing na lamang ako. Pagka-harap ko nagulat agad ako ng biglang lumapit samin si drick, nakita niya bang tumatawa ako?

"Uuwi ka na ba after this?" Tanong niya kaya naka-hinga ako ng maluwag.

"Hindi pa, may gagawin pa kami, eh"

"Kung ganun, magkita na lang tayo sa kalesa set"

"Okay, sabi mo eh. Teka may dala ka bang towel?" Pawis na pawis kasi siya at parang tumakbo siya ng isang oras sa field, haha.

"Wala, eh. Nakalimutan kong magdala kanina" kinuha ko yung bag ko at kinalkal ko ang towel kong hindi ko naman nagamit. "Looking for something?"

"Huh, yes---ahm, ito pala. Hiramin mo muna itong towel ko kesa naman mukha kang nakipag-marathon diyan sa itsura mo" sabay abot ko ng towel, tinignan naman niya yun at napansin niya atah ang pangalan ko sa ibaba ng towel, pinagawa ko yang towel sa italy at pinalagyan ko din ng pangalan para maibalik sakin kung maiwala ko man.

"Zuesma? Is that your real name?" Tumango ako.

"Esma for short"

"Kakaiba ang pangalan mo, ah"

"Sayo nga rin, kakaiba"

"Syempre, gwapo ako kaya dapat kakaiba ang pangalan ko. Kasing gwapo ko ang pangalan ko, hindi ba?" Natawa ako, sumige na naman ang pagka-mahangin niya. "What? Is it true naman, ah"

"Stop hallucinating, haha"

"Esma, I'm not" umiling na lamang ako at tumalikod dahil sa tuwing nakikita ko ang mata niya, natatalo ako sa kaniya "Okay, then. See you later"

"Okay, see you. Mauuna na kami, ah"

"Take care"

Umalis na kami ni lilly sa social hall para maka-punta na kami sa court at para sa ganun maka-uwi na kami. Pero, hindi pa ako pwedeng umuwi dahil hihintayin ko pa si drick.

Nang makarating kami sa court, may mga estudyanteng nanonood ng practice ng basketball. Tumingin ako sa bleachers at nakita ko doon ang mga cheerleader na nagpra-practice, si kylie ang nagtuturo sa kanila. Magaling pala si kylie gumiling, napatingin ako sa gilid at nakita ko doon sila colline na kinukuhanan ng litrato at video ang mga cheerdance.

Lumapit ako sa couch ng basketball player habang si lilly naman ay hinahanda ang camera niya.

"Excuse me, couch" napatingin siya sakin at napangiti.

"Oh, hija. What do you need?"

"Pwede ko ho bang maka-usap ang MVP ng basketball?"

"Ow, sure. By the way, para saan ba?"

"May ipapa-pirma ho ako" tumango ito sakin at tinawag ang MVP ng basketball. Nagulat ako ng biglang lumapit samin si clyde, siya pala ang MVP.

"Couch" tinuro ako ni couch kaya napatingin sakin si clyde, nawalan naman ng gana sakin si clyde ng makita ako. Parang may problema sakin, toh ah.

I Love To See Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon