"Sei siguro del tuo piano?" (Sigurado ka na ba sa plano mo?) Kinakabahang sabi ni rox, tumango ako. Bukas na ang digmaan at alam kong naghahanda na din si owell ngayon.
"Hindi ko na pwedeng urungan ito" pinatay ko ang T.V at tumayo.
"Natatakot akong mawala ka"
"Hindi ako pwedeng mawala, nangako ako kay drick at sa sarili ko"
"Walang kasiguraduhan lahat iyan! Huwag ka ng tumuloy, please"
"Ilang araw mo ng sinasabi iyan, ngunit hindi pa din nagbago ang aking nasa isip"
"Kung malaman ba ni drick, hindi ka na matutuloy?" Napatigil ako sa sinabi niya.
"Huwag mong sabihin, nakiki-usap ako. Ayokong mag-alala siya"
"Sa tingin mo hindi niya malalaman? Malalaman at malalaman niya iyon lalo na at magtataka siya kung bakit hindi ka nagpapakita sa kaniya. You know, drick. Hindi iyon titigil kakahanap at kakahintay sayo"
"Don't make me hard for this, please"
"Then, do not go!"
"I'm sorry"
"Dadating mamaya ang mga prinsepe at prinsesa" agad akong napatingin sa kaniya.
"Bakit?"
"Tulad ko, pipigilan ka din nila"
"Hindi nila ako makukumbinsi"
*Knock, knock*
Napatingin kami sa pinto kaya napabuga ako ng hangin.
"Ikaw na magbukas ng pinto, maliligo lamang ako" sambit ko sa kanila.
Umakyat na ako papunta sa kwarto ko para makaligo na ako, niyayaya kasi ako ni drick na pumunta sa mall. Pagkatapos kong maligo, nag-ayos na ako at sakto namang tumunog ang cellphone ko.
From: Baby panda
I'm already here. Rox's let me in :-*
Binilisan ko ng mag-ayos at agad na ding bumaba dahil ayaw ko siyang paghintayin. Pagkababa ko sa hagdan agad akong nagulat.
"Ang tagal mo, esma" reklamo ni dase, bakit andito itong mga ito.
"Ah, darling. Isinama ko na sila. Kulit kasi nila, eh. Sabi ko tayong dalawa lang ngunit nagpumilit sila" ngumiti ako at tumango.
"Ayos lang"
"Yun oh!" Sambit ni kevin.
"Nag-almusal na ba kayo?"
"Hindi pa, eh---"
"Louie!" Sita agad ni amber kaya umiling ako.
"Ayos lang, hindi pa din naman ako nag-aalmusal, eh. Tara na sa dinning table, naghanda si marx ng almusal"
"Talaga? Gusto kong tikman!" Masayang sabi ni haizy at agad ng pumunta sa dinning table.
"Ate!" Sita agad ni halley at agad sinundan ang ate niya.
"Yung dalawang yun talaga" napapailing na sabi ni zuel.
"Ahhh!!" Agad kaming pumunta sa dinning table ng marinig namin ang sigaw ni haizy at halley.
Pati kami nagulat ng makita naming nakahubad si marx at rox, anong ginagawa nila? Napatakip agad sa katawan ang dalawa.
"Gosh! My beautiful eyes!" Sabay paypay ni haizy gamit ang kamay. Napatingin ako sa mga naka-upo at agad akong nagulat ng nandidito na ang mga prinsepe at prinsesa. Kailan sila dumating?
"Zuesma" agad tumayo si ezekiel at ngumiti sa akin, nakita ko tuloy ang pag-irap ni kim. "Namiss kita, ang tagal mo naman kasing bumalik, eh kaya kami na ang nagpunta dito"
BINABASA MO ANG
I Love To See Your Eyes
Teen FictionWhat if, zuesma came back from the Philippines? She will like it here? Or, she will go back to the italy? What if, she will meet her dream guy here? Can she stay here with drick? And can zuesma and drick cross there path again? Can drick know what t...