Chapter 15

166 2 0
                                    

Zuesma POV

"Yan! You look so gorgeous!" Tuwang sabi sakin ni ria pagkatapos akong make-upan. Naka-ayos na ako't lahat-lahat pero parang wala pa din akong gana. "Cheer up, esma. Ang ganda-ganda mo ngayon tapos ganiyang itsura ang ibibigay mo?" Ngumiti ako ng pilit.

"I'm sorry. Sasabay ka ba sakin?"

"Ang aga mo namang umalis, girl! It's 5:45PM pa lang, baka nakakalimutan mong 6:00PM ang start"

"Maaga kaming pina-papunta ni Mrs. Ramirez dahil may gagawin pa kami"

"Is that so? Okay, hintayin mo na lang ako. Mabilis na lang naman ako. Tsaka, 6:30 or 7:00PM mag-sstart ang events, pina-aga lang nila para kapag mag-uumpisa na sila, kompleto na ang lahat"

"Pero, kukuha pa kami ng litrato bago mag-start ang events"

"Ah, oo nga pala. Saglit na lang talaga"

Light purple gown ang suot ni ria, para siyang princess sa suot niya. Maganda si ria kaya bagay na bagay talaga sa kaniya ang kahit na anong gown.

"Yan, done! Let's go! Hinihintay na tayo ng driver sa labas" tinawagan ni ria yung driver niya sa bahay nila, hindi naman kasi pwedeng motor ang gamitin namin.

Sumakay na kami sa kotse kaya pinaandar na ni manong ang sasakyan. Minsan lang ako maka-sakay sa mga ganito dahil bilang lang ang ganito sa italy at isa pa puro kalesa ang gamit namin doon.

"Manong, sa main gate po tayo, ah" sabi ni ria sa driver, mas malapit kasi sa main gate ang gym.

Nang makarating kami, bumaba na kami sa kotse. May sinabi pa si ria sa driver bago ito umalis. Naglakad na kami ni ria papuntang gym dahil anong oras na, baka nandodoon na sila lilly.

Pagka-pasok namin sa gym, bilang pa lang ang mga tao. Masyadong maganda ang pagkaka-design dito sa gym, party na party nga ang ganap. Mukhang pinaghandaan nga talaga.

"Oh esma, dito na ang pwesto natin, ah. Baka mamaya kasi maubusan tayo ng table" sabay upo ni ria malapit sa harap, parang may tatlong table pa naman ang pagitan bago ang harap.

"Sige. Maiwan na kita. Nandoon na sila lilly, oh" turo ko sa bleachers. "Mabilis lang naman siguro ang gagawin namin, I hope"

"Okay. I'll be alright here, paparating na rin naman sila krista kaya magkakaroon na ako ng kasama dito" tumango na lamang ako at tumalikod na.

Umakyat na ako sa bleachers para makarating na sa kinaroroonan nila. Buti na lang 3 inches lang ang suot kong white heels kaya hindi ako nahihirapan umakyat.

"Kyahhhh, esma!" Bungad sakin ni lilly. Napaka-ganda niya sa suot niyang gold gown "Your so gorgeous, huhuhu!"

"Maganda ka din, mukha kang prinsesa"

"Prinsesa? Hehehe, tapos prince ko si dase?" Tumango ako kaya natuwa lalo siya. Tumingin ako kay colline, ang sama na ng tingin niya kay lilly. Nang tumingin siya sakin, bigla siyang ngumiti kaya ngumiti ako.

"Students, are you all complete?" Tanong ni Mrs. Ramirez.

"Yes, Mrs. Ramirez"

"Then, good! Magsimula na kayo dahil malapit ng mag-umpisa ang events. Very good si colline dahil maaga siyang nakarating dito at nakuhanan niya ang buong gym ng walang katao-tao" tumango kami at pinalakpakan si colline, maganda din ang suot ni colline sky blue gown. Mas lalo siyang nagmukhang mayaman dahil maraming alahas ang naka-kabit sa kamay at leeg niya.

Tulad nga ng sabi ni Mrs. Ramirez, kumuha na kami ng litrato habang wala pang masyadong estudyante. Habang kumukuha ako ng litrato biglang lumapit sakin si colline, hindi ko siya pinansin dahil sa tingin ko naman busy din siyang kumukuha ng litrato tulad ko.

I Love To See Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon