Two weeks had passed sinced Rile confessed to me about his true feelings. About his question of him courting me, yes I accepted it. He was very persuasive.
At first kasi hindi ko tinanggap ang panliligaw niya, but– as I said very persuasive siya na tao. Ang ginawa niya parang nililigawan na rin niya ako, he brought me lunch. Lagi minamake sure kung ayos lang ba ako. Tinuturuan ako if may hindi ako maintindihan na lesson. Kaya pumayag na ako, syempre crush ko na yon ako pa ba a-ayaw?!
Right now may book fair ang school. Its currently one o'clock in the afternoon. Nandito kami ngayon ni Rile sa bench ng school field.
"Anong sasabihin ko kay Corx" namro-mroblema ko na sabi
Corx– well he still courts me. Dati ko pa talaga sinasabi sakanya na tigilan niya na ako sa panliligaw dahil siya lang ang masasaktan sa huli. Ngunit, ayaw naman nito makinig.
Kaya ngayon halos five months na ako nitong nililigawan.
Hinawakan ni Rile ang kamay ko. Hanggang ngayon hindi parin ako nasasanay tuwing nagiging touchy siya. I mean– from the ever-so-makulet Rile, to being this!
"Tell him you're already taken" suggestion nito
"Wow ha, taken. Hindi pa nga kita sinasagot, advance ka magisip" sabay irap ko
Natawa naman ito habang nakatingin sa magkahawak namin na kamay.
"Doon din naman tungo" sabi nito
"Val–" narinig ko na may tumawag saakin
Napatingin ako sa harap ko at nakitang si Corx iyon. At nakatingin ito sa magkahawak namin na kamay ni Rile.
Napatingin din si Rile kay Corx. Naramdaman ko na bumitaw ito. Bigla ako nitong hinalikan sa nuo na ikinagulat ko. Tumayo ito at mukhang aalis para bigyan kami ni Corx ng oras para magusap.
"Ten minutes" sabi ni Rile bago lumakad palayo
Nagkatitigan kami ni Corx bago siya umupo sa tabi ko. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.
"Corx–"
"I know what you're gonna say" putol nito saakin
Tumingin ito saakin at ngumiti ng pilit.
"Alam ko naman nung una palang hindi na ako" huminga muna ito ng malalim bago nagpatuloy "Alam ko rin na siya ang naunang bumihag sa puso mo. Pero kahit natatakot ako, nagpursigido parin ako na ligawan ka. Kaya sa una palang alam ko na hindi ako ang mananalo sa laban, pero tanga ako akala ko mananalo ako"
Biglang may lumabas na luha sa mata nito na ikinagulat ko.
"C-corx–"
"Ngunit, gusto ko parin magpasalamat dahil naging masaya tayong dalawa kahit sa onting sandali lang" pagpatuloy nito
"Corx, unang una gusto ko malaman mo na pasensya na. Pasensya na dahil pinaasa kita. Pasensya na dahil pinaiyak kita. Pasensya na dahil naging ganito ang kalabasan ng lahat. Pero gusto ko na malaman mo, naging masaya rin ako dahil sayo" sabi ko at niyakap siya
Masakit. Alam ko mas masakit ang nararamdaman ngayon ni Corx. Pero parehas lang din kami nasasaktan sa ngayon.
Bumitaw din kami sa isa't isa matapos ang ilang segundo.
"Friends?" Sabay lahad nito ng kamay
Napangiti naman ako at tinanggap ang kamay nito "Friends"
Nakarinig ako ng yapak ng paa. Alam ko na si Rile na iyon dahil amoy ko kaagad ang pabango nito.
"I guess it my cue to leave. Bye, Valerie" sabay tayo ni Corx
BINABASA MO ANG
Crushing On The Gay
Random(Loren series #3) Sabi ko hindi ko siya magugutuhan dahil parehas lang kami ng gusto; lalake. Ngunit isang gabi nagbago nalang bigla ang lahat. Started : December 20, 2021 Ended : February 02, 2022