CHAPTER 30

403 5 2
                                    

CHAPTER 30

NAMAYANI ang katahimikan. Wala ni isang nag-salita sa aming dalawa. Kinabahan ako dahil doon. Masyado akong nagpadala sa emosyon ko at nasampal ko siya.

Nagbago ang expresyon nito at biglang humalakhak. Napapailing na naupo siya sa upuan habang nakatingin sa akin. Tanging tawa niya ang naririnig ko sa buong bahay namin.

"Nakita na niya? Paano mo nalaman?" natatawa niyang wika at tumayo. Naglakad siya papunta sa akin at hinablot ang braso ko. Napaigik ako sa sakit at tinignan siya. Matalim ang tingin nito. "Nakipagkita ka na naman sa kanya?"

Hindi ako makasagot sa sinabi nito. Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya sa braso ko pero mas lalo niya lang 'yon hinigpit kaya napadaing ako.

"Bitawan mo 'ko, Davis! Ano ba!" sigaw ko sa kanya.

"Manahimik ka!" singhal nito pabalik sa akin.

Napaatras ako ng maramdaman ang palad nito sa aking pisngi. Buti na lang at nakahawak ako sa lamesa dahil na-out of balance pa ako. Halos hindi ko na maramdaman ang kanang pisngi ko dahil mabilis lang 'yon namanhid.

"Huwag mo 'kong sisimulan, Cheska at baka hindi mo magugustuhan yung gagawin ko sa 'yo. Mabuti nga at kinumusta kita dahil dinugo ka tapos sampal mo lang pala ang sasalubong sa akin!?" galit nitong wika.

"Hindi ko rin maintindihan yung takbo ng utak mo kung bakit kailangan mo pang isend sa kanya ang bagay na 'yon!" lumuluha kong wika. Nilapitan ko siya at pinagsusuntok ang dibdib nito. "Masaya kana ba, ha!? Masaya kana ba!? Hindi ko nga alam na magvideo pala 'yon habang binababoy niyo 'ko! Mga walang hiya kayo—"

"Tangina, Cheska! Naririndi na 'ko sa bibig mong babae ka!"

Hindi ko natapos ang sinabi ko ng sapuhin niya ang pisngi ko. Sobrang madiin 'yon at nanakit kaagad ang aking panga. Umiiyak lang ako habang nakatingin sa kanya. Umiigting ang panga nito habang galit na nakatingin sa akin.

"Wala ka ng babalikan pa sa kanya. Wala ka ng uuwian sa ex mo alam mo kung bakit? Kasi mandidiri na 'yon sa 'yo. Madumi ka ng babae naiintindihan mo ba 'ko?"

Kinuyom ko ang aking kamao at dinuraan ang kanyang mukha. Napapikit ito at huminga ng malalim. Nagsimula akong manlaban sa kanya pero mas lalong humigpit ang hawak nito sa aking panga.

"Inuubos mo talaga pasensya ko, ah."

"Bitawan mo 'ko! Bitawan mo 'ko, Davis!" umiiyak kong sigaw ng kaladkarin niya ako papunta sa aming kwarto.

"Tigilan mo 'yang kakasigaw mo at baka makalimutan kong buntis ka," seryoso nitong wika.

Kahit anong panlalaban ang gawin ko ay hindi ako natagumpay na makatakas. Gusto ko ng umalis dito. Gusto ko ng humiwalay sa kanya.

"Pagod na 'ko, Davis. Pagod na 'ko sa sitwasyon na meron sa 'ting dalawa. Kaya sana maghiwalay na tayo. Let's get divorce!" humahagulhol kong wika.

Nang makapasok kami sa kwarto ay binuhat niya ako at basta na lang binagsak sa kama. Sumiksik kaagad ako sa pinakadulong bahagi at niyakap ang aking tuhod.

"Hindi ka titigil diyan sa sinasabi mong divorce! Hindi ka ba titigil?!"

Malakas akong napaiyak ng maramdaman ang kamao nito sa akin. Niyakap ko ang aking tuhod para hindi madamay ang aking tiyan habang patuloy siya sa pananakit. Ang bigat ng kanyang kamay at tangi ko na lang ginawa ay magmakaawa sa kanya na itigil na niya ito.

"Walang mag-hihiwalay at kahit kailan hindi tayo maghihiwalay, Cheska. Habang buhay na tayong magkasama hanggang sa huling hininga nating dalawa!" galit nitong wika at wala paring tigil sa pananakit sa akin.

Painful Regrets (Gorqyieds Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon