Monday. Argh!
Nakabalik na kami kahapon pa dito sa bahay. Bumangon ako sa kama at naligo upang makabihis na para pumasok.
Matapos makapagsuklay ng buhok, bumaba na ako para kumain ng almusal. Pagkarating sa dining room hindi ko nakita sila mommy kaya nagtanong ako kay manang Lusia na kakapasok lang sa loob.
"Manang, nasaan po sila mommy?" Tanong ko
"Ay oo nga pala. Nako, pinapasabi ng magulang mo na may pupuntahan daw sila ngayon... eh baka bukas pa sila makauwi" sabi nito
Tumatango naman ako "Ganon po ba. Eh si kuya po? Pumasok na?"
"Oo nak. Kain ka na, para makapunta ka na sa eskwelahan mo" sabi nito "O siya. Punta muna ako sa kwarto, kain ka na ha"
Ngumiti ako "Opo manang. Salamat po"
Pagkaalis ni manang tsaka palang ako nagsimula kumain. Binuksan ko ang takip ng mga pagkain at bumungad saakin ang fried rice at spam. Okay, lamon time!
Matapos kumain ako na rin ang naghugas ng mga pinagkainan ko. Tsaka ako nag sipilyo after.
Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko sa may lalagyanan namin ng mga susi.
Malapit na ako sa school ngunit natigil naman ako dahil sa traffic. Hays!
Kinuha ko ang phone ko at tumingin sa oras. 9:20 am.
"Shet! Late na ako!" Sabi ko sa sarili
Biglang tumawag si Ruby na sinagot ko naman.
"Hey, nasaan ka na?" Tanong nito sa kabilang linya
"Na-stuck ako sa traffic" sabi ko
"Okay okay. Don't worry, wala pa naman si ma'am. Makakahabol ka pa siguro. Anyways, ingat sa byahe ha"
"Thank you" sabi ko at binaba na ang linya
Ever-so-sweet Ruby.
9:29 na nang makarating ako sa classroom. Ng hinihingal pa!
Pagkabukas ko ng pinto nakita ko si ma'am. Minamalas ba naman oh, yung strict pa namin na professor!
"Care to explain why were you late? Ms. Valerie" tanong nito at tinaasan pa ako ng kilay
"Pasensya na po ma'am. Na-traffic po kasi ako" sabi ko
"Kasalanan ko ba?" Biglang tanong nito
Hala. Wala naman akong sinabi na kasalanan niya eh.
Nagiisip pa ako ng explanation ng biglang tumayo si Rile.
"I'm sorry ma'am. May pinabili pa kasi ako sakanya, kaya siguro siya na-traffic" sabi nito
Kumunot naman ang nuo ko. Pinagsasabi nito?!
"Is that so. Well then, sa susunod wag ng uulitin. Dahil next time na mangyayari pa ito, hindi na kita papasukin. Understand?"
"Opo" sabi ko
"Maupo na" sabi ni ma'am sabay harap ulit sa white board
Umupo ako sa tabi ni Ruby at huminga ng malalim.
"Gosh girl. Nako akala ko hindi na matatapos kakatanong sayo" bulong ni Kaily
"Malapit na nga ako maihi sa palda teh" sabi ko
Natawa naman sila ng mahina.
"Wala man lang thank you" narinig ko na bulong ni Rile
"Oo na thank you na" sabi ko at pinipigilan mangiti

BINABASA MO ANG
Crushing On The Gay
Random(Loren series #3) Sabi ko hindi ko siya magugutuhan dahil parehas lang kami ng gusto; lalake. Ngunit isang gabi nagbago nalang bigla ang lahat. Started : December 20, 2021 Ended : February 02, 2022