CHAPTER 34

401 5 2
                                    

CHAPTER 34

KAKATUKIN ko ba sila o hindi na? Huminga ako ng malalim at muling sinilip sila. Magkayakap parin silang dalawa. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pahabang upuan at doon naupo.

Anong plano yung sinasabi nila? Bumaba ang tingin ko at hinilot-hilot ang hita ko. Hindi ko alam pero gusto ko silang tanungin tungkol doon. Napabugtong hininga na lang ako at tumayo.

"Cheska?"

"Solitaire!" sigaw ko dahil sa gulat. Napahawa pa ako sa aking dibdib.

Napaupo pa ako sa kinauupuan ko dahil doon. Agad niya naman akong nilapitan habang karga si Thalestris. Tuwang tuwa siya ng makita ako at hindi alam ang nangyayari.

"Are you okay?" nag-aalala nitong tanong.

Tango lang ang naitugon ko at tumayo ulit. Mabuti na lang at napakalambot ng inupuan ko.

"Nagulat ka yata, eh," wika nito at binaba si Thalestris.

Sinimaan ko siya ng tingin at inirapan. "Obvious ba, ha?"

Mahina itong natawa at hinawakan ang kamay ni Thalestris. Ang anak ko naman ay nakangiti habang nakatingin sa akin. Hinaplos ko ang pisngi nito at doon pumalakpak siya sa akin.

"Mommy! Mommy!"

Nakasout ito ng pantulog niya. Kulay pink na pajama at pink na cotton shirt. Naglakad siya papunta sa akin at gustong magpakarga.

"Kalga, mommy," wika nito at bulol pa.

Hinayaan ko lang siyang umakyat sa aking hita kung makakaakyat ba siya pero hindi siya nagtagumpay dahil kinarga na siya ni Solitaire.

"Hindi ka pa p'wedeng kargahin ni Mommy mo. Big girl kana, eh. Bigat mo na kaya," kausap niya sa anak ko.

Sumama ang mukha ni Thalestris. Kitang-kita ko tuloy sa kanya si Davis. Bumusangot siya at masama parin ang tingin niya kay Solitaire.

"Why are you looking me like that?" natatawang tanong ni Solitaire.

Nakakunot parin ang noo ni Thalestris. Humalukipkip siya at umiwas ng tingin kay Solitaire. Parehas kaming natawa dahil sa inasal niya.

"To to. Bad," wika niya habang hindi nakatingin kay Solitaire.

Naglakad ako papunta sa likuran ni Solitaire kung saan nakaharap si Thalestris. Hinaplos ko ang pisngi niya at hinalikan 'yon.

"Love you baby," malambing kong wika.

Doon ay sumilay ang matamis niyang ngiti. "Mommy. . . Wabyu to."

Sabay kaming napatingin sa pintuan ng kwarto ni Mommy at Daddy ng biglang bumukas 'yon. Lumabas silang dalawa at nagulat pa ng makita ako.

"Princess. . . Cheska. Bakit ka napunta rito?" tanong ni Daddy at niyakap ako.

I smiled. "May sasabihin lang po kami ni Davis. Nagpa-ultrasound na po kasi ko at nalaman na yung result."

"Oh my. . . Really?" tugon ni Mommy.

Tumango ako. "Opo."

Nakita kong nilingon ni Mommy si Solitaire. "Anak, tapos mo na painumin si Thalestris?"

"Yes, 'ma."

Mahina akong natawa ng bigla akong kabigin ng yakap ni Daddy at Mommy. Bahagya niya pang ginulo ang buhok ko at hinalikan ang aking noo.

"Dada. . . Mommy."

Napatingin kami kay Thalestris. Kumunot ang noo ko dahil doon. Madalang lang na hanapin niya sa akin si Davis dahil hindi naman siya pinapansin ni Davis sa bahay. Nakikita niya lang 'yon. Si Davis naman ay wala ring pake sa kanya.

Painful Regrets (Gorqyieds Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon