CHAPTER 28
TULALA LANG AKO sa kawalan habang sinasayaw ng hangin ang buhok ko. Nandito ako ngayon sa front yard ng bahay namin ni Davis. Kaaalis niya lang papunta sa trabaho nito kaya ako na naman ang mag-isa rito sa bahay.
Gusto ko man maglinis pero hindi ko na lang ginawa. Vinacuum ko na lang ang mga kalat at hindi na napunasan ang mga divider dahil mabilis akong mapagod at hingalin.
Boring na naman ang araw ko ngayon dahil kinuha ni Davis ang cellphone ko. Nagsimula na naman ang pananakit niya sa akin. Nakaroon ako ng pasa sa pisngi dahil sa pagsampal nito sa akin. Ginawa ko lahat ng makakaya ko para maprotektahan ang bata na nasa sinapupunan ko.
"Napakabobo naman! Sabi ko lagi niyong i-monitor kasi malingat lang tayo saglit marami na 'yan silang magagawa! Alam ko na mga galamay n'yan!"
Napalingon ako sa nag-sasalita. Ang Mama ni Davis—nag-lalakad siya papunta rito sa bahay at hindi man lang napansin na nandito ako ngayon sa front yard, nakatingin sa kanya.
Naestatwa ito ng makita ako at pinatay kaagad ang kanyang tawag.
"'Ma, ano pong ginagawa niyo rito?" tanong ko.
Tumayo ako at naglakad papunta sa gate para pagbuksan siya. Umismid lang ito at hindi pumasok.
"Kinukumusta ko lang ang magiging apo ko," mataray nitong tugon.
Wala sa sariling napahawak ako sa aking tyan. "Okay lang naman po siya, 'Ma."
Bumaba rin ang tingin niya roon bago sa akin.
"Nalaman ko kay Davis na nakipagkita ka na naman sa ex mo?" tanong nito.
Napalunok ako at sa kalaunan ay dahan-dahang tumango. Alam ko naman na siya ang may dahilan kaya nilaman ni Davis na nagkikita kami ni Hylo pero heto siya ngayon nag-mamaang maangan pa na akala ko ay walang alam.
"Dios mio naman Cheska!" galit nitong wika at napameywang pa sa aking harapan. "Hindi ko alam kung anong meron sa ex mo na wala sa anak ko, ha? Marami ba 'yang ari-arian? Marami ba 'yang pera? Mayaman ba 'yan?"
Palihim kong kinuyom ang aking kamay dahil sa sinabi niya.
"Hindi naman po pera ang habol ko sa kanya—"
"Shut up! Hindi ko sinabi na sumagot ka," naiirita nitong wika sa akin.
"Mahal ko po yung ex ko, 'Ma. Kaya sana kausapin niyo po si Davis tungkol sa divorce. Gusto kong makipag-divorce sa kanya," pagmamakaawa ko.
Nanlaki ang mata nito sa sinabi ko at humakbang siya papalapit sa akin.
"Hoy, Hija. Naririnig mo ba yung sinasabi mo? Kung makipag-divorce ka sa anak ko babagsak ang kumpanya niyo kung wala kami. Naawa na lang kami sainyo sa totoo lang. Pumayag na nga kaming maging support d'yan sa kumpanya niyong bulok tapos ganito maririnig ko d'yan sa bunganga mo. Wala ka bang utang na loob sa amin, ha?" naiinis nitong wika at sinusundot-sundot pa ang noo ko.
"Ipasok mo d'yan sa walang kwenta mong kokote na kailangan mong mahalin ang anak ko dahil kung makikipaghiwalay ka. Kawawa ang kumpanya ng magulang mo. Babalik ka sa ex mo? Anong ipagmamalaki no'n sa pamilya mo? Yung pesteng pastry shop niya? Mag-isip ka ng mabuti sa susunod, ha?" wika nito sa akin.
Napapaypay pa siya sa kanyang sarili gamit ang palad nito. Napapikit ako ng malakas niyang sinundot ang noo ko dahil sa sobrang inis. Hindi na ako lumaban at hinayaan na lang siya sa ginagawa nito sa akin.
Hindi ko mapigilan na hindi mainis sa kanya dahil minamaliit niya ang negosyo ni Hylo. Hindi lang naman 'yon ang negosyo niya, maraming negosyo si Hylo at lahat ng 'yon ay successful.
BINABASA MO ANG
Painful Regrets (Gorqyieds Series #2)
Romance(COMPLETED) (this is the second installment of gorqyieds series, however you can read this series as STAND ALONE, hope you enjoy it!) He knows that she loves him even though she's already married. Hieyro Louie Yiazon is still inlove with her ex-girl...