CHAPTER 8

369 8 4
                                    

CHAPTER 8

KAHIT AYAW KONG LUMINGON sa kanilang pwesto ay wala akong nagawa kundi tignan sila. Hindi ko maitago ang panginginig ng aking palad sa kaba na nararamdaman ko. Alam kong ibabalita nila kay Davis 'to, imposibleng hindi.

"Kilala mo sila, Cheska?" tanong ni Hylo ng tignan niya ako.

Bahagya pa siyang yumuko ang kinuha ang stuff toy ni Thalestris dahil nahulog niya 'yon. Nanatili akong nakatingin sa kanya ng ilang segundo at nabalik lang sa katauhan ng ihawi hawi niya ang kanyang kamay sa ere para makuha niya ang pansin ko.

"Cheska?" kunot noo nitong tanong sa akin.

"Oo, Kilala ko sila. Kaibigan ni Davis," mahina kong wika at mahigpit na napahawak sa handle ng cart.

Dinig ko ang mahihinang tawa ng kaibigan ni Davis at naglakad papunta sa amin. Tumango tango si Hylo at napatingin din sa kanila, nakangiti ito. Humawak din siya sa handle ng cart.

"Nice to meet you. Mauuna na kami—"

"Natikman mo na ba 'yan?" natatawang wika ng isang kaibigan ni Davis at tinuro ako.

Naglaho ang ngiti ni Hylo at lumalim ang pagkakunot sa kanyang noo, halos maging linya na ang kilay nito. Sobra akong kinakabahan. Ayaw kong malaman niya dahil paniguradong mandidiri siya sa akin kapag nalaman niya ang mga ginagawa nila sa akin. Hinawakan ko ang braso ni Hylo para iparating na umalis na kami.

"Hylo. Tara na, nagugutom na kasi ako," kinakabahan kong wika, para akong kakapusin ng hininga dahil sa nangyayari ngayon. Halos mabingi na rin ako sa lakas ng tibok ng aking puso.

"What the hell are you talking about?" kunot noong tanong ni Hylo at parang hindi nagugustuhan ang sinabi nila.

Muling natawa ang dalawang lalake at lumapit ng kaonti kay Hylo. Nagsimulang manubig ang aking mata at ilang beses na ginalaw ang braso ni Hylo.

"Hylo, tara na nga nagugutom na ako. Huwag mo na lang silang pansinin," naiiyak kong sambit sa kanya pero hindi siya nakinig.

Mukhang nararamdaman ni Thalestris ang mainit na tensyon dito kaya nagsisimula na itong umingit. Binuhat ko siya at hinawakan ang kanyang ulo para isandal sa aking balikat habang hinihele siya.

"Hindi mo alam?" natatawang tugon nito. "Maluwag na 'yan. Natikman na namin 'yan ng asawa niya," mahina nitong bulong kay Hylo.

Umiling ako at hinila ang braso ni Hylo. Halos hindi ko na siya makita dahil sa akin luha, hindi ko na pigilan na lumuha sa kanyang harapan. Nanlalabo na ang aking paningin at humihikbi na. 

Kailan ba matatahimik 'tong buhay ko?

"Hylo. Tara na, please. Huwag kang makikinig sa kanila. Hindi totoo 'yan—"

"Bakit mo pa kailangan itanggi, Cheska? Totoo naman. Huwag kang mahiya ang ganda ganda kaya ng katawan mo," pagputol nito sa sinabi ko at nagtawanan pa sila ng kasama nito.

Lumakas ang aking hikbi at hinimas ang likod ni Thalestris. Nahihiya ako dahil sa kanila, mas lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib dahil wala akong narinig ni isang salita galing kay Hylo.

"Walang hiya kayo," humihikbi kong sambit sa pagitan ng aking pag-iyak.

Hinarap ko si Hylo at ningitian siya kahit na lumuluha. "Tara na, Hylo."

"Swerte namin sa asawa mo, Cheska. Tikim niya tikim din namin. Share your blessing ika nga nila," natatawang anas nito at nilingon si Hylo. "Kung may balak ka, pre. Ang maipapayo ko sa 'yo huwag na hayaan mo na kami na ang makinabang sa katawan niya—"

Napasigaw ako ng biglang sinuntok ni Hylo ang isa sa kaibigan ni Davis. Mahigpit kong niyakap si Thalestris at sinubukang pigilan si Hylo. Mabilis ang paghinga nito habang nakatingin sa lalakeng nakahandusay sa sahig. Ang isa nitong kasama ay pilit na pinapatayo ang kaibigan niyang nasa sahig.

Lumakas ang iyak ko ng akmang susuntukin niya ulit ito. Pinilupot ko ang kamay ko sa kanyang braso at buong lakas na nilayo siya sa kaibigan ni Davis.

"Tama na, Hylo! Ayaw ko ng gulo. Parang awa niyo na!" sigaw ko habang humahagulhol.

Maramin taong nakatingin sa amin at sumunod ang guwardya. Nakahawak lang ako kay Thalestris na ngayon ay pumapalahaw na ng iyak. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil sa nangyari.

"Binastos nila 'tong kasama ko," seryoso pero may bahid na galit na wika ni Hylo sa gwardya, tinuro niya pa ako. "Pakipunta 'yan sila sa presinto. Lawyer ko ang kakausap sa kanila."

Aambahan pa sana ni Hylo ang isa ng pigilan ko siya. "Tama na. Tama na. Ayaw ko na ng gulo, Hylo. Please, parang awa mo na," paulit ulit kong wika, nagmamakaawa.

Huminga siya ng malalim at kinuha sa akin si Thalestris na ngayon at tumahan na sa kakaiyak. Hinayaan niya lang na sumandal si Thalestris sa kanyang malapad na balikat. Hindi ko parin makontrol ang aking iyak kaya sunod sunod ang aking paghikbi habang nakatingin sa dalawang kaibigan ni Davis na ngayon ay nakaposas. Masama ang kanilang tingin sa akin. Muling lumakas ang aking iyak dahil sa tingin na 'yon.

Ibabalita nila kay Davis 'to! Magsusumbong sila!

Nawala lang sila sa paningin ko ng hinarang ni Hylo ang kanyang katawan sa harapan ko. Pinunasan niya ang aking luha at nagbayad na kami sa kahera. Pagdating namin sa park at ng makapasok sa kotse ay napahagulhol na lang ako. Nataranta naman siya dahil doon at nilapitan ako.

"Cheska, calm down," pag-aalo nito sa akin.

Lumuluhang tinignan ko siya. "Dapat hindi mo na lang ginawa 'yon, Hylo. Dapat tahimik na lang tayong umalis para wala ng away na naganap," humihikbi kong wika.

Nagbago ang expresyon nito at halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko.

"Why?" he asked. "Binastos ka nila, Cheska. 'Yon ang pinakaiinisan ko sa lahat. Ang bastusin ka nila. Bakit noong tayo pa ginawa ko ba sa'yo 'yon? Hindi," wika nito at sinapo ang magkabilaan kong pisngi, malambot ang kamay nito. "Because I respect you. Kasi mahal kita. Hindi ko lang kaya na makita o marinig nila na ginaganon ka nila—"

"Hindi mo kasi alam, Hylo!" sigaw ko at napasabunot sa aking buhok. Muling tumulo ang aking luha habang nakatingin parin sa kanya. "Ako ang malalagot! Ako na naman! Palagi na lang ako," napayuko ako habang nakahawak parin sa aking buhok. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Ihahanda ko na naman ba ang katawan ko dahil sasaktan niya ako?

"Ako ang mayayari, Hylo at hindi ikaw. Kaya kung sinunod mo na lang sana yung sinabi ko walang mangyayaring ganito. Ako malalagot kay Davis," humahagulgol kong wika at napahawak sa aking dibdib.

Nagtataka na tinignan niya ako. "What's happening between you and Davis? Tell me, baka makatulong ako—"

"Wala. Wala, 'yon Hylo. Normal lang naman na mag-away yung mag-asawa 'di ba? Huwag mo ng isipin 'yon," mabilis kong wika habang nakatingin sa ibaba.

Hindi ko na alam ang mga sinasabi ko at binubulong. Naramdaman ko na lang na hinawakan ni Hylo ang magkabilaan kong balikat at iniharap sa kanya.

"Sinasaktan ka ni Davis? Tell me, please. Answer me," nasasaktan niyang tanong sa akin.

Napalunok ako at nagkatitigan kami ng ilang segundo. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko na nakaharang sa aking mukha.

"Cheska, please tell me, I want to know—"

"Hindi. Hindi niya ako sinasaktan, Hylo," wika ko habang umiiling.

Kagaya rin ng nauna namayani ang katahimikan. Natulala lang siya sa akin at napabuntong hininga. Alam kong gusto niya pa akong tanungin pero nanatili na lang siyang tahimik. Napalingon ako kay Thalestris ng magsimula itong umiyak. Kinuha ko siya at pinainom ng gatas.

Pinandar na ni Hylo ang kanyang kotse at tahimik na nagmamaneho. Kinuha ko ang hairclamp at inayos ang aking buhok. Napapikit na lang ako at mahigpit na niyakap ang aking anak ng bigla na lang hampasin ni Hylo ang steering wheel ng kanyang kotse.

"Hylo," kinakabahan kong wika.

"Fuck! This is all my fault," dinig kong bulong nito at hindi man lang ako nilingon.

SHANGPU

Painful Regrets (Gorqyieds Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon