COTG 1

119 2 0
                                    

Valerie's POV

"Oy ineng gising na dyan. Umaga na" narinig ko na sabi ni manang Erian

"Manang, five minutes po. Tsaka Saturday naman po eh" sabi ko at nagtakip ng unan sa mukha

"Anong Saturday. Baka Monday, pasukan niyo na"

Napabangon ako bigla sa sinabi ni manang. Nagulat naman saakin si manang.

"Ha?! Legit ba manang?" Tanong ko

Napakamot sa ulo si manang "Oo nga. Hay nakong bata ka. Bumaba ka na doon, kumakain na nanay at tatay mo" sabay labas ni manang sa kwarto ko

Omg! Monday?! Argh! Nakakatamad naman pumasok!

Nag gulong muna ako sa kama bago nagpasyang maligo at magbihis ng uniform. Kailangan maganda ako aba! First day na first day noh.

Bumaba ako ng kwarto ko at pumunta sa dining area. Nakita ko kaagad sila mommy at daddy kasama si kuya.

"Good morning universe! Hello Philippines!" Masayang sabi ko

Tumawa naman si mommy "Good morning to my ever so energetic anakshie! Mana ka talaga sa mommy mo"

"Syempre mommy! Parehas tayo maganda noh" sabay hair flip ko

"Good morning princess" sabi ni daddy

"Eey good morning sa daddy ko na gwapo" sabi ko

Umupo ako sa tabi ni kuya na tahimik. Syempre mana kay daddy.

"Oh ano kuya, hindi ka pa ba nadidiligan kaya ka parin malungkot?" Sabi ko at sumubo ng kanin na may hotdog.

Nabilaukan naman si kuya, si daddy naman nay natawa. Si mommy ayon nag aalala kay kuya.

"Hahaha! You never failed to laugh me, princess" sabi ni daddy na maluha luha pa sa kakatawa

After uminom ni kuya ng tubig tumingin siya saakin ng masama "Maging panget sana first day of school mo"

"I don't claim any negative energy from my weirdong kuya, bow" sabi ko

"Speaking of first day... Valerie Kristia Loren, lumipat ka ng school diba? For what reason nga ulet.." nagkunware pang nagiisip si mommy "Ay oo nga pala, kasi palagi kayo nagaaway nung.. sino nga yung babae, uhmm Shiela?"

"Yuck! Omg that girl is so kadiri kaya, inaagaw boyfriend ko. Hindi nalang maghanap ng sakanya. Tapos ginagawa pa akong masama sa buong daigdig ng school. Nakakairita siya sa eyes and bangs ko mommy" reklamo ko

"Ang bata mo pa nagkaka-boyfriend ka na. 18, gosh" kontra ni kuya

"Eh atleast nagka-boyfriend. Ikaw ba kuya, ilang taon ka na 19? 20?" Sabay ngisi ko

"Mom, oh!" Sumbong ni kuya kay mommy na nanunuod lang saamin

"Before you two get into a fight. Valerie, I want to remind you its already 8:30 am. Your class starts at 9" kalmadong sabi ni daddy

"Weh?" Sabi ko at tumingin sa wall clock

"Hala! Omg! Oo nga! Okay bye my beloved family. Mwa!" Sabi ko at nagmamadaling lumabas ng bahay

"Wag na makipag away ha!" Narinig ko na paalala ni mommy

Pagkalabas ko ng bahay sumakay na ako sa sasakyan namin.

"Eyy let's go, kuya Rick" sabi ko

Ngumiti naman si kuya Rick at nagmaneho na. Lumipas ang ilang minuto nakarating na kami sa bagong school ko.

Crushing On The GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon