COTG 10

40 0 0
                                    

WARNING : Sexual Harassment involved in this chapter! You can skip this chapter if you are not comfortable with it. Thank you, have a great day Rubies <3.

//

Wohoo! Friday na ngayon, meaning bukas ay weekend na! Yey!

"Class dismissed" sabi ni sir sabay alis ng classroom

Tumayo kami at nag ayos ng bag. Habang naglalakad kaming lima sa hallway may pumasok na idea sa isip ko.

"Hiking tayo bukas, g?" Aya ko

Napatingin naman sila saakin.

"Sure, matagal na rin ako hindi nagiging close kay mother nature" sabi ni Ruby

"Gora" sabay na sabi nila Eve at Kaily

Pagkatigil namin sa parking lot, lahat kami nakatingin kay Rile at naghihintay ng sagot niya.

Kapag ito talaga hindi pumayag, tutuktukan ko toh ng kaldero.

"Tingin tingin niyo dyan. Hindi ako papayag" sabay irap nito

"Ano ba yan" reklamo ko

"Mamaya masugatan pa ang precious face ko, tseh!" Sabi nito

Aba't-

"Kung ihulog kaya kita sa bulkan" sabi ko at umirap

"Gawa" panghamon nito

"Oh tama na yan. Basta sasama lahat bukas" sabi ni Ruby

Ngumiti ako at pumalakpak.

"Think of it as a short vacation. Away from essay's, reporting, laws" sabi ni Eve at pumikit habang nakangiti

"Agreed" pag sang ayon ni Kaily

"Fine. Anong oras ba?" Tanong ni Rile

"How about, 8 am?" Tanong ko

Pumayag naman silang lahat. And since ako ang nag aya, ako na ang susundo sakanilang lahat.

Halos sabay sabay na rin kami umuwi para makapag ready bukas for the hiking trip. Yie! I'm so excited.

Pagkauwi ko sa bahay kinuwento ko kaagad kala daddy at mommy ang balak namin na hiking trip.

"That's great. What lunch do you want?" Tanong ni daddy

"Hmm... Adobong manok" sabi ko

"Okay then. Bukas ng umaga ready ko na mga baon mo. Yung mga kaibigan mo ba, dadalhan mo ng pagkain?" Tanong ni mommy

Tumango ako "I was thinking of making them cupcakes?"

"Sure. Gusto mo ba gawin na natin ngayon?" Tanong ni mommy

Excited ako na tumango. I get to bake again!

"Mi, pwede ba ako sumali?" Tanong ni daddy at naglalambing kay mommy

"Tseh, masusunog mo lang yung cupcakes. Last time nag try tayo gumawa ng hotdogs diba, ayon nasunog mo" sabay irap ni mommy

"Eh" reklamo ni daddy at ngumuso pa

"Yuck ka, Ryan" sabay walk out ni mommy

Tawang tawa ako sa nangyari kaya tumingin si daddy saakin ng masama.

"Awts, under ka pala daddy" pang aasar ko sabay takbo papunta sa kitchen

Mamaya palayasin pa ako. Pero I know he will not do that, ako lang kaya prinsesa niya. And I know he loves me and kuya.

Pagkarating ko sa kitchen nakita ko na nilabas na ni mommy ang mga kailangan para gumawa ng cupcakes.

We decided to do a chocolate cupcake with vanilla cream. Nagugutom ako bigla!

Crushing On The GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon