CHAPTER 31
PASIKAT PA LANG ang araw pero heto ako at gising na gising na. Gusto ko pa nga na matulog pero ayaw na ng utak ko. Napabugtong hininga na lang ako at labag sa kalooban na bumangon sa kama.
Nagtungo kaagad ako sa banyo para gawin ang morning routine ko. Naghilamos muna ako at s'yempre nag toothbrush. Pagkatapos ay dumiretso sa baba para mag-almusal.
Simpleng almusal lang sana ang gusto ko pero parang nagrerequest yata ang baby sa tyan ko na nag heavy breakfast ngayon. Napanguso na lang ako at maingat na umupo sa sofa.
"P'wede bang mamaya na tayo kumain ng marami 'nak?" usap ko sa aking tyan habang hinihimas 'yon.
Napasandal na lang ako sa kinauupuan ko at walang nagawa kundi magluluto ng makakain ngayon umaga at baka mapano pa kaming dalawa nitong nasa sinapupunan ko.
Maglalakad na sana ako patungo sa kusina ng may nag-doorbell. Kumunot ang noo ko dahil doon.
Ang aga naman yata ni Maja. Mag-aala sais pa nga lang ng umaga, eh.
Lumabas na ako para pagbuksan siya. Pero hindi si Maja ang nasa labas ng bahay kundi yung gwardya sa subdivision na ito. May dala siyang dalawang brown paper bag.
"Goodmorning po, Ma'am Cheska. Akala ko po tulog pa kayo. Pinapabigay po ni Sir Davis kainin niyo raw po," magalang nitong wika.
Bumaba ang tingin ko roon at napatitig ng ilang segundo. Saka lang din ako natauhan ng tawagin niya ang pangalan ko. Tipid ko lang siyang ningitian at tinanggap 'yon.
"Salamat po," tugon ko.
Ningitian niya lang ako at sumakay na siya sa kanyang bike. Tinignan ko siya hanggang sa makaalis ito bago ako pumasok sa bahay.
Pagkapasok ko sa bahay ay dumiretso ako sa dining area at nilabas ang mga pagkain sa brown na paper bag. Naupo ako at sinimulang buksan ang tupperware. Nanubig ang bagang ko ng makita ang mga 'yon.
Nagsimula na akong kumain at hindi na nagulat ng makitang naubos ko ang lahat ng 'yon. Iniisip ko pa nga kung kakain ba ako mamayang tanghali o hindi?
As usual, nakatulog ako pagkatapos kong kumain. Gusto ko pa sanang mag-lakad lakad sa labas dahil exercise na rin 'yon para sa akin. Ang kaso ay mas gusto ko na lang matulog magdamag.
"Hoy! Buntis, hala ka. 12:10 na, anong oras ba schedule mo sa check up?"
Mapungay pa ang aking mata ng tinignan si Maja. Nakatayo ito sa harapan ko habang nakatingin sa relo nito. Napatayo ako dahil doon.
"12:30," mahina kong wika.
Napakamot na lang si Maja at naupo sa sofa. "Ikaw talaga. Mag-bihis kana roon para makaalis na tayo. Napahaba tulog mo, eh."
Mahina akong natawa. "Sorry. Inaantok talaga ako."
"That's okay. Buntis ka, eh. Pati pag-doorbell ko hindi tumalab sa pagkatulog mantika mo," tugon nito.
Napailing na lang ako at umakyat na sa taas. Naligo ako at nagsout ng baby pink maternity dress. Hindi ko na drinayer ang buhok ko at dinamp ko lang 'yon ng towel pagkatapos ay hahayaan na ma-air dry.
White sneakers ang pinares ko at sinuot ang necklace na binigay ni Hylo. Hinuhubad ko lang 'yon kapag naliligo ako. Kinuha ko na ang bag ko at bumaba na.
"Tara na?" pag-aya ni Maja.
I nodded. "Hmm. Let's go."
PANAY AKO TINGIN nang tingin kay Maja dahil bakas sa kanyang mukha ang kaba. Natatawa na lang ako dahil doon. Mas kabado pa siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Painful Regrets (Gorqyieds Series #2)
Romance(COMPLETED) (this is the second installment of gorqyieds series, however you can read this series as STAND ALONE, hope you enjoy it!) He knows that she loves him even though she's already married. Hieyro Louie Yiazon is still inlove with her ex-girl...