CHAPTER 13
NAKAHALUMBABA LANG ako sa railings ng balkonahe dito sa kwarto naming dalawa ni Davis. Hapon na ngayon kaya nakatambay na lang ako rito para magpahangin. Ang boring ngayon lalo't na wala si Thalestris.
Medyo masakit pa rin ang pisngi ko dahil sa ginawa ni Mama. Kaya palaging may ice bag akong katabi para ilagay 'yon sa aking pisngi. Dumaan ang malakas na hangin at sinayaw no'n ang kulot kong buhok.
Napantig ang aking tenga ng marinig na may tumatawag sa cellphone ko. Kinuha ko 'yon at sinagot.
"Hello?" bungad ko at naupo sa kama.
"Cheska."
Agad kong kinabahan ng marinig ang boses ni Davis. Kinuyom ko ang aking kamao at huminga ng malalim.
"Davis, kumusta napatawag ka?" sagot at hindi pinahalata na kinakabahan sa kanya.
"Nasaan si Thalestris?" tanong nito sa kabilang linya.
"Natutulog sa crib," pagsisinungaling ko.
Namayani ang katahimikan sa kabilang linya.
"Hindi ka pa rin ba titigil sa ginagawa mo?" tanong nito sa nakakainis na tono, bakas sa kanyang boses ang pagkainis.
Napalunok ako. "Wala akong ginagawa, Davis."
Pagak itong tumawa. "Ginagawa mo ba akong tanga? Alam kong alam mo kung anong ibig kong sabihin. Iwasan mo 'yang si Hylo. Ang hirap pala kapag iiwan kita mag-isa rito lumalandi ka na lang bigla. Sa susunod nga idadala kita rito ng mabantayan kita—"
"Puwede ba Davis hindi na ako bata para bantayan mo 'ko," pagputol ko sa kanyang sinabi, nagsisimula na rin ako mainis dahil sa kanya.
"Irarason mo pa rin ba 'yang kaibigan ko si Hylo kahit alam ko namang mahal mo pa 'yang ex mo! Matuto kang makuntento sa asawa mo, Cheska!" sigaw nito sa kabilang linya.
Napapikit pa ako dahil sa pagkabigla.
"Pinakasalan lang naman kita dahil nanganganib ang kumpanya namin, Davis. Huwag kang umasta na parang minahal mo 'ko kasi hindi naman talaga, at ako rin. Sa tingin mo mamahalin ka ng babae kung palagi mong pagbubuhatan ng kamay? Hindi, Davis. Hindi," madiin kong sambit sa kanya, para mapasok sa kanyang utak ang sinabi ko.
"Tumatapang kana ngayon ah," wika nito at biglang tumawa. "May kakampi kana kasi kaya ganyan ka umasta—"
"Gusto ko ng makipagdivorce sa 'yo, Davis—"
"Walang mag-di-divorce!" sigaw nito.
"Parang awa mo na! Pagod na pagod na 'ko sa lahat ng ginagawa mo. Palayain mo na ako. Ako na nagmamakaawa sa 'yo," pagmamakaawa ko, namuo agad ang aking luha at hindi na napigilan na tumulo 'yon pababa sa aking pisngi.
Hindi ko na hinintay ang sagot niya at pinatay na ang tawag. Binulsa ko ang aking cellphone at nahiga sa kama. Humihikbing pinunasan ko ang aking luha at huminga ng malalim.
Gusto ko ng makalaya kay Davis sa totoo lang. Medyo lumakas ang loob ko dahil nakakapagusap kami ni Hylo pero nandito pa rin ang takot na baka may gawing masama si Davis sa kanya.
Umabot ng hating gabi ay nahiga lang ako sa kama. Tumayo lang ako ng mag alas dose na para maligo at nagbihis. Nightwear na black ang sout ko ngayon at ang linings ay silver gray. Naupo ako sa harap ng vanity table at napatingin sa cellphone ng may nag-text.
Hieyro Louie:
I can't sleep : ) Natutulog kana ba?
Ay. Tulog na nga. Sleep well.Cheska:
BINABASA MO ANG
Painful Regrets (Gorqyieds Series #2)
Romantizm(COMPLETED) (this is the second installment of gorqyieds series, however you can read this series as STAND ALONE, hope you enjoy it!) He knows that she loves him even though she's already married. Hieyro Louie Yiazon is still inlove with her ex-girl...