CHAPTER 10
NATULALA AKO NG ILANG segundo dahil sa ginawa niya sa akin. Agad akong binundol ng kaba dahil doon. Pagkaharap ko sa kanya wala akong nakikitang ni isang emosyon sa kanyang mukha.
"'M-ma," kinakabahan kong bulong.
"Ano 'tong nalaman ko, Cheska? May kasama kang lalake habang wala yung anak ko?" tila hindi niya makapaniwalang tanong sa akin.
Umiling ako at nilapitan siya.
"Ma, kaibigan ko lang po 'yon. Sinamahan niya lang ako sa hospital kasi yung pilay ko—"
"Bakit hindi alam ni Davis 'to?" pagputol niya sa sinabi ko.
"H-hindi naman po nag-te-text sa akin si Davis kapag nasa business trip po siya."
Mahina itong natawa sa akin at tinignan ako. "Ang babaw ng dahilan mo para lang diyan, Cheska. Anong gusto mo siya pa ang mag-te-text sa 'yo? Puwede namang ikaw."
Napalunok ako at yumuko. "Pasensya na po."
Napailing ito at basta na lang lumabas sa bahay. Tahimik ko lang siyang sinundan hanggang sa makaalis ang kotse nito. Sinarado ko ang gate at pumasok sa loob ng bahay.
Pumunta lang siya para doon? Napabuntong hininga ako at wala sa sariling tumingin sa salamin. Parehas lang sila ng ugali ni Davis. Hindi ko lang magawang magalit sa kanya dahil matanda siya at may respeto ako sa kanya.
Nagsimula akong magluto ng ulam at pinakain na rin ang anak ko. Tinabi ko muna sa gilid ang ulam at kanin pagkatapos at umakyat sa taas para maligo ngayong gabi. Ang lagkit na kasi ng katawan ko. Simpleng white shirt at pajama na cotton ang sinuot ko.
Nang matapos ay bumaba lang din ako kasama si Thalestris. Siya ang una kong pinakain at patulugin ko na rin. Binaba ko ito sa crib at nagsimula ng maghain ng pagkain. Bumaba ang tingin ko sa cellphone ko ng biglang nag-ring 'yon.
"Hello?" tanong ko habang naglalagay ng ulam sa plato. Naka loudspeaker 'yon.
"Omg ka girl! Opening ng new branch ng favorite kong pastry shop sa labas ng subdivision niyo. Are you free tomorrow? I'm badly craving for cheesecake," excited na anas ni Maja.
Mahina akong natawa. "Wala ako pasok bukas kaya puwede ako."
Narinig ko ang impit nitong tili. "Thank you! Puntahan na lang kita bukas."
"Okay, okay," natatawa kong wika.
"Bye! Love you."
"Love you too, Maja."
Siya na ang nagbaba ng tawag kaya tinuloy ko na ang kinakain ko. Naistorbo na naman ako dahil sa doorbell. Kakamot sa ulo na tumayo ako at pinuntahan kung sino 'yon. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mainis dahil doon. Kanina pa kumakalam ang sikmura ko!
"Sana naman pakainin muna ako kahit isang subo lang 'no—"
Natigilan ako ng makita kung sino 'yon. Lahat yata ng inis na nararamdaman ko naglaho na lang ng parang bula.
"Oh, Did I disturb you while you're eating?" bigla nitong tanong sa akin.
Napaiwas ako ng tingin at binuksan ang gate. Hindi siya pumasok at tinignan niya lang ako.
"A-ano. . . Nag-hahapunan ako, Hylo," nahihiya kong wika.
Napakamot siya sa kanyang ulo at umiwas ng tingin. Gumilid ako at tinignan siya.
"Pasok ka muna," wika ko. "Kumain kana ba?"
Doon ay napatingin siya sa akin. "Actually no. I just want to give this to you."
BINABASA MO ANG
Painful Regrets (Gorqyieds Series #2)
Romance(COMPLETED) (this is the second installment of gorqyieds series, however you can read this series as STAND ALONE, hope you enjoy it!) He knows that she loves him even though she's already married. Hieyro Louie Yiazon is still inlove with her ex-girl...