CHAPTER 3
NAPABALIKWAS ako sa pagkakahiga at nilibot ang aking paningin kung nasaan ako. Natigilan ako ng maalala ang pambaboy sa akin ni Davis kasama ang mga hayop niyang kaibigan. Bumaba ang tingin ko sa aking sarili na ngayon ay walang saplot ni isa. Doon ko na nakita lahat ng mga pasa ko galing sa kanila.
Awtomatikong nag-reply sa utak ko lahat ng nangyari kagabi. Yumuko ako at niyakap ang aking tuhod habang tahimik na umiiyak, naninikip ang aking dibdib kasabay ng paglabo ng mata. Kahit mag-sumbong ako sa pulis alam kong wala pa rin mangyayari. Kahit ayaw ko wala akong magagawa kundi hayaan na lang siya kasi asawa ko raw siya.
Napa-angat ang aking tingin at napasinghap ng maalala si Thalestris. Tumayo na ako at pinulot ang mga damit na nakakalata sa sahig at lumabas na sa stock room. Lakad takbo akong nagtungo sa kuwarto namin ni Davis. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib ng makitang mahimbing itong natutulog sa crib at may baby bottled sa uluhan nito.
Nagsimula akong linisin ang buong kuwarto namin na sobrang kalat kahit na masakit ang buo katawan. Nang mapadaan sa full length body mirror ay napaiwas na lang ako ng makita ang aking sarili. May pasa ang mukha dahil sa pag-suntok ni Davis sa akin.
Meron din sa ibang parte ng katawan ko lalo na sa bandang hita dahil na rin sa mga kaibigan nito. Mukhang ilang araw ako mag-sosout ng jogger pants. Puwede naman matakpan yung pasa ko sa mukha, eh. Lalagyan ko lang ng concealer ayos na 'yon.
Tumagal pa yata ang pagtitig ko sa aking katawan. Tahimik ang buong kuwarto at tanging tunog lang ng air conditioner ang naririnig ko. Habang nakatingin sa salamin unti unting nanlalabo ang aking paningin, nagbabadyang tumulo ang aking luha. Hindi ko na napigilan 'yon at hinayaan na tumulo.
Napatakip ako sa aking bibig at pinigilan ang hikbi na gustong kumawala sa aking bibig dahil natutulog si Thalestris. Hindi ako puwedeng sumuko agad dahil nandito pa ang anak ko. Kahit na pagod na ako pinilit ko parin maging malakas para sa kanya at ganoon na rin sa mga magulang ko.
Ayaw ko na dumating sa point na si Davis na mag aalaga kay Thalestris dahil alam kong hindi naman niya gagawin 'yon. Napabuntong hininga ako at pinunasan ang aking luha. Huminga ako ng malalim at pinagpatuloy na ang paglilinis at hindi ininda ang sakit sa pagitan ng aking hita dahil hindi ko gustong makitang marumi o makalat ang bahay.
-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-
"Puwede bang next time na lang ako pumunta diyan, Dad? Wala kasing mag-babantay sa bahay kung pupunta kami diyan ni Thalestris," sambit ko habang abala sa pagvacuum ng tiles sa sala.
Pinipilit na kasi ako ni Daddy na bumisita sa mansyon pero ayaw ko pa dahil sa kondisyon ko ngayon. Alam kong magugulat sila kapag nakita ang mga pasa sa katawan ko. Hinaplos ko ang buhok ni Thalestris na tahimik lang na sumisipsip sa kanya pacifier. Nakasakay siya sa baby carrier wrap.
"Cheska anak namimiss ka lang namin. Sobrang tagal pa ng kaarawan ko kung doon ka lang makakapunta," tugon ni Daddy sa kabilang linya.
Huminga ako ng malalim at pinatay ang vacuum. Tinabi ko 'yon sa gilid at naupo sa sofa para makapagpahinga.
"Daddy. . . Alam mo naman po na tuwing birthday mo lang talaga ako umuuwi diyan. At saka si Thalestris na po ang priority ko—ang pamilya ko, Dad. Huwag kang mag-alala puwede naman kitang surpresahin kung sakaling gusto ko talagang pumunta diyan," paliwanag ko at ngumiti na akala mo ay nasa harapan ko siya.
Namayani ang katahimikan bago siya magsalita. Bahagya pa itong napabuntong hininga.
"Ang matured mo na talaga mag-isip anak. Okay, I understand. Tinatrato ka naman ng maayos ni Davis diyan? Alam mo kung gaano ka namin inalagaan ng Mommy mo nung nasa poder ka namin kaya malaki ang expectation ko na mas higit pa roon ang itatrato sa 'yo ni Davis," wika nito na ikinatigil ko.
BINABASA MO ANG
Painful Regrets (Gorqyieds Series #2)
Romance(COMPLETED) (this is the second installment of gorqyieds series, however you can read this series as STAND ALONE, hope you enjoy it!) He knows that she loves him even though she's already married. Hieyro Louie Yiazon is still inlove with her ex-girl...