CHAPTER 35
WALANG TIGIL sa pagtulo ang aking luha habang nakatingin sa kanila. Kahit anong punas ko roon ay may luha paring pumapatak. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nasa ganoong posisyon. Parehas na kaming tatlong umiiyak.
Sobra pa akong naging emosyonal dahil sa pagbubuntis ko kaya nagkukumahog silang patahanin ako. Sinalinan nila ng malamig na tubig ang baso ko at inabot 'yon sa akin.
"Drink your water first, anak," mahinang wika ni Daddy ng kumalma na ako pero nandoon parin ang aking hikbi.
I took a deep breath and drink the water. Nang tignan ko si Mommy ay nangingilid parin ang luha nito at namumula ang tungki ng ilong. Ganoon din si Daddy.
Napapikit ako ng maramdaman ang halik niya sa akin noo at sinuklay ang aking buhok. Paulit ulit niyang hinahalikan ang buhok ko kaya tinanday ko ang aking ulo sa balikat niya.
"You're our only daughter. . . My princess. Si Daddy mo na ang bahala sa lahat," he whispered. At nang umangat ang tingin ko sa kanya ay ningitian niya ako.
I smiled at him and hugged his arm like a child. Namayani ang katahimikan at si Davis lang ang sumira no'n. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapunta sa aking pwesto.
"I'm sorry for my Mom's attitude," paghingi ng paumanhin ni Davis.
Nagtataka ako kung nagpapanggap lang ba siya na mabait ngayon kahit salbahe naman ang ugali niya. Huminga ako ng malalim at inubos ang tubig sa baso.
"Do you want to go to sleep?" tanong niya ng makalapit sa akin.
I nodded, slowly. "I'm sleepy and tired."
Nilingon ko si Mommy at Daddy. "Aakyat na po kami sa kwarto para magpahinga," paalam ko.
"Sige, 'nak," tipid na tugon ni Mommy at nilingon si Davis. "Mauna na kayo ni Cheska sa kwarto, Davis. Kami na ang bahala rito. Kapag nagutom siya ay kumuha ka lang ng pagkain dito sa ref."
Nagpalitan kami ng goodnight at sabay na kaming umakyat ni Davis sa kwarto ko. Wala akong ganang naligo at nagayos ng sarili. Kahit siguro pagod na pagod ako ay hindi talaga p'wede na hindi ako makakaligo dahil ang lagkit sa pakiramdam no'n.
"Massage?" Davis.
I shook my head. "No thanks. I'm sleepy."
"Okay. Matulog kana. Goodnight," tugon nito at siya pa ang naglagay ng kumot sa akin.
Nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa 'yon. Iniisip ko lang na sana dumating na yung babae para sa kanya dahil alam kong hindi ako 'yon kahit ipilit niya na ako ang gusto niya.
NAPANGUSO NA LANG ako ng makitang sold out ang gusto kong bilhin na pagkain. Napakamot na ako sa ulo at tinulak ang cart. Nandito ako ngayon sa supermarket dahil wala ng stock ng mga pagkain sa loob ng ref.
Atsaka kahit ayaw naman ni Davis ay wala rin siyang magagawa dahil gusto kong maglakad lakad. Sabi nila ay maganda raw 'yon para sa mga buntis 'tsaka exercise na rin 'no.
Baka gagawa na lang ako ng Carbonara mamaya. Hmm. . . Tignan ko lang kung hindi ako tatamarin.
"Cheska?"
Napalingon ako sa likod ng may tumawag sa akin at ganoon na lang ang pagnganga ko ng makita si Mica. May dala siyang basket at may laman 'yon na mga canned goods at iba pa.
"Mica!" excited kong wika.
Nabitawan ko ang handle ng cart at napayakap sa kanya. Mahina siyang natawa at niyakap din ako pabalik.
"Namiss kita!" parang bata kong wika.
"Uy! Teka lang naman baka maipit yung tyan mo," nagaalala niyang tugon at bumitaw sa pagkakayakap.
BINABASA MO ANG
Painful Regrets (Gorqyieds Series #2)
Romance(COMPLETED) (this is the second installment of gorqyieds series, however you can read this series as STAND ALONE, hope you enjoy it!) He knows that she loves him even though she's already married. Hieyro Louie Yiazon is still inlove with her ex-girl...