CHAPTER 41
MALAWAK ANG aking ngiti habang pinagmamasdan ang mga bata na nagsasaya sa dalampasigan. May mga sumasayaw pa nga sa gitna at hindi ininda ang sikat ng araw. May mga nag iinom na rin kaagad doon sa kabilang kubo at nag kanya kanya na sila sa kanilang ginagawa.
"Did you enjoy?" Hylo asked.
Nilingon ko ito na may bahid na ngiti sa aking labi. Tinuro ko iyon at mahinang natawa.
"Obvious ba? Sobrang saya kaya!" parang bata kong wika.
He chuckled. Agad kong naramdaman ang braso nitong nilagay sa aking bewyang at hinapit papalapit sa akin. Hinalikan niya ang aking noo at sinuklay pa iyon ng dahan dahan. Agad ko namang tinapik ang kamay niya dahil ayaw ko pang maantok!
"Glad to know that you're enjoying their fiesta."
Ngumiti lang ako at naglilibot libot kami. Ang tinutulungan ni Hylo na mga nanay ay pinakain muna kami. Naupo ako sa bakanteng upuan at nakangiting tinanaw ang mga pagkain sa napakahabang lamesa. May lechon doon sa gitna at ang mga putahe ay nakatakip pero natatakam parin ako habang pinagmamasdan ko sila.
"Babe, i'm hungry," tawag ko kay Hylo.
Awtomatik itong napatingin sa akin at nilapitan ako. Ngumiti ito saglit at hinaplos ang aking tyan. Natigilan lang din siya ng maramdamang sumipa ang baby.
"Hey buddy, you're hungry also?" natutuwang tanong ni Hylo.
Napailing na lang ako at tinapiktapik ang kanyang balikat para sabihin na kumuha na siya ng pagkain dahil nagugutom na ako.
"Kuha kana ng foods, please."
He laughed and kiss my forehead. "Ok madam. Just wait a minute."
"Thank you."
Hinintay ko lang siya ng ilang minuto at napalinga linga sa paligid at pinagmamasdan ang mga tao. May mga naliligo na rin sa dagat at may nag lalaro rin ng volleyball. May nag kakaraoke rin sa gilid kaya sobrang ingay.
Mahina akong natawa at nagenjoy sa mga nakikita ko. Nang sandaling napabaling ako sa gilid ng bahay ni Hylo ay nilamon ako ng kaba ng makita ang pamilyar na rebulto. Napalunok ako at sobrang bilis ng tibok ng aking puso.
"H-hylo..." mahina kong wika.
Tumingin ako sa pinagkuhaan niya ng pagkain pero wala siya kaya mas lalo akong kinabahan. Nagsimulang manubig ang aking mata at pinagsiklop ang aking kamay para mabawasan ang panginginig. Parang may nanonood sakin, 'yon ang pakiramdam ko ngayon.
"Hylo? Babe... where are you?" tawag ko sakanya.
Doon na ako tumayo ay napaupo ulit ng may humawak sa aking braso. Napasigaw ako roon at halos lahat ng tao ay napatingin sa akin.
"Hey, babe. What's wrong? Pumasok ako saglit sa bahay nila Nanay Linda kumuha ako ng gulaman masarap daw 'yon, eh—are you really okay? You were about to cry," nagaalala niyang wika.
Napayakap ako sa kanya at siniksik ang mukha sa kanyang dibdib. Doon tumulo ang aking luha at mahinang napahikbi. Agad siyang nataranta roon at binaba ang hawak niyang plato sa lamesa.
"Hylo, anong nangyari sa misis mo?"
"I-i don't know—hey, babe. What's wrong? May nangyari ba? Tell me, please. I'm worried about you."
Inangat ko ang aking ulo at napalingon sa gilid ng makita ko na naman siya parang hindi ako mapakali sa lagay ko ngayon kaya mas lalong siniksik ko ang aking sarili kay Hylo. Napaatras pa siya dahil doon kaya binuhat niya nalang ako papasok sakanyang bahay.
"Nay, pahatid nalang sana yung pagkain sa kwarto ko. Doon nalang kami kakain pasensya na sa abala," wika ni Hylo.
Nanatiling nakasubsob ang aking ulo sa kanyang dibdib.
"Sige at hindi kayo nakakaabala. Asikasuhin mo muna yang asawa mo at baka mapano pa ang sanggol na nasa sinapupunan niya."
Naglakad na si Hylo papasok sa kanyang bahay ay pumasok sa loob ng kwarto nito. Binaba niya ako sa malambot nitong kama at sinarado ang kurtina at binuksan ang aircon. Binuksan niya rin ang ilaw at hinarap ako. Maingat niyang sinapo ang aking pisngi at tinignan ng mabuti.
"Tell what's wrong?" he asked.
"He's here. I saw him... I promise, Hylo. I saw him," napapraning kong wika. "I saw Davis. Please, umuwi na tayo. Ayaw ko na dito. Let's go back to your penthouse... please, Hylo... please,"umiiyak kong wika.
Pinunasan niya ang aking luha at tumango. Sumang-ayon kaagad siya sa sinabi ko.
"Okay. If that's what you want," he whispered. "I love you, okay? Stop crying," pagaalo nito sa akin.
I nodded and lay on the bed. Kinuha ko ang remote at nanood nalang ng cartoons movie para gumaan ang aking pakiramdam kahit papaano. Napahawak ako sa aking tyan ng maramdamang magalaw na naman si baby. Ang active niya ngayong sobra.
Ngayon ko lang din nalaman kung bakit siya active ngayon. Dahil nandito rin ang Papa niya. Muling nangilid ang aking mata... hindi niya ba ako tinatantanan? Gusto ko lang naman maging malaya bakit ba pinagkakait pa 'yon sa akin?
"Here's your food. Nagpakuha ulit ako ng bago para sating dalawa. Let's eat?"
Tipid akong ngumiti sakanya at lumapit. Naupo ako sa upuan at pinagmamasdan siya kung paano ako pagsilbihan. Mahal na mahal ko talaga siya, hindi ko alam kung makakahanap pa ba ako ng ibang Hylo sa panahon ngayon. Mahal na mahal ko siya sa kung paano niya ako tratuhin. . . Trinatrato niya akong prinsesa at sa iba pang bagay.
"Thank you, Babe," I whispered. "I love you."
"You're always welcome and I love you too," he replied. "Tomorrow we will go back to my penthouse. And by afternoon, we need to go to ob-gyn for your check up. It's that okay?"
I nodded. "Hmm, yeah. Thank you."
Sa kung paano niya ako tratuhin ngayon kumpara kay Davis mas lamang parin si Hylo. Masyado na akong hulog na hulog sa kanya. Konting tiis na lang, Hylo. Huwag kang mag-aalala magiging asawa rin kita.
SHANGPU
BINABASA MO ANG
Painful Regrets (Gorqyieds Series #2)
Romance(COMPLETED) (this is the second installment of gorqyieds series, however you can read this series as STAND ALONE, hope you enjoy it!) He knows that she loves him even though she's already married. Hieyro Louie Yiazon is still inlove with her ex-girl...