CHAPTER 32

352 4 2
                                    

CHAPTER 32

NAKAHALUMBABA ako sa lamesa ng restaurant na kakainan namin ngayon dito sa mall. Dumiretso kaagad kami sa rito dahil gusto raw kumain ni Maja bago kami mag-libot libot para mag-hanap ng ireregalo ko kay Hylo.

"Buntis ano sa 'yo? Baka nagugutom na kayo ng inaanak ko d'yan," wika nito at naupo sa kanyang upuan, kalalabas niya lang sa banyo dahil mag-aayos daw siya bago kumain.

Nag-kibit balikat ako at bumaba ang tingin sa menu na nakalapag sa lamesa. Hmm. . . Ano bang masarap.

Parang halos lahat naman ay masarap sa mga mata ko. Napakamot na lang ako sa aking pisngi at binalingan ng tingin si Maja.

Nakangiwi ito sa akin at napapailing na tumingin din sa kanyang menu.

"Ano?"

"Ano na yung napili mo? Don't worry ako mag-babayad kaya mag-order ka ng gusto mo. Kahit marami pa 'yan," tugon nito habang nakatingin parin sa menu.

"Desserts gusto ko," mahina kong wika.

Doon niya binaba ang hawak niya at saka ako tinignan ng maigi.

"Ayaw mo kumain ng kanin? Baka magutom ka n'yan, ah."

Umiling ako at ngumiti sa kanya.

"Naparami yung kain ko nung nag-almusal ako. Nag-padala kasi si Davis kaya ayon," tugon ko. Tinuro ko ang halo-halo. "Heto sa 'kin."

Umismid ito. "Gaga! Alam mo namang hindi ako sanay na kumakain ako marami samantala ikaw dessert lang."

"Busog na nga kasi ako," tugon ko.

Bumagsak ang balikat nito. Tumawag na siya ng waiter at nag-order na. Tinuro niya ang mga kakainin niya at nagpasalamat din ng matapos.

"Nag-order parin ako ng kakainin mo bukod sa halo-halo. S'yempre hindi kana makakatanggi kasi naka-order na 'ko."

"Maja. Mamaya hindi ako matunawan!" tugon ko at napahalukipkip na lang.

Tinawanan niya lang ako. "Malakas kumain yung anak mo. May tiwala ako sa kanya. May back-up ka na."

Napabugtong hininga na lang ako at sumandal sa kinauupuan ko. Wala sa sariling hinimas ko ang aking tyan. Medyo nababahala lang ako kasi parang hindi normal ang laki ng tyan ko para sa isang baby. Na-check naman siya ni doctora na baka chubby si baby kaya gano'n.

"Okay ka lang?" biglang tanong ni Maja.

Umangat ang tingin ko sa kanya. Ningitian ko lang siya at hinimas ang aking tyan.

"Naalala ko lang yung sinabi ni Doctora. 'Di ba parang hindi normal yung laki ng tyan ko para sa isang baby? Sabi niya baka raw mataba si baby kaya ganoon," mahina kong wika at muli siyang tinignan. "Natatakot lang ako kasi baka mahirapan ako manganak sa kabuwanan ko."

Namayani ang katahimikan at nakatingin lang siya sa akin. Parang pinapasok niya pa sa kanyang isipan ang sinabi ko. Masuyo itong ngumiti sa akin at hinawakan ang isang kong kamay na nakapatong sa lamesa.

"Siguro naman hindi ka pahihirapan ng anak mo. Atsaka alam kong kakayanin mo 'yon. Alam naman natin na masakit talaga manganak pero worth it lahat ng sakit kapag nakita si baby," masaya niyang wika.

Tumango ako at hinawakan din ang kamay niya. Nag-usap pa kami sa ibang bagay hanggang sa dumating na ang pagkain na inorder namin. Grabe, busog na busog ako. Hindi ko nga alam kung makakakain pa ba ako mamaya.

"Nakaisip kana ng name sa anak mo?" tanong ni Maja habang nag-lalakad.

I shook my head. "Wala pa. Mag-iisip pa lang ako."

Painful Regrets (Gorqyieds Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon