CHAPTER 9
ISANG LINGGO na rin ang lumipas simula nong nangyari sa supermarket. Tahimik lang kami no'n hanggang sa makauwi sa bahay. Nagpaalam na rin siya sa akin na may aasikasuhin pa siya. Pagkatapos ay nagpasalamat. Pinaalis ko na rin siya kahit ayaw ko pa, baka kasi sobra na akong nakakaabala sa kanya.
Gusto ko pa kasi siyang makasama kahit alam kong bawal.
Napabuntong hininga ako at napaupo sa sofa. Umaga pa lang ay naglinis kaagad ako ng bahay at nag-almusal. Sabado ngayon kaya papasok na ako sa aking trabaho.
Gusto kong planuhin sa isang buwan ang mga gagawin ko bago bumalik si Davis dito dahil alam ko na kapag bumalik na siya hindi ko na ulit magagawa 'yon.
Una kong binihisan si Thalestris bago ang aking sarili. Simpleng white v-neck shirt at jeans ang sout ko. Pinaresan ko lang din 'yon ng rubber shoes at sinuot ang gold necklace. Binitbit ko na ang mga gamit namin at nilock ang bahay. Nag-grab na rin ako ng taxi at hihintayin ko na lang ang driver dito sa labas ng bahay. Sakto ng makarating ang taxi ay biglang nagring ang cellphone ko.
"Dad? Good morning po," bungad ko ng masagot ang tawag.
Pinaupo ko lang si Thalestris sa hita ko at tahimik lang din itong naglalaro sa kanyang stuff toys.
"Cheska, goodmorning din. Ngayon ko lang din naalala na mag-bi-birthday kana. Ano pa lang balak mo?"
Natigilan ako saglit ng sabihin ni Daddy 'yon. Oo nga pala mag-bi-birthday na ako. Nawala kaagad sa isip ko.
Huminga ako ng malalim. "Kaonting salo-salo lang po ang gagawin ko, Dad. Hindi ko pa po sure 'yon. Sasabihan ko na lang kayo."
"Sige. Sabihan mo na lang din ako 'nak. Pasensya kana kung hindi ako nakakabisita diyan. Medyo busy lang ako sa kumpanya natin," tugon nito.
"Okay lang po, Dad. Sa susunod na lang po ulit nandito na po ako sa shop."
"Okay, Take care."
Ako na ang nagbaba ng tawag at nagbayad sa driver. Bumaba na ako habang karga si Thalestris. Binaba ko lang siya ng makapasok kami sa shop.
"Goodmorning po, boss—oh Mica ang aga mo," hindi ko naituloy ang pagbati ko ng makita si Mica sa palagi nitong pinagpwestuhan.
Ningitian lang ako ng boss namin at pumasok na sa kanyang office. Nilapag ko lang sa locker room ang mga gamit namin at lumabas na rin kasama si Thalestris.
"Wala, eh. Bigla kasi akong namotivate. Makakita ka ba naman ng poging hardinero malapit sa amin sinong hindi gaganahan mabuhay," pabiro nitong tugon.
Mahina akong natawa sa sinabi nito. Inayos ko muna ang mga dapat ayusin bago makipagusap sa kanya. Ganoon din naman siya. Si Thalestris ay nasa gilid ko lang at tahimik na naglalaro. Hindi siya mahirap alagaan dahil pumipirmi lang siya basta may hawak na laruan. Tinali ko muna ang buhok ko at naupo sa aking upuan.
Bumaba ang tingin ko sa aking cellphone ng bigla itong nag-beep—may nag text sa akin.
Unknown:
Cheska.Natigilan ako saglit at maingat na binaba ang phone. Sino 'to? Sa kalaunan ay nireplyan ko ito dahil nacucurious ako kung sino siya.
Cheska:
Sino ka?
Nakagat ko ang aking labi at hinintay ang kanyang reply. Hindi rin nagtagal ang paghihintay ko dahil nagreply siya kaagad sa akin.
Unknown:
Hylo.Isang word lang 'yon pero sobra na ang epekto no'n sa aking puso. Huminga ako ng malalim at kinalma ang aking sarili. Tama pa ba 'to? Ilang beses akong nag inhale at exhale. May asawa na ako—pero hindi naman ako mahal ni Davis at saka parehas lang din kami pero sa tingin ko kung magtutuloy parin ito baka sa iba na mapunta. Ayaw ko maging mali sa mata ng ibang tao.
BINABASA MO ANG
Painful Regrets (Gorqyieds Series #2)
Romance(COMPLETED) (this is the second installment of gorqyieds series, however you can read this series as STAND ALONE, hope you enjoy it!) He knows that she loves him even though she's already married. Hieyro Louie Yiazon is still inlove with her ex-girl...