TAKE NOTE: (this is the second installment of gorqyieds series, however you can read this series as STAND ALONE, hope you enjoy it!)
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
PROLOGUE
HINDI KO maiwasang hindi humalakhak ng makita kung ano ang hitsura nito ng humarap siya sa akin. Napuno ng tawanan ang pwesto namin dahil doon.
"Babe! Ano ba para kang baliw sa ginagawa mo," natatawa kong wika at pilit na binubura ang pulang lipstick sa ilong nito.
Pinulupot ni Louie ang braso nito sa akin bewang at sabay kaming nahiga sa kama. Tinadtad niya ng halik ang buong mukha ko at hindi alintana na madikitan ng lipstick na nasa ilong nito.
"As long as my babe is happy. Kaya ko maging baliw baliwan para lang sa 'yo," malambing nitong wika sa akin.
Parang matutunaw naman ang puso ko sa sinabi nito. Marupok ako pagdating sa kanya. Ngumiti ako at hinaplos ang malambot nitong buhok. Pinaglandas ko ang aking daliri sa singkit nitong mata at hinalikan ang kanyang labi.
"Mahal na mahal kita, Louie. Huwag mo 'kong iiwan, ah?"
Humigpit ang yakap nito sa akin at sinubsob ang kanyang mukha sa aking dibdib.
"Hmm. . . I'll never leave you, Cheska. I love you so much."
Nagtagal kami sa ganoong posisyon ng biglang may nagtext sa akin. Malalim na ang paghinga ni Louie kaya alam kong natutulog na ito. Hinayaan ko lang siya at tinignan kung sino nag-text.
From: Dad
'Cheska anak hindi ka raw sumipot sabi ni Davis? Anak kailangan na natin ng tulong nila. Babagsak na yung kumpanya natin kung magmamatigas ka.'
Bumuntong hininga ako at in-off ang cellphone ko. Pinatong ko 'yon sa bedside table at niyakap ng mahigpit si Louie. Ayaw ko. . . Ayaw kong makasal sa iba. Gusto ko kay Louie lang.
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
"Cheska!"
Unti unting pumikit ang mata ko dahil sa pagod. Pero boses ni Louie ang naririnig ko. Bakit gano'n? Masaya lang naman kaming namamasyal pagkatapos bigla na lang akong binaril at hindi namin alam kung saan 'yon nanggaling.
"Fuck! This is all my fault. Ang tanga ko! Hindi ako nag-iingat!"
Dinig ko ang pag-iyak ni Louie at mas lalong hinigpitan ang kapit sa aking kamay. May hindi ba siya sinasabi sa akin?
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
"Daddy! Ayaw ko pong makasal kay Davis! Parang awa niyo naman po si Louie lang po gusto kong pakasalan balang araw—"
"Anak babagsak na nga ang kumapanya natin at ang mga Alacantara lang ang magpapalago no'n kung sakaling papayag kang maikasal sa anak nila," mahinahong wika ni Daddy.
Umiling ako. "Daddy. . ." napalabi ako. "Kaya naman po natin 'yon palaguin ng tayo lang hindi ba? Hindi na natin kailangan ng tulong nila."
Humaba pa ang usapan namin. Naging masunurin, mabait, at mapagkumbaba akong anak sa mga magulang ko. Nung nalaman ko kung gaano na kami baon sa utang kahit ayaw ko ay pumayag ako para lang maisalba ang nag-iisang hanapbuhay namin sa pamilya.
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
Hinawakan ko ang kamay ni Louie at tinignan siya sa mata.
"Itakas mo 'ko, Louie. Mag-tanan na tayo. Ayaw kong maikasal kay Davis. Umalis na tayo," naluluha kong wika.
Hatinggabi na at bigla siyang bumisita sa bahay. Mabuti na lang at tulog na sila Daddy at Mommy. Natulala ako sa kanya ng maingat niyang tinanggal ang kamay nito sa akin.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin," mahina nitong wika.
"N-na ano?"
"Ikakasal kana," tugon nito at sinalubong ang tingin ko.
Ang singkit nitong mata ay namumula. Napalunok ako at muling hinawakan ang kanyany kamay pero tinago niya 'yon sa kanyang likod.
"Babe. . . " I whispered.
"Mag-hiwalay na tayo, Cheska," nakayuko nitong wika.
Kumunot ang noo ko at ngumiti sa kanya kahit naluluha na. Nilapitan ko siya at niyakap ng mahigpit.
"Ano ka ba naman, Louie. Huwag ka nga magbiro ng ganyan—"
"Pakasalan mo siya. Mas bagay kayo," seryoso nitong wika at mahina akong tinulak.
Natulala naman ako sa sinabi nito. "Bakit ba bigla kang naging ganyan, ha? Louie! Paano na yung pangarap natin!? Yung mga weird na gusto mong mangyari sa buhay mo kasama ako. . . Tutuparin pa natin 'yon 'di ba? Kaya sige na. . . Itanan mo na ako. Huwag yung ganito. Nangako ka sa akin na hindi mo 'ko iiwan 'di ba? Pero bakit g-ganito?" umiiyak kong wika.
Umiling siya. Hilam ang mga luha nito sa kanyang pisngi. Kumikinang 'yon dahil sa sinag ng buwan.
"Lagi ka na lang napapahamak dahil sa akin, Cheska. Kung papayag kang maikasal kay Davis mas ligtas ka roon—"
"Ayaw ko! Ikaw lang gusto ko, Louie. Paano na yung limang taon nating pagsasama? Ibabalewala mo na lang ba 'yon?" humihikbi kong wika.
Bakit ba parang napakadali niya lang sabihin na makikipaghiwalay siya sa akin!?
"Cheska!" bigla nitong sigaw sa akin at hinawakan ang aking magkabilaang balikat. "Hindi mo kasi naiintindihan! Sa tuwing kasama mo ako lagi kang napapahamak. 'Yang peklat sa dibdib mo! Alam mong muntikan ka ng mamatay kung hindi ka kaagad naisugod sa ospital! Tapos ipagsisiksikan mo pa sarili mo sa akin!? Pakasalan mo siya! At magiging ligtas ka sa poder niya."
Hindi ko na nagawang sumagot sa sinabi nito dahil panay iyak lang ako sa harapan nito at gano'n din siya. Sa huling pagkakataon pinunasan niya ang luha ko at mainit akong hinalikan sa aking labi. Matagal 'yon at ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya. Pinagdikit niya ang noo ko sa noo nito.
"Alagaan mo sarili mo, Cheska. I hope Davis will take care of you. Build a family with him. I love you," he whispered. . . After that he left me, brokenhearted.
SHANGPU
BINABASA MO ANG
Painful Regrets (Gorqyieds Series #2)
Romance(COMPLETED) (this is the second installment of gorqyieds series, however you can read this series as STAND ALONE, hope you enjoy it!) He knows that she loves him even though she's already married. Hieyro Louie Yiazon is still inlove with her ex-girl...