CHAPTER 20

409 6 2
                                    

CHAPTER 20

MALAWAK ANG AKING ngiti habang nakasubsob sa kanyang dibdib. Simpleng black khaki short at light brown shirt ang sout niya. Pinaresan niya 'yon ng sandals na itim na para sa lalake. Hindi naka gel ang kanyang buhok kaya bagsak na bagsak ang buhok nito.

"Tara na?" pag-aya ko sa kanya.

Tumango siya at kinalas ang pagkakayakap sa akin. Inabot niya sa akin ang box ng cupcake.

"Your cupcake," wika nito at binigay sa akin ng makapasok kami sa gate.

Kinuha ko 'yon at sinilip. Ang elegant ng design at hindi siya cute. I'm curious kung anong flavor nito.

"Anong flavor? Red velvet?" I asked.

"Matcha almond, Cookies and cream, and Dark chocolate para marami kayong pagpipilian. Tatlong flavor 'yan, tinanggal ko muna yun red velvet kasi natikman mo na 'yon."

Agad naman akong natakaman dahil doon. Tatlong flavor!? Habang tinitignan ko ang cupcake na nasa box, feeling ko ay nag-lalaway na kaagad ako.

Sabay kaming pumasok sa loob ng bahay at pinaupo muna siya sa isa sa mga sofa rito sa sala. Magkatabi tuloy sila ni Solitaire habang karga niya si Thalestris. Si Thalestris naman ay nagsimulang magkukulit sa bisig ni Solitaire ng makita si Hylo.

"Hylo si Solitaire pala. Alam ko nakilala mo na siya 'di ba?" pagpapakilala ko kay Solitaire. "Kaya nandito 'yan kasi gusto muna mag bakasyon."

Hylo nodded and smiled at Solitaire. "Nice to meet you."

Tipid lang din siyang ningitian ni Solitaire. Nagpaalam muna ako na maiiwanan ko muna sila dahil pupuntahan ko pa si Mommy sa kusina. Naabutan ko siya na may nilabas na isang buong manok sa loob ng oven.

"Hi, mommy. Nandito na po si Hylo. Binigay niya 'tong cupcake, oh. His cupcake looks delicious!" nakangiti kong wika habang nilapitan siya.

Umangat ang tingin niya sa akin at bumaba rin ng ipakita ko sa kanya ang dala ko.

"You're right. May dagdag na rin tayo ng dessert sa wakas," mahinang natawang sagot ni Mommy.

Nagtungo ako sa dining area at doon nilapag ang dala kong cupcake. Mahaba at malapad ang lamesa namin sa dining area kaya maraming malalagay roon. May iba ng pagkain na nandoon at yung iba pa ay ginagawa pa rin. Mamaya ay ililipat na rin 'yon sa labas dahil nandoon din ang pinakamalaking lamesa para hindi masyadong siksikan ang mga pagkain dito. Napailing na lang ako dahil hindi naman kami sobrang dami rito pero ang daming handa.

Kung hindi naman namin maubos ang pagkain ay namimigay naman si Mommy sa labas ng subdivision. Naka styrofoam 'yon at pinapamigay niya sa mga nakikita niyang bata sa gilid ng kalsada.

"Cheska."

Napalingon ako ng marinig na may tumawag sa aking pangalan. Kusang ngumiti ang aking labi ng makita kung sino 'yon. Ang bilis ng tibok ng puso ko sa tuwing nakikita ko siya. Alam kong ang cringe no'n pero gano'n talaga ang nararamdaman ko.

"Hylo, nagugutom kana ba? Wait ka na lang kasi niluluto na lang ni Mommy yung Mac and Cheese sa kusina," ani ko habang inaayos ang mga pagkain sa lamesa.

"Nah. I'm not hungry. Pinuntahan lang kita," tugon nito at nilapitan ako. "Happy birthday," he whispered.

I smiled. Hinarap ko siya at halos ilang dipa na lang ang layo namin sa isa't isa. Naka angat ang tingin ko sa kanya dahil matangkad ito.

"Thank you," masaya kong wika.

Hinaplos niya ang pisngi ko at mabilis na hinalikan ang aking noo dahil baka may makakita sa amin. Bumaba ang tingin ko ng may kunin siya sa loob ng pants nito. Hinawakan ko ang kanyang palad at nagtungo sa backyard at naupo sa mga upuan na nakapwesto sa mga lamesa.

Painful Regrets (Gorqyieds Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon