Uh..oh..
Inalis ko kaagad ang kamay ko sa abs– este tyan ni Rile. Sabay tingin kay kuya na grabe na ang kunot ng nuo ngayon.
Hala ka ghoorl!
"Naging unbalanced kasi ang upuan niya. Kaya napasandal saakin" sabi ni Rile kay kuya
Tumaas ang isang kilay ni kuya "Hmm.. papaayos nalang yung upuan bukas" sabi ni kuya sabay alis
Nakahinga naman ako ng maluwag. Tumawa bigla sila Kaily kaya tumingin ako sakanila ng masama.
"Grabe. Tawang tawa" sabi ko sabay irap
"Yung mukha mo kanina–" sabay tawa ni Eve "Grabe ang putla. Halatang nagpa-panic"
"Oh ano? May abs ako" sabi bigla ni Rile kaya napatingin ako sakanya
Kalamadong nakaupo lang siya habang umiinom pa ng juice at nakataas ang isang kilay saakin.
"Yabang! Edi meron. Magic" sarcastic ko na sabi sabay irap
"Sus. Sinabi mo lang ata na hindi ka naniniwala dahil gusto mo maramdaman abs ko noh" sabi nito habang may ngisi sa labi
Uminit naman kaagad ang ulo ko. The audacity to accuse me!
"Hoy! Wag ka maging assumero dyan. Xyiann Rile Vandermon" galit ko na sambit
"Oh, tama na yan. Kumain na tayo" sabi ni Ruby habang tumatawa
Mga kaibigan ko ba talaga itong mga toh!
Minutes passed, we were done eating dinner. Nasa living room kami ngayon at manunuod ng movie. Si kuya naman ay nasa kwarto niya na ngayon, kanina nagpaalam siya sakin na matutulog na daw siya. Bahala na daw kaming magkakaibigan sa buhay.
Hays, ever-so-caring kuya. Note the sarcasm please.
"Eto oh, maganda yung description. Tsaka nirecommend siya sakin ng pinsan ko. True-to-life story daw ito eh" sabi ni Kaily
Plinay na ni Kaily ang movie. Nasa coffee table ang popcorn at drinks. Nag order pa kami ng doughnuts, kaya nga lang hindi pa dumadating.
Nasa kalagitnaan na kami ng movie ng may kumatok sa pintuan.
"I'll get it" sabi ko at tumayo
Binuksan ko ang pinto at nakita ko ang delivery man. Binigay ko ang bayad, tsaka nagdagdag ng tip. Nag-thank you muna ako bago isara ang pinto.
"Yey! The doughnuts have arrived!" Masayang sabi ni Eve
Nilapag ko sa coffee table ang box at binuksan ito. Yum!
Nine o' clock ng matapos na ang movie.
"Arat Uno" aya ko sakanila
"Lezzgo" excited na sabi ni Eve
Umakyat kaming lahat sa kwarto ko.
"Bahala kayo saan kayo uupo. Kunin ko muna yung Uno" sabi ko at tumungo sa cabinet
Nasan ba yon?
Pagkabukas ko ng third drawer nakita ko na. Pagkalingon ko sakanila nakaupo na sila sa floor mat.
Umupo ako sa tabi ni Eve. Ako ang nagbibigay ng cards. After a while nagsimula na kaming maglaro.
"Uno!" Sabi ni Rile
Shet, lima pa cards ko.
"Plus four" sabi ni Ruby sabay lapag ng card
"Ah. Bleh plus four bleh" pang asar ko kay Rile dahil siya ang na-plus four

BINABASA MO ANG
Crushing On The Gay
Random(Loren series #3) Sabi ko hindi ko siya magugutuhan dahil parehas lang kami ng gusto; lalake. Ngunit isang gabi nagbago nalang bigla ang lahat. Started : December 20, 2021 Ended : February 02, 2022