CHAPTER 24

369 5 1
                                    

CHAPTER 24

NATIGILAN AKO SA SINABI nito at natulala. Buntis? Ako? Dahan-dahan akong lumingon kay Maja. Natural lang ang expresyon sa kanyang mukha habang nakasandal ang pang-upo sa countertop island. Nakahalukipkip siya at nakatingin sa akin.

Mahina akong natawa sa sinabi nito. "Anong B-buntis ka diyan," kinakabahan kong wika.

Inayos niya ang kanyang pag-tayo at nilapitan ako habang seryoso pa rin ang kanyang mukha.

"May asawa ka at imposibleng wala ng nangyari sainyo ni Davis," mahina nitong wika.

Napalunok ako at naupo kami sa mataas na upuan. Namayani ang katahimikan habang nakatingin kami sa isa't isa. Sobrang bilis na puso ko habang iniisip kung buntis ba talaga ako o hindi. May malaking chance talaga na baka totoo ang sinasabi niya pero sana hindi. Sana negative.

Nagsimulang manubig ang mata ko at nanginginig na hinawakan ang kanyang kamay.

"H-hindi totoo 'yan, Maja. Hindi ako b-buntis," nauutal kong sambi sa kanya habang umiiyak.

Napabuntong hininga siya at umangat ang kanyang kamay para suklayin ang aking buhok. Para kahit papaano ay kumalma ako.

"There's a chance if you don't take pills, Cheska," she whispered. "Uminom ka ba ng pills o hindi?"

Yumuko ako at doon napaiyak dahil sa sinabi niya. Hindi siya nagsalita at hinayaan lang akong lumuha sa kanyang harapan. Pagkatapos ay narinig ko ang paghinga ng malalim nito at tumayo. Umangat ang tingin ko ng makita siyang may kinuha sa bag na dala nito.

Bumalik siya sa akin at inabot ang kinuha nito.

"Take this. Bilis, pumasok kana sa banyo," malumanay nitong wika at sinamahan papuntang banyo.

Tumigil lang siya at naiwan sa labas. Nanginginig ang kamay ko habang hawak ang pregnancy test na binigay niya. Sinarado ko ang pintuan at naupo sa inidoro.

Nanatili akong nakatingin sa hawak ko at kung hindi kumatok si Maja ay baka nagtagal ako rito sa banyo kakatitig sa hawak ko pregnancy test. Pinunasan ko ang aking luha at sinimulan ang dapat simulan.

Hindi mapakali ang kamay ko at paa habang hinihintay ang resulta. Segu-segundo ko 'yong tinitignan. Palakad lakad ako sa loob ng banyo habang sinisilip kung positive ba o negative ang lumabas.

"Cheska? Anong resulta?" wika ni Maja at mahinang kinatok ang pintuan.

"Maja," kinakabahan kong wika.

Ayaw ko sumilip. Natatakot ako tignan yung resulta. Nanubig na naman ang aking mata.

"Papasok ako, ah."

Sinalubong ko siya sa pintuan at hinawakan ang kanyang kamay. Bakas sa kanyang mukha ang pag-alala. Tipid niya lang akong ningitian. Alam kong parehas kami ng nararamdaman.

"Gusto mo ako na lang tumingin?" she asked.

I nodded. "Yes, please."

Naupo ako sa inidoro at pinanood siya na pumunta sa pinagpatungan ko ng pregnancy test. Nanlalamig ako at ang bilis ng tibok ng aking puso habang nakatingin sa kanya. Sinilip niya ang pregnancy test at tinignan ako.

"A-anong resulta?" kinakabahan kong wika.

Huminga siya ng malalim at tinabi sa gilid ang pregnancy test. Nilapitan niya ako at pinantay ang pag-upo niya sa akin. Hinawakan niya ang aking kamay at naramdaman ko ang pag-ikot ng hinlalaki niya sa likod ng aking palad.

"It's positive," she whispered. "Buntis ka."

"I'm p-pregnant?" nauutal kong tanong.

Hindi pa ako makapagsalita ng maayos dahil parang may nakabara sa aking lalamunan. Napayuko na lang ako nang makitang tumango ito. Humagulhol ako habang nakahawak sa aking ulo.

Painful Regrets (Gorqyieds Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon