CHAPTER 22

368 7 2
                                    

Tw: sh

CHAPTER 22

UMANGAT ANG TINGIN ko ng may pinatong na pagkain si Davis sa center table nitong kwarto namin. Bagong bili niya lang 'yon para sa loob na lang ng kwarto niya kami kakain at hindi na bababa pa.

Hindi niya ako pinapalabas ng kwarto. Maski na tumambay sa sala ay hindi. May TV naman daw sa kwarto at makakahiga ako sa kama, bakit doon pa raw ako.

Simula no'n hanggang ngayon ay hindi na rin siya pumapasok sa kumpanya nila. Nandito lang kaming dalawa sa loob ng bahay at siya na ang namimili ng mga pangangailangan dito sa bahay.

"Kailan pupunta si Thalestris dito?" tanong ko sa mababang tono.

Nakaupo lang ako sa kama at nakasandal ang aking likod sa headboard ng kama. Masakit parin hanggang ngayon ang aking likod lalo na ang aking ari.

Hindi ko na mabilang sa aking daliri kung ilang beses niya akong pinipilit na makipagtalik sa kanya at nauuwi naman ito sa sakitan sa tuwing umaayaw ako kaya ang kinalabasan ay natutuloy ang kagustuhan nito na may mangyari sa aming dalawa.

Ilang linggo na rin ang nakalilipas. Nakakasawa na ang ginagawa ko rito sa bahay na 'to. Sobrang namimiss ko na rin si Hylo. Hindi ko siya makausap dahil hawak ni Davis ang cellphone. Nakikita niya lahat ng nandoon at hindi man lang pinapahawak sa akin.

"Bakit ba ang atat mong makasama si Thalestris? Doon muna siya sa bahay ng magulang mo," tugon nito habang nakatuon ang pansin sa kanyang laptop. Pagalit pa ang tono nito.

Umiwas lang ako ng tingin at pinaglaruan ang aking daliri. Nang dumako ang tingin ko sa full length body mirror na nakalagay sa paanan ng kama. Hindi man lang tumagal ang tingin ko roon dahil sa hitsura ko ngayon. Ang dami kong pasa sa braso at sa hita. May sugat pa ang labi ko at may pasa rin sa aking pisngi. Meron din siyang nilagay na hickey sa aking leeg at gusto kong dumuwal sa tuwing nakikita ko 'yon.

"Drink this."

Umangat ang ulo ko ng lumapit sa akin si Davis. Wala sa sariling napatingin ako sa digital wall clock. Ala siete na ng gabi at sa tingin ko ay tapos na siya trabaho nito.

"Ano 'yan?" I whispered.

"Basta inumin mo na lang 'yan," naiirita nitong tugon.

Nanatili parin akong nakatingin sa kanya. Binato niya sa akin ang gamot at ang bottled water.

"Ano pang tinitingin tingin mo, Cheska? Huwag mo 'kong inisin at baka sapilitan ko pa 'yang ipainom sa 'yo," galit nitong wika.

"I-inumin ko na," nauutal kong wika.

Nanginginig ang aking kamay habang inabot ang gamot na 'yon. Hindi ko alam kung ano 'yon dahil nakalagay lang siya sa napakaliit na cup at sakto lang talaga ang isa o dalawang tableta sa loob no'n. Kahit sa pag-inom ng tubig kasama ng gamot nanginginig parin ang aking kamay.

"Good girl, Maligo kana at kainin mo yung nasa lamesa. May gagawin lang ako sa baba," wika nito at lumabas ng kwarto.

Napasinghot ako at pinunasan ang luha na tumulo pababa sa aking pisngi. Kinusot ko ang mata ko at hindi na napigilan na umiyak. Tumayo ako at mabilis na hinanap ang cellphone ko.

Sinubukan kong itext si Hylo ang kaso naalala ko na dito rin pala siya magrereply at magnonotif 'yon. Mayayari na naman ako kay Davis. Sa messenger ako nag chat at hindi ko alam kung na send ba 'yon o hindi dahil narinig ko na paparating si Davis.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang yapak ng paa ni Davis. Nagmamadaling pinatay ko ang cellphone at mas lalong kinabahan pa ng biglang nag lag. Butil butil ang pawis sa aking noo at ng maayos na pinasok ko kaagad sa drawer 'yon sa ganoong ayos sa kung paano ko siya kinuha.

Painful Regrets (Gorqyieds Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon