CHAPTER 14
UMIWAS AKO NG TINGIN at inabot ang unan na nasa aking gilid at niyakap 'yon. Alam kong nakatingin siya sa akin dahil ramdam na ramdam ko 'yon. Napatingin ako sa kanya ng inipit niya ang ilang hibla ng aking buhok sa likod ng tenga.
"Damn. Why are you so beautiful, Cheska?" nakangiti nitong wika sa akin.
Wala sa sariling inirapan ko siya at nilayo ang mukha sa kanya. Sobrang lapit ba naman ng mukha niya sa akin parang sira.
Humaba ang nguso ko at pinatong ang baba sa aking tuhod habang nakatingin sa dagat."Nambobola ka lang. Ang losyang ko na nga, eh. Mukha na akong stress na stress. Hindi ko na nga naaalagaan ng maayos yung sarili ko," tugon ko habang nakatingin parin sa dagat.
I heard he chuckled. "No. You're still beautiful to me."
Nilapag ko ang unan sa unahan at dumapa. 'Yon ang tinukuran ko at tumingin parin sa dagat. Ginaya rin ako ni Hylo at parang batang sumiksik sa akin. Hinayaan ko na lang siya dahil kahit anong saway ko sa kanya ay gagawin niya parin 'yon.
Ngisi ngisi pa siya habang nakasiksik sa akin kaya napailing na lang ako. Nilipat niya sa unahan namin ang pagkain at dumudukot dukot lang doon habang nanood ng cartoon movie.
"Hiring kami for waitress baka gusto mong mag-apply," bigla nitong anas habang nanonood.
"Hiring?"
Tumango siya at tumingin sa akin. "Every weekend ka lang may pasok sa shop nung boss mo 'di ba? Kaya naisip ko na sabihin sa 'yo hiring kami ng waitress. Baka gusto mo lang, every Monday to Thursday. Sarado kasi yung shop tuwing Friday, eh."
Napaisip ako roon. Puwede rin para makapagipon ako ng panghanda sa birthday ko at sa pangangailangan naming dalawa ni Thalestris. At saka hindi na rin ako maboboring sa bahay dahil may gagawin na ako araw araw.
"Hmm. Pagiisipan ko pa," tugon ko.
Nanatili siyang nakatingin sa akin at para bang hinihintay ang magiging desisyon ko.
I took a deep breath. "Okay. Send ko na lang sa 'yo yung resume ko for interview—"
"You're hired! Idedeliver ko na lang sa bahay mo yung uniform mo bukas."
Napaawang na lang aking labi. "Hindi pa ako, Hylo," mahina kong wika.
Humalakhak siya at nahiga. Sinakbit niya ang braso nito sa akin at parang batang nakatingin. Yung paa niya ay ginagalaw galaw nito at halatang masaya.
"Wala ng interview alam ko naman hindi ka masamang tao," natatawa niyang tugon.
"Sure ka ba? Nakakahiya naman sa ibang empleyado mo na dumaan pa sa interview."
"Okay na yata 'yon, Cheska," tugon niya at parang hindi pa yata sigurado.
Napailing na lang ako at nanood na kami ng movie. Kung ano ano pa ang pinagkwentuhan namin at minsan walang kwenta pa, ganoon din naman siya noon pa, kaya wala ng nagbago. Maliban na lang siguro kapag galit siya. Ibang iba siya sa Hylo na ang cheerful.
"Let's take a picture," nakangiti niyang wika.
Nilabas niya ang cellphone at tinutok sa aming dalawa. Sa front cam lang kami nag picture at naka ilang take pa kami no'n dahil gusto niya raw ng marami.
"Thank you po, Idol ganda," pang-aasar nito sa akin.
Hinampas ko siya sa braso ay natatawang dumaing ito. "Baliw."
Humalakhak siya at sumiksik na naman sa akin. Nilingon ko ang braso nitong pinulupot sa aking beywang at hinapit palapit sa kanya.
"Hylo," mahina kong wika.
BINABASA MO ANG
Painful Regrets (Gorqyieds Series #2)
Romance(COMPLETED) (this is the second installment of gorqyieds series, however you can read this series as STAND ALONE, hope you enjoy it!) He knows that she loves him even though she's already married. Hieyro Louie Yiazon is still inlove with her ex-girl...