CHAPTER 43

443 5 2
                                    

CHAPTER 43

NAPAAWANG ANG aking labi ng makita si Solitaire. Yumakap ako sakanya ng mahigpit at hinawakan ang maliit na kamay ni Thalestris na ngayon ay nagpapasag sa sobrang kulit dahil nakita ako.

"Oh god, I miss you so much." bulong ko sakanila.

Napalingon ako sa gilid ng makita sila Mommy at Daddy. Nangingilid ang kanilang luha ng makita ako. Mas lalo akong naiyak dahil do'n. Pinuntahan ko sila at niyakap ng mahigpit.

"Mom, Dad. How are you? Na miss ko po kayo," umiiyak kong wika.

"We are fine, Princess. Ikaw dapat ang kailangan namin tanungin kung okay kalang ba," nagaalalang wika ni Daddy.

I nodded. Bumalik ako sa tabi ni Hylo na ngayon ay nakangiti sa amin. Hinawakan ko ang kanyang kamay at tinignan siya bago sila Mommy at daddy. Sinulyapan ko rin sila Solitaire at ang unica hija ko.

"Ok na ok lang po ako. inaalagan ako ng maayos ni Hylo," nakangiti kong wika.

"We can continue our conversation in the living room. Pasok kayo," wika ni Hylo.

Tumango sila mommy at daddy habang sila Solitaire naman ay nauna na sa loob para ibaba si Thalestris. Nanibago pa nga ang anak ko dahil naglilikot ang kanyang mata kakatingin sa kanyang pinasukang penthouse. Bagong penthouse ito ni Hylo. Yung naunang penthouse niya ay under renovation 'yon. Hindi ko alam kung anong ipapabago niya roon partida may pinapagawa pa siyang bahay.

Umupo si mommy at daddy sa kabilang sofa habang nagtitingin din sa kapaligiran. Si Solitaire naman ay sumunod kay Hylo sa kusina para tulungan itong mag luto ng kakainin namin. Marunong din 'tong si Solitaire magluto kaya mas mapapadali ang gagawin ni Hylo.

"Hey, baby. Come here. Miss na miss kana ni mommy," malambing kong wika kay Thalestris.

Bumingisnigs naman ito at naglakad papalapit sa akin. Hindi na siya inaalalayan ni Solitaire pero may mga araw talaga na nagpapalambing ito kay solitaire kaya imbis na maglakad ay nagpapabuhat ito sakanya.

"Mommy. Me too, miss you a lot," mahina niyang wika ng makalapit sa akin. Nakatanday ang kanyang ulo sa aking hita habang naka angat ng tingin sa akin.

Kumunot ang kanyang noo ng makita ang tyan ko. Hinawakan niya ang bilugan kong tyan at mahinang napasinghap ng sumipa si Raheem.

That's your eldest sister, Raheem.

"Mommy..." she whispered.

I chuckled. "Hmm. Why?" I asked.

"Eat ball?" she asked.

Mahina akong natawa at hinaplos ang kanyang buhok. "No baby, that's your brother. He's inside my belly."

"Mommy's weird," she whispered again. Hinawakan niya ulit ang aking tyan at napasinghap ulit ng sumipa si Raheem. "There's monsler inside, Mom!" matinis niyang wika.

Napalakas ang aking tawa dahil doon. Sa sobrang cute niya ay tinadtad ko tuloy ng halik ang kanyang muhka. Hindi naman siya umangal dahil tuwang tuwa pa ito.

"Halata namang inaalagaan ka ni Hylo," biglang wika ni Daddy.

"Nagkakalaman kana hindi katulad dati na sobrang payat mo," dugtong ni Mommy.

Ngumiti lang ako at tumango. Tama naman sila.

"Nandito kami ngayon kasi may sasabihin kami ng daddy mo," wika ni mommy.

Dahan dahan akong tumango at napaangat ng tingin ng kunin ni Solitaire si Thalestris. Pinaupo niya ang anak ko sakanyang hita at binibyan ng sandwich. Binaba rin ni Hylo ang dala niyang pagkain sa center table at tumabi sa akin.

"Sakto naman na nandito si Hylo," wika ni Daddy. May kinuha siyang brown envelope sa dala nitong bag at nilagay sa center table.

Kinuha ko 'yon at kinuha. Tipid ko silang ningitian at nakasingit din tong si Hylo. Nakikisilip siya kung anong laman no'n.

Binuksan ko 'yon at isang papel ang laman no'n. Kumunot ang noo ko at binasa 'yon medyo mahaba pa. Lalong kumunot ang noo ko ng umabot ako sa kalagitnaan ng pagbabasa.

"Importanteng bagay 'yan, 'nak. Gusto ko lang humingi ng pasensya dahil tinago namin sa 'yo ang tungkol d'yan. Akala namin mapapanatag ang loob namin kapag napunta ka sa kanya habang sinasagawa namin yung plano para mahuli yung magulang ni Davis. Sila ang may dahilan kung bakit bumagsak ang kumpanya natin."

Halos hindi ko na mabasa ng maayos ang papel dahil sa sobrang daming luhang nagsisituluan pababa sa aking pisngi. Napahawak na ako sa aking bibig ng kumawala ang aking hikbi. Nanginginig pa ang kamay ko dahil sa nalaman ko.

'Ito ay isang katunayan na si Mr. Davis at Ms. Cheska ay hindi tunay na kasal at peke ang marriage certificate ang hawak nila.'

"Sa tingin ko ay ito ang tamang panahon para malaman mo. I'm really sorry, 'nak, sa lahat lahat patawarin mo sana kami. Ang dami naming nagawang mali ng mommy mo para maisalba yung kumpanya natin. Lahat ng ibendensya na sa akin na, laywer nalang ang kailangan natin at puwede ng makulong ang magulang ni Davis. Sila ang dahilan kung bakit bumagsak ang kumpanya natin at hanggang ngayon ay gano'n pa rin ang ginagawa nila sa atin. Kalahati ng perang pumapasok sa atin ay napupunta sa kanila," pagpapaliwanag  ni Daddy.

Halos hindi na ako makahinga sa mga nalalaman ko. Si Hylo ay hinihimas ang likod ko. Nakita ko rin na umalis na muna si Solitaire kasama si Thalestris.

"Sa loob ng i-ilang taong pagsasama namin ni D-davis hindi talaga kami totoong k-kasal?" nauutal kong tanong habang lumuluha.

Umiiyak na tumango si daddy ganoon din si mommy.

"Yes, anak. Kami umasikaso ng papeles niyo sa kasal. Fake ang lahat simula noong una pa. Pagdating sa arrange marriage hanggang ngayon. May mata ako sa kumpanya ng magulang ni Davis. Sila nag offer na tulungan tayo sa pag angat ng kumpanya natin, dahil uulitin na naman nila yung ginawa nila sa kumpanya natin dati. Sila lahat may kagagawan kung bakit tayo nag hihirap noon at kung hindi sila makukulong, hanggang ngayon ay maghihirap tayo. Kaya patawad sa lahat anak, patawarin mo kami ng mommy mo. Alam kong ikaw ang sobrang nagssusuffer sa lahat ng ginawa namin para sa kumpanya natin," lumuluha na wika ni daddy. Si mommy naman ay walang tigil sa pag punas sa kanyang luha habang hinawakan ang kamay ni Daddy.

"Pangako, 'nak. Babawi ako, babawi kami ng mommy mo sa 'yo. Kapag natapos na 'tong problema wala na tayong iba pang iisipan pa. Makakapagpahinga na tayo," pagpapatuloy nito.

Halos hindi na proseso sa aking utak lahat ng nalaman ko. Tinignan ko si Hylo, grabe ang iyak din nito. Lalong sumingkit ang kanyang mata dahil sa pag iyak nito, hindi ko alam kung nakakakita pa ba 'to dahil parang linya na ang mata nito habang nakikinig sa mga magulang ko.

"Hindi ka kabit," mahina kong wika ng maisip yon. Kung hindi talaga kami totoong kasal ni Davis. Ibig sabihin simula pa nung unang nagkita na kami ni Hylo ng maikasal kami ni Davis ay hindi talaga siya naging kabit. "Hindi ka kabit, Hylo. Hindi ka kabit. Fake ang marriage certificate namin ni Davis," paulit ulit kong wika sa kanya.

Niyakap ko siya ng mahigpit at hinaplos ang kanyang buhok. Lalong bumuhos ang kanyang luha ramdam ko iyon dahil basa na ang aking baliktad dahil sa kanyang luha.

"I love you, Cheska. I love you so much," he cried. Pinagsiklop niya ang aking kamay.

"I love you too," masaya kong wika at hinalikan ang pisngi nito.

Nabawasan ang takot sa akin dibdib, hindi pa rin ako kampante hangga't hindi nakukulong si Davis. Magiging magaan lang ang aking loob kung malalaman ko na nakakulong na siya kasama ang kanyang magulang. Nang lingunin ko si daddy ay nakangiti ito sa akin gano'n din si mommy.

"When the right time comes. Mag reready na tayo para sa kasal niyong dalawa. Hindi na kami magpapagitna sa desisyon niyong dalawa dahil halata naman na nag mamahalan kayo," wika ni Mommy.

Thank you, mom. Thank you very much.

SHANGPU

Painful Regrets (Gorqyieds Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon