CHAPTER 26

368 6 1
                                    

CHAPTER 26

SABAY SABAY silang napasinghap sa anunsyo ni Davis at sa kalaunan ay napangiti  dahil sa kasiyahan.

"Oh my god!" dinig kong wika ng Mama ni Davis.

Matamis ang mga ngiti nito nang makalapit sa akin. Nakatakip pa sa kanyang bibig ang kanan nitong kamay.

"Finally! magkakababy na rin kayo," masayang wika ni Mama.

Nakapalibot silang apat sa aming dalawa ni Davis. Hinarap ko sila Mommy at Daddy, kita ko ang saya sa kanilang mata. Niyakap ako ni Mommy at gano'n din si Daddy.

"Congrats, anak," Daddy whispered.

Tipid ko silang ningitian. "Thank you."

Hinawakan ni Mommy ang siko ko at maingat na hinila papunta sa sofa. Doon kami naupo habang ang parents ni Davis ay nandoon sa anak nila.

"Ilang months na 'yan?" tanong ni Mommy.

"One month," tipid kong tugon.

Tumango tango lang si Mommy at hinaplos ang aking pisngi.

"That's good to hear," she whispered and hugged me. "Please take care of yourself."

I nodded. "Yes, I will."

Sabay kaming napatingin ng tumayo si Daddy. Sinuklay niya ang buhok ko at walang kaemosyon emosyon ang kanyang mukha. Dahan-dahan akong tumayo ng hinila niya ang kamay ko at niyakap.

"Don't worry we will get through this problem, 'nak. Si Daddy mo na ang bahala," mahina nitong wika habang hinahaplos ang buhok ko.

Anong meron? Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong problema? Umangat ang tingin ko sa kanya. Ganoon pa rin ang mukha nito. Seryoso parin ang expresyon sa kanyang mukha at hindi man lang nagbago.

May problema ba silang hindi sinasabi sa akin tungkol sa kumpanya? Napapaisip tuloy ako dahil doon.

"Anong meron, daddy?" tanong ko at nilingon din si Mommy.

Hinawakan ni Mommy ang kamay ko at pinaupo ulit sa tabi nito.

"Nagugutom kana ba? Anong pinaglilihian mo?" nakangiting tanong ni Mommy at hindi sinagot ang tanong ko.

"Carbonara 'tsaka cheese," tugon ko.

Mahinang natawa si Mommy at mabilis na hinalikan ang aking pisngi. Natawa rin ako sa ginawa niya. Inabot pa kami ng ilang minuto o oras na rin siguro dahil nakikipagkwentuhan pa kami sa kanila. S'yempre hindi rin mawawala ang pagkukumusta sa akin ng magulang ni Davis.

Pinapakisamahan ko lang sila dahil may respeto pa rin ako sa kanila. Ngayon alam kong sobrang saya nila dahil magkakaanak na kami pero iniisip ko parin si Thalestris. Ako nalulungkot para sa kanya.

Apo rin nila si Thalestris pero hindi nila tanggap 'yon. Napabugtong hininga na lang ako at sumubo ng pagkain. Tahimik lang kaming kumakain ngayon sa dining are at walang sumubok ng magsalita. Dito na rin kami matutulog ni Davis dahil gabing gabi na rin.

Nahahapong umupo ako sa sofa at sumimsim sa aking baso na naglalaman ng gatas.

"Mommy," pagtawag ko sa kanyang ngalan. "Kumusta na po si Thalestris?" tanong ko ng makalingon sa kanya.

"Okay lang. May nagbabantay naman sa kanya doon sa mansion. Kailan mo siya bibisitahin doon?" tugon nito.

Ningitian ko siya. "Hindi ko pa po alam. Baka next week siguro kapag makalabas labas na ako."

"Hindi ka ba pinapayagan ni Davis lumabas ngayon?" she asked.

Umiwas ako ng tingin at pinagkrus ang aking hita. I took a deep breath.

Painful Regrets (Gorqyieds Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon