CHAPTER 29
TUMAYO SIYA HABANG nakatingin sa akin. Wala paring emosyon ang kanyang mukha kaya halo-halo ang nasa isip ko. Kung nandidiri ba siya sa akin? Galit ba o kung ano man 'yon.
Pinagsiklop ko ang aking palad ng maramdamang nanginginig 'yon. Bumibilis ang aking pag-hinga. Ginawa ko ang lahat para kumalma 'yon pero parang hindi 'yon umipekto. Sunod-sunod na hikbi ang pinakawalan ko at umatras ng makitang humakbang siya papalapit sa akin.
"Cheska..." he whispered.
Wala ang saya at enerhiya nito sa tuwing tatawagin niya ako. Napahawak ako sa 'king dibdib habang nakatingin parin sa kanya.
"I-i'm sorry," humihikbi kong wika. "I-i'm really sorry!" humahagulhol kong saad.
Tinalikuran ko siya at patakbong lumabas sa pastry shop nito. Narinig ko pa ang pag-tawag nito sa akin.
"Cheska!" dinig kong sigaw ni Hylo.
Pero hindi ko siya nilingon. Wala na akong mukhang maihaharap pa sa kanya. Sobrang hiya ang nararamdaman ko ngayon dahil sa pesteng video na napanood niya.
Hindi ko na nakuha ang inorder ko roon at lumakas ang aking iyak ng makapasok sa passenger seat ng kotse ni Solitaire. Nagulat pa siya ng makita ang kalagayan ko at napalitan din ng pagkunot ng kanyang noo.
"What's happening?" nag-aalala niyang tanong. "Bakit ka umiiyak?"
Basta ko na lang binigay ang resibo sa kanya para siya na lang ang kumuha ng inorder ko roon. Nakuha naman niya ang ibig kong sabihin kaya kinuha niya 'yon. Huminga siya ng malalim at lumabas sa kanyang kotse.
Napatakip ako sa 'king mukha ko pinaghahampas ang dashboard sa sobrang inis dahil sa nararamdaman ko. Hiyang-hiya na 'ko. Alam kong nandidiri na siya sa akin dahil doon.
Hindi ko alam na nag-vivideo sila habang binababoy ang katawan ko. Wala akong magawa dahil paralisado 'yon at tanging pag-iyak lamang ang nagagawa ko da tuwing gagalawin nila ako. Si Davis at ang mga kaibigan nila. Titigil lang sila kapag pagod na ito o 'di kaya nag-sasawa na.
'Tignan lang natin kung may lakas pa siyang makipagkita sa'yo sa ipapakita ko sa ex mo.'
Napasabunot ako sa aking buhok at napatili dahil sa inis. Tarantado ka talaga, Davis! Walang hiya ka! Hindi ko na nakontrol ang aking pag-iyak at ang aking pag-hinga. Punong puno na ng sipon ang ilong ko at kumukuha na lang hangin sa 'king bibig.
"Hey! hey! Stop hurting yourself," natatarantang wika ni Solitaire ng makita akong sinasabunutan ang buhok ko.
Hindi ako mapakali gusto kong mawala itong inis at galit na nararamdaman ko. Hindi mapakali ang kamay ko. Parang may gusto akong gawin sa sarili ko. May hinahanap hanap ang katawan ko. Gusto kong saktan ang sarili ko.
"He hate me now! Nandidiri na siya sa akin. Kahit hindi niya sabihin alam kong nandidiri na siya sa akin, Solitaire," humahagulhol kong wika.
Tinutok niya sa akin ang aircon at nilagay sa backseat ang mga dala nito bago ako pagtuunan ng pansin. Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang luha. Sunod naman ay pinasinga niya ako sa tissue at tinapon sa basurahan.
"Calm down. Huminga ka muna ng malalim," pagpapakalma nito sa akin. "Stop hurting yourself. You're pregnant. Maapektuhan yung bata sa ginagawa mo. I know you're being emotional but please take care of yourself. I'm worried about you," kalmado nitong wika.
Iyak at pag-hikbi lang ang naitugon ko.
"W-wala na. Nandidiri na s-siya sa 'kin," parang bata kong pag-sumbong.
"Ano bang nangyari? Can you tell it to me?"
Parang umatras ang luha ko sa sinabi nito. Ayaw ko na pati siya ay malaman niya ang pinaggagawa sa akin ni Davis at ang mga kaibigan niya. Tama na ang makita niya ang pasa sa aking pisngi.
BINABASA MO ANG
Painful Regrets (Gorqyieds Series #2)
Romantik(COMPLETED) (this is the second installment of gorqyieds series, however you can read this series as STAND ALONE, hope you enjoy it!) He knows that she loves him even though she's already married. Hieyro Louie Yiazon is still inlove with her ex-girl...