SPECIAL CHAPTER: OUR BABIES

449 10 5
                                    

SPECIAL CHAPTER: OUR BABIES

NAPAKAPIT AKO sa balikat ni Hylo ng biglang umikot ang aking paligid. Dahil mabilis ang reflex nitong si Hylo ay awtomatik na hinawakan niya ang aking siko para saluhiin.

"What happened? Are you okay?" he asked.

"Mommy, okay?" biglang tanong ni Raheem.

Ningitian ko sila at tumango.

Huminga ako ng malalim. Hinihingal ako. Nandito kasi kami ngayon sa mall at napagpasyahan na gumala. Tagal ko na rin kasing hindi nakakapag mall dahil nakakulong lang ako sa bahay namin.

Walong buwan na ang aking tyan, ang magiging anak namin ni Hylo. Hindi na sana siya papayag na pumunta kami sa mall dahil baka kung ano pang mangyari sa akin pero ako ang nagpumilit.

"I told you, Babe. We should stay at home and watch some movies with Raheem," nagaalala niyang wika sa akin.

"Yes! Let's watch Spiderman, Aquaman and many more!" nakangiting wika ni Raheem.

Mahina akong natawa at ginulo ang buhok nito.

"Lagi na akong nakakulong sa bahay, Babe. Naboboring din kaya ako kung alam mo lang," tugon ko at naupo sa bakanteng bench.

Naupo rin sa akin tabi si Raheem at nanahimik lang. Ilang araw narin akong kinukulit ni Raheem dahil may gusto raw siyang bilhin sa bookstore.

"I know. Pero malapit na kabuwanan mo. Mamaya kung ano pang mangyari sa 'yo," ani nito at hinaplos ang bilugan kong tyan.

Napanguso ako at tinuto si Raheem. "Atsaka may gustong bilhin 'tong anank mo sa bookstore kaya may sense rin tong pag alis natin sa bahay," pangangatwiran ko.

Bumaba ang tingin niya kay Raheem na abala ngayon sa pagbuo ng rubik's cube.

"May bibilhin ka sa bookstore, 'nak?" Hylo asked.

Raheem nodded and looked at Hylo. "Yes po, Papa. I want to buy a new book kasi po tapos ko ng basahin yung books na gifts mo sa akin nung christmas," nakangiting tugon ni Raheem.

Napakurap si Hylo dahil doon at napangiwi nalang. Tipid niyang ningitian ang bata at umoo nalang pagkatapos ay tinignan ako.

"Gano'n na ba kahalimaw mag basa anak natin?" kinakabahan nitong tanong sa akin.

Mahina akong natawa at tumayo na. Hinawakan ko ang kamay ni Raheem pero naunahan niya na ako. Ngumiti siya sa aking at nanahimik sa aking tabi.

"Ayaw mo no'n? Mas maraming oras ang nalalaan niya sa pagbabasa kumpara sa tablet," wika ko. Pinagsiklop ko ang kamay naming dalawa. "Hindi ko rin gusto na masyado siyang babad sa gadgets niya, Hylo. Kaya mas okay na sa akin na makahiligan niya ang pagbabasa."

Napabugtong hininga ito at tinignan ako. "I know, Babe. But his eyes might be damaged. Nahuli ko siya isang beses nagbabasa sa kwarto ang dilim na yung lampshade niya sa bedside table hindi gaano malakas. May chance parin na masira mata niya," nagaalala niyang tugon sa akin.

Nilingon ko si Raheem na seryosong nakatingin sa bookstore. Malapit na kasi kami at kahit seryoso ang kanyang muhka alam na alam ko na excited na itong makapasok sa pupuntahan namin.

Painful Regrets (Gorqyieds Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon