CHAPTER 44

489 6 2
                                    

CHAPTER 44

HALOS HINDI ko ma express sarili ko ngayon. Halo halo ang nararamdaman ko dahil sa nalaman ko. Pero nangingibabaw ang tuwa dahil totoong hindi ako kasal kay Davis. Hindi ko ginawang kabit si Hylo.

Dito na rin namin pinatulog sila mommy at daddy pero si Solitaire ay naunang umuwi sa bahay. Bukas ay babalik ulit siya para kunin si Thalestris. Kinabukasan ay sabay na umalis ang parents ko kasama si Solitaire, bitbit si Thalestris.

"See you ulit anak. Mommy will spend more time to you, okay?" Malambing kong wika kay Thalestris.

Ngumiti ang anak ko at inabot ang mukha ko. Sa edad niyang iyon ay nakakaintindi na siya sa mga sinasabi ko.

"Mommy, ok. Love you," malambing niyang wika.

I nodded. "I love you too. My baby. After months you will be able to see your baby brother," salita ko at hinimas ang aking tyan.

Bumaba ang tingin niya roon at umakyat ulit ang tingin sa akin. Tumabinggi pa ang ulo nito at parang pilit na iniitindi ang sinabi ko. Ngumiti lang siya at sinandal ang ulo sa balikat ni Solitaire.

"Toto Soli." Tawag niya rito.

"Hmm? What's wrong?"

"Sleep." Tipid nitong wika.

Mahina akong natawa at nagpaalam na rin kila mommy at daddy. Naghiwalay lang kami ng daan ng makarating sa parking lot. Nag babye lang ako sakanila at pumasok na sa kotse ni Hylo ng pagbuksan niya ako.

Papunta kami ngayon sa hospital para ipacheck up ako. Ilang buwan nalang ay manganganak na ako at syempre kailangan ko rin malaman ng kalagayan ng anak ko.

"How's your feeling, beautiful?" biglang wika ni Hylo habang nag dadrive ng kotse.

Sumandal ako at tinignan siya. "Ok lang naman. Ikaw?"

He smiled. "feeling good."

Napatingin ako sa kamay nitong nakapatong sa hita ko at hinawakan iyon. Tahimik lang naming binabagtas ang hospital. Nagusap usap pa kami tungkol sa anong bagay hanggang sa makarating doon.

"Sure kana sa name niya?" Hylo asked while we're walking.

I nodded. "Oo. Raheem Nate," tugon ko at napangiti nalang din.

"Ma'am Cheska?"

Sabay kaming tumayo ni Hylo ng tawagin ng nurse ang pangalan ko. Ngingitian niya ako at naunang maglakad para sundan namin siya. Pagpasok namin sa room kung saan gagawin ang pag check up ay naupo muna kaming dalawa ni Hylo at hinintay ang doctor.

"Pakihintay nalang po si doc may pinuntahan lang po siya sa labas saglit."

"Ok. Thank you very much," tugon ni Hylo at tinanguan ang nurse.

Lumipas ng ilang minuto ay dumating na ang doctor. Siya yung nag check up sakin noong dinugo ako sa penthouse ni Hylo.

"Goodmorning po doc," sabay naming sabi ni Hylo.

Ngumiti ang doctor sakin at sinenyasan na mahiga na ako roon sa higaan para ma check ang baby namin. Marami pa siyang sinasabi habang inuultrasound ulit ako.

"Hmm. You're baby is very healthy, Cheska. But your baby is chubby. Kaya mo bang i-normal delivery siya? It's your choice naman kung normal or cesarean ang gusto mo. Pero kung hindi mo kaya ang normal delivery diretso na kaagad tayo sa cesarean mo. Is that okay?" Kausap nito sa akin.

Napalunok naman ako dahil doon. Cesarean? Takot pa naman ako roon. Napalingon ako kay Hylo ng pisilin niya ang kamay ko.

"You're going to be okay." Malambing niyang wika.

Napabugtong hininga nalang ako.

"Is this your first child?" He asked.

I nodded. "Yes po."

"Okay," tinignan niya ulit ang baby ko sa screen at tipid na ngumiti sa akin. "Hindi kita pipigilan kung kaya mo mag normal delivery pero kung hindi mo talaga kaya i-cesarean kita, okay?"

"Ok po, doc. Thank you po."

May kung ano ano pa siyang sinasabi hanggang sa matapos ang check up ko. Sa ngayon ay pinagbabawalan na akong kumain ng matatamis. Nalungkot naman ako dahil sakto gusto kong kumain ng dark chocolate cake. Baka pagtapos ko nalang manganak.

"Where do want to eat?" Tanong ni Hylo ng makalabas kami sa hospital.

Naglakad kami ngayon papuntang parking lot para umuwi na. Napagod na ko sa check up dahil ang laki na ng tyan ko. Naghahanda na rin kami para sa panganganak ko.

"Mag drive thru nalang tayo sa Mcdo. Gusto ko ng chicken nuggets tsaka chicken ala king," tugon ko.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at kinawit na rin sa kanyang braso dahil hindi sapat para sakin ang magka holding hands. Hinalikan niya ang ulo ko at napangiti nalang din.

"Okay. Wala na bang iba? Baka may gusto ka pang bilhin?"

"Hmm. Siguro big mac—"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng may nakita akong tao na nasa harapan ng kotse ni Hylo. Halatang hinihintay kami. Nagsimulang manginig ang aking katawan sa takot at ramdam yon ni Hylo. Tinago niya ako sa kanyang likod.

"What do you want, Davis?" Seryosong tanong ni Hylo.

SHANGPU

Painful Regrets (Gorqyieds Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon