CHAPTER 25

405 6 1
                                    

CHAPTER 25

NANGHIHINA na naupo ako sa sahig ng banyo. Nagising na lang ako na parang binabaliktad ang aking sikmura at hindi ko nagugustuhan 'yon. Muli akong naduwal sa inidoro. Wala namang lumalabas sa bibig ko pero bakit gano'n!

Naramdaman ko na may humawak sa aking buhok para hindi matakpan ang mukha ko. Pinunasan ko ang aking bibig at inangat ang aking tingin.

"Done?" he asked.

Dahan-dahan akong tumango. Inalalayan niya pa akong tumayo hanggang sa makabalik sa kama. Naupo ako roon at tinali ang aking buhok. Nanatiling siyang nakatayo sa gilid ako at pinagmamasdan lang ako.

"Are you hungry? What do you want?" seryoso niyang tanong.

"Pancake na lang?" tugon ko.

Kumunot ang noo nito. "It's sounds question."

Nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam kung anong kakainin ko."

He took a deep breath. "Pag-isipan mo. Kailangan mong mag-almusal ngayon."

Tinalikuran niya ako at naglakad palabas ng kwarto. Bago pa siya makalabas sa pinuan ay tumigil siya at nag-salita.

"Sabihan mo lang ako kung anong kakainin mo."

"Okay."

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas. Napanguso na lang ako at nahiga sa kama. Wala sa sariling hinawakan ko ang aking tyan.

"Anong gusto mo, baby?" I whispered.

Naramdaman ko na kumakalam na ang sikmura ko pero hindi ko alam kung anong kakainin ko. Kung magsasabi naman ako kay Davis ng kakainin ko baka hindi ko rin magustuhan 'yon sayang naman yung pagkain. Baka magalit pa siya.

Sa sobrang tagal ko sa pagiisip kung anong kakainin ko ngayon umaga ay nakatulugan ko na 'yon. Nagising na lang ako ng maramdaman ng pag-alog sa akin ni Davis.

"I thought you were doing something natulog ka pala. Get up, Cheska magpapacheck up ka pa," wika nito.

Napabangon ako at tinignan siya. Nakasout na ito ng pangalis na damit. Black long sleeve na polo at light brown na pants para sa panglalake. Nakaayos din ang buhok nito.

"Huh?" lutang kong tugon.

Humalukipkip siya at may tinignan sa kanyang cellphone. Pagkatapos ay nilingon ako.

"May check up ka sa OB. Maligo kana hihintayin lang kita sa baba," tugon nito at lumabas na.

Napakurap pa ako ng ilang beses at natulala ng ilang minuto. Bakit ang bait niya ngayon? Lumalim pa ang pag-iisip ko dahil doon. Pagak ako tumawa ng maalala na kaya pala siya ganoon dahil dinadala ko ang kanyang anak.

Huminga ako ng malalim at tumayo na. Naghanap muna ako ng masosout ko at pinatong sa kama. Square pants na itim at black hanging crop top ang napili ko. Tinabi ko rin ang sosoutin kong flip flops sa gilid ng kama. Pumasok na ako sa banyo at naligo.

Nag-ayos pa ako sa harap ng vanity table para naman mag-mukhang presentable ang itsura ko sa doctor. Dinampot ko ang maliit kong bag at lumabas na.

Pagkababa ko ay naabutan ko si Davis na may kausap sa kanyang cellphone. Natigil lang 'yon ng makita akong nakababa na.

"Let's go?" pag-aya nito sa akin.

Tanging tango lang ang tugon ko at sinundan siya papuntang garahe. May kinuha pa siyang payong sa gilid ng garahe at sinama sa pagpasok sa kotse nito. Ako na ang nagkabit ng seatbelt ko at hinintay na umalis ang kotse nito.

"Doon tayo sa bahay nila mommy mag-didinner. Let's announce to them that we're having a baby," bigla niyang wika habang nakatingin sa kalsada.

"How about mom and dad?" tugon ko.

Painful Regrets (Gorqyieds Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon