After 1 week...
Isang linggo ang nakalipas nakabaon na sa utak ko ang nangyari sa hiking namin. Lalo na yung paghatid ko kay Rile, mwehehehehe!
"Hoy, Valerie. Anong ningingiti ngiti mo dyan?" Narinig ko na tanong ni Kaily kaya napatingin ako sakanya
"Wala naman" sagot ko
"Weh. Nakangiti ka parin eh" pang aasar ni Ruby
Patuloy lang sila sa pag aasar saakin habang ako naman ay patuloy sa pag deny. Bawal nilang malaman na gusto ko si Rile, periodt.
"Xyiann, sakto. Tingnan mo si Valerie ang laki ng ngiti" sabi ni Eve bigla kaya napatingin ako sa doorway ng classroom at nakitang nandon nga siya.
Naramdaman ko ang pag bilis ng tibok ng puso ko. Yung isip ko lumilipad nanaman!
"Why?" Tanong ni Rile habang naglalakad papunta sa upuan niya which is katabi ni Eve sa likod namin.
"Ewan nga ba namin dyan, ayaw magsabi" sabay irap ni Kaily na ikinatawa ko
"Hayaan niyo na yan si Valerie. Malaki na yan, kapag na broken, basta handa na pulutan" sabay tawa ni Ruby
Tumingin ako sakanya nang masama at nagsalita "Anong broken broken aber. I'm perfectly fine and gorgeous kaya" sabay hair flip ko
"Duda ako dyan" singit ni Rile na kumakain ng cookies
"Oh bigay ulit sayo ng secret admirer mo?" Tanong ni Ruby
"Yup. As always"
For the past day naging hobby ko ang paglalagay ng mga random stuffs sa locker ni Rile. Pero hindi ko sinasabi duh! Ang natatandaan ko binigyan ko siya dati ng teddy bear, pillow with his name, chocolate, then nakalimutan ko na yung iba.
"Wala ka parin ba naiisip kung sino ang maari magbigay sayo niyan?" Tanong ni Eve
Please please sana wala.
Umiling si Rile habang kumakain ng cookies. Yes! Buti nalang!
"Ano bayan. Masarap ba?" Tanong ni Kaily
"Suprisingly, yes. Gusto niyo?"
Tumango naman kami. Oh diba, kakainin sarili kong bake.
"Here" sabay bukas niya ng tupperware na may madaming cookies
"Oo nga noh, ang sarap" pahayag ko
Sariling puri diba, HAHAHAHA!
Pumasok na ang teacher namin kaya tumigil na kami sa pagkain. Habang nag tuturo si ma'am pumapasok lang sa utak ko ay kung ano ang ibibigay ko bukas kay Rile.
"Class dismissed. You may now have your lunch" sabi ni ma'am matapos ang ilang oras ng pagtuturo
Nasa canteen na kami ngayon and kami daw ni Rile ang bibili ng lunch. Kaya ngayon kaming dalawa ay nakapila.
"Two butter chicken, one Carbonara, one sisig, one Sinigang tapos five rice po and five Royal" sabi ni Rile sa babae na nag assist ng counter
Tumango naman ang babae at hinanda ang mga order. Habang si Rile ay nasa counter ako naman ay nasa gilid niya lang.
Biglang may naramdaman ako na malamig na bagay sa braso ko. Napatingin ako at nakitang may tubig na natapon sakin.
"Sorry po" sabi ng babae na pinipilit punasan ang sleeves ko
"Okay lang. Tubig lang naman" sabi ko at ngumiti
"Sorry po talaga. Papahiramin ko nalang po yung extra ko po na damit sayo" sabi nito

BINABASA MO ANG
Crushing On The Gay
Random(Loren series #3) Sabi ko hindi ko siya magugutuhan dahil parehas lang kami ng gusto; lalake. Ngunit isang gabi nagbago nalang bigla ang lahat. Started : December 20, 2021 Ended : February 02, 2022